Chapter 3

2035 Words
Blair's POV Kasalukuyan akong naghahanap sa site ng job.ph for my part time job nang marinig ko ang katok mula sa pinto ng apartment ko. Baka si Ailee na iyon, ang sabi niya kasi ay ngayon niya babalikan ang sasakyan niya. I closed my laptop and went near the door. Tama ako, si Ailee nga. "Best, pasok ka," sabi ko sa kanya. Nakakapagtaka bakit kaya gano'n ang ngiti niya. Ano nanaman bang binabalak nito? Umupo siya sa couch na inuupuan ko kanina saka niya binuksan ang laptop ko at nagpipindot doon. "Ano bang ginagawa mo?" tanong ko sa kanya saka siya nilapitan. Nakita ko naman ang email ko na nakabukas. Nakita kong ini-attach niya ang CV kong ginawa namin noon para sa paghahanap ko ng part time job. Pagkatapos niyang i-send iyon ay tiningnan niya ako habang nakangiti. "Ano bang nangyayari?" nagtataka kong tanong sa kanya. "Mag-ready ka na. Sapagkat ikaw ay may dadaluhang interview. Dapat magmukha kang propesyonal. Kaya sasamahan kita sa mall. Maghanap tayo ng bagong damit para sa iyo," masaya niyang sambit. "Teka nga, ano bang nangyayari talaga. Kanino mo ba ipinadala ang CV ko?" tanong ko sa kanya. She just smiled at me and opened her phone saka nag scroll ng nag scroll. Pagkatapos niyang mahanap ang sa tingin ko ay hinahanap niya ngumiti ito saka niya pinakita sa akin. Ahhh, post ng manager ni Zeke na naghahanap ng personal part time assistant. Wait, what?! Binasa ko ulit ang post atsaka tiningnan si Ailee na hanggang ngayon ay nakangiting nakatitig sa 'kin. "Don't tell me," I paused. Tumango-tango naman ito. "Yes my dear bestie. Tama nga ang nasa isip mo ngayon. Now, you have a chance para makasama si Zeeeekeeeee," sabi niya habang sinusundot ang bewang ko. Tumawa kaming pareho at nagtatalon sa couch. Grabe, totoo ba ito? "Dapat galingan mo sa interview para ikaw ang mapili. Sayang naman ang pagkakataon ano," sambit niya pagkatapos naming humiga sa sahig dahil sa pagod. I looked at her and smiled. What did I ever do to deserve this kind of friend. Pagkatapos naming kumain ay pinabihis ako ni Ailee para pumunta sa mall. Hindi naman sana kailangan kasi may iba pa akong damit pero nagpumilit siya. Dapat daw akong bumili ng bagong dress for good luck. I just shrugged and followed her sa sasakyan niya. After ng sampung damit na pinasukat niya sa 'kin ay sa wakas at may napili na siya. Grabe, sobra akong napagod kakapalit ng damit. Though, I have to commend her taste on clothes. Para akong naging ibang tao dahil sa white 'n black na pinili niya. Napapatingin 'yong ibang pumipili ng damit sa amin pag labas ko ng fitting room. Natawa pa nga si Ailee nang sampalin ng isang babae ang boyfriend niya dahil sa pagtitig sa 'kin. "Iba talaga ang kamandag ng best friend ko," sambit niy habang tumatawa. Agad naman akong bumalik sa fitting room at nagpalit na ng damit. Paglabas ko ng fitting room tiningnan ko ang tag. "2,500 pesos?!" sigaw ko dahilan upang mapalingon sa amin ang ibang mga tao. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig pagkatapos kong makita ang presyo. Parang isang dress lang eh. Gawa ba ito sa ginto at ganito ito kamahal? Kinuha ni Ailee sa 'kin ang dress at tiningnan ang tag. "Ah okay," sambit niya. "Anong ah okay. Nakikita mo ba ang presyo niyan. Ibalik mo na 'yan hindi ko kukunin," sabi ko naman. "Ano ka ba best. Ngayon ka lang naman bibili ng damit mo eh. Saka para ito sa trabaho mo dapat lang na paghandaan mo ito ng mabuti. Sige ka pag hindi mo ito kukunin bibilhin ko ito para sa 'yo," pagbabanta niya. Itong babae talagang ito. Kilalang-kilala ako. Kinuha ko na agad sa kanya ang damit at binayaran sa cashier. Baka totohanin niya ang sinabi niya eh. Sobra-sobra na nga ang tulong na binibigay niya sa 'kin bibilhan pa niya ako ng damit? Unfair para sa kanya 'yon. ***** "It's fine. No matter what I'm here for you..." I heard Zeke's voice na nagpagising sa 'kin. Lahat ng kanta niya ginawa kong ring tone. Sa tuwing naririnig ko ang boses na 'yon nakakalimutan ko ang mga problema ko. It's all thanks to him that I'm still fighting until now. Bumangon na ako at pinatay ang alarm ng cellphone ko. Kapapadala lang sa 'kin ng email for interview bilang assistant ni Zeke. Kaya kailangan kong maaga para maghanda saka dapat hindi ako ma-late sa interview. Kinuha ko ang damit na binili namin ni Ailee kahapon at inilapag sa kama ko. I went to the bathroom and did my morning ritual. Pagkatapos kong isuot ang damit ay humarap na ako sa salamin and applied light powder. Hindi ko na kailangang maglagay ng makapal na mag make-up maganda na ako eh. Charrr, sabi kasi ni mama maganda ako kahit walang make-up eh. Syempre dapat ko siyang paniwalaan nanay ko siya eh. Kinuha ko naman ang lip gloss ko at ginamit na. Ahhh, shining shimerring splendid lips. Nakaka inlove ka naman self. I kissed my reflection and started to comb my hair. Hanggang bewang ko ito kaya kailangan ko siyang patuyuin muna bago itali. Pagdating ko sa kompanya nila ay namangha ako. Wow, dito pala siya nag-work araw-araw. Ngayon lang ako nakapunta rito buti nalang at hindi ako naligaw. Habang naglalakad ako sa hallway ay nakikita ko ang mga nakaparadang litrato ng sikat na artista. 'Yong iba kilala ko pero 'yong iba naman ay hindi. Wala kasi akong hilig sa panonood ng drama eh. Nakikita ko lang 'yong iba sa kanila kapag nasasama sila sa report tungkol kay Zeke. Nang makita ko ang location kung saan gaganapin ang interview ay pumasok na ako. Maraming tao ang busy sa pag-aayos. Nakita ko naman ang linya ng mga taong nakaupo sa gilid. Siguro nandito rin sila para sa interview. Lumapit ako sa kanila at umupo sa bakanteng upuan. "Magsisimula na po tayo mamaya pagdating ni manager Jian. Please get ready," sabi ng isang babae sa amin na dahilan ng pagbilis ng t***k ng puso ko. Oh no, kinakabahan ako. Ang sakit ng dibdib ko. 'Yong puso ko parang gustong tumalon at tumakbo paalis. Kinuha ko agad ang headset ko at pinatugtog ang isa sa mga kanta ni Zeke. Ang boses lang naman niyang iyon ang nakakapagpa kalma sa 'kin. Ilang mga sandali pa ay dumating ang mga mag-iinterview. Dumaan sila sa harap namin pero dahil sa kaba ko ay itinuon ko ang pansin ko sa music video ni Zeke. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko bago ako ma-interview. "Hala, andito rin si Zeke," rinig kong sambit ng ibang aplikante. "Oo nga eh, akala ko hindi siya pupunta," sagot ng isa. "Naku, kahit hindi ako makuha rito masaya na ako,' kinikilig namang sinabi ng isa. Ako lang ata at ang ibang mga lalaking aplikante ang kalmado na parang walang pakialam na andito si Zeke. Pero huwag ka, kinikilig din ako ano. Ayoko lang ilabas nakakahiya eh. Isa-isa nilang pinapasok ang mga kasama ko sa kwarto. At dahil ako ang huling dumating ay ako rin ang huling mai-interview. "Dionne Blair Chantria Kemp," tawag sa 'kin ng isang staff kaya inalis ko na ang headset mula sa tenga ko at itinago ito sa purse ko. This is it pancit. Galingan mo Blair, AJA! Pumasok ako sa room kung nasaan ang mga nag-iinterview. I saw Zeke na busy sa pag-analisa ng mga papel, manager Jian, at ang hindi ko kilalang lalaki at babae. Tiningnan ako ni manager Jian at nginitian. "Please have a seat," he said. Umupo na ako sa harap nila habang nakangiti. "Please tell us a little about yourself," ang sabi ng lalaki. "Hello everyone, I'm Dionne Blair Chantria Kemp. I'm an undergraduate student in University of the Philippines, medical department. I like reading, listening and watching music video," I sweetly said. "You were watching awhile ago. Do you really care about this interview," malamig na sambit ng kaharap ko ngayon. It's Zeke. Emeghed tumalon ang puso ko dahil doon. Nakita ko naman ang pagkagulat ng mga kasama namin sa kwarto. "Hmmm, you're quiet special ms. Kemp," sambit ng lalaki. Hindi ko maintindihan kung bakit nila iyon nasabi at kung bakit gano'n nalang sila mag-react pagkatapos magsalita ni Zeke. Tahimik parin si Zeke kaya naisip kong sagutin na ang tanong niya. "Uhmmm, it was because I love your songs so much. A while ago I was really nervous and your song can only calm me down," explain ko while adoring his serious face. Ngayon lang ito mangyayari ano. Kung hindi ko man makuha ang trabaho ay dapat sulitin ko na ang pagkakataong ito na nakaharap ko siya ngayon. Agad namang pumasok sa isip ko ang mga sinabi sa 'kin ni Ailee kanina. "Maybe I'm lacking of work experience. But as your fan I'm very much familiar with you. If I can be your assistant maybe it will save time for you. For example, you don't have to tell me what're your allergens, your favorite fruit, or how much sugar you'd like in your coffee," sunod-sunod kong paliwanag sa kanya. Kaya nga medyo ako nahuli ng dating kanina dahil nag-advice muna ng pagkahaba-haba si Ailee sa 'kin. Also, ginamit ko ang pagka-fan girl ko para sa maayos na pagsagot ko sa interviewers. Marami pa silang tinanong at marami rin akong pinaliwanag. Mukha namang satisfied ang mga mukha ng tatlo maliban sa kaharap ko ngayong hindi nagbabago ang expression ng mukha. Pagkatapos noon ay sinabi nilang antayin ko nalang ang e-mail nila kung natanggap ba ako o hindi. Nagpasalamat naman ako at umalis na. Still hoping na sana na-empress ko sila. Pagdating ko sa meeting place namin ni Ailee nakita ko siyang nakangiti habang may chinachat. Hmmm, sino naman kaya ang masuwerteng nagpapangiti sa best friend ko ngayon. Dahan-dahan akong pumunta sa likod niya saka sumigaw. "Baaaah!" I said na may halong paghawak sa dalawang balikat niya na ikinagulat naman niya. "Aaaaah!" Sigaw niya habang tumatakbo palayo sa 'kin. Tumawa naman ako ng malakas sa reaksyon niya. Lumapit ito sa 'kin habang nakasimangot at umupo ulit sa upuan niya. Umupo ako sa tabi niya dahil alam kong nagtatampo ito sa panggugulat ko kanina. "Best, sorry na. Ikaw kasi hindi mo ako pinapansin nakatitig ka lang dyan sa phone mo. Sino bang ka-chat mo at nakangiti ka ng pagkatamis-tamis ha? Teka, may boyfriend ka na?!" sigaw ko. Aba't may boyfriend na siya? Tas hindi niya sinasabi sa 'kin?! Unbelievable. Binatukan naman niya ako dahil sa tanong ko. "Kung ano-anong iniisip mo! Kumusta pala ang interview mo, successful ba?" she asked. "Well, I hope so. I did what you adviced me at mukha naman silang sarisfied sa sagot ko. Mag-sesend nalang daw sila ng email for the result eh," paliwanag ko sa kanya. "Ah, that's good. For sure naman ikaw ang makukuha. Ang ganda at ang talino mo kaya. Inumin mo na itong milktea mo at kanina ka pa niya inaantay," sabi niya sa 'kin saka inabot ang milktea na nasa tabi niya kanina. "Thanks," I said saka ininom ito. Kung sakaling makuha ako rito sobrang laking tulong nito sa 'kin lalo na sa pagpapagamot ni mama. Ang laki ng sahod kahit assistant na position lang. Tatlong part time job ang kakailanganin ko bago ko makuha ang sasahurin ko rito eh. Haaay, positive lang mare makukuha mo rin 'yan. ***** "Congratulations, you have been hired etc. etc. etc.," I heard as Ailee read my phone. Kanina pa niya paulit-ulit na binabasa ang e-mail ng pag-hire sa 'kin bilang assistant ni Zeke. Mas excited pa ata siya kaysa sa 'kin eh. "Tama na nga yan," sabi ko saka kinuha ang phone ko mula sa kanya. "Naku best friend kailangan nating mag-celebrate," she excitedly said. "Ano? Huwag na ano dito nalang tayo," protesta ko. "No, it's my treat. Tara na magbihis ka at may alam akong lugar," sabi niya sabay hila sa 'kin papasok sa kwarto ko. Nakarating naman kami sa isang resto. Halatang mayayaman lang ang pumapasok dito. Ang laki ng building at napaka elegante ng lugar. Hindi ata ako bagay rito. "Tara," she said at hinila ako palapit sa isang table kung nasaan nakaupo ang isang lalaki. Teka, si manager Jian 'yon ah? to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD