KABANATA 8

1640 Words
Takot, pangangamba at sakit. Yan ang bumabalot sa buo kong sistema sa mga oras na ito. Takot dahil sa mga maaaring mangyari kapag nalaman nila ang namamagitan sa pagitan naming dalawa ni Tristyn. Pangangamba sa kaniyang nalalapit na pag-uwi at sakit sa mga maaari kong masaksihan kapag nandito na siya. Iniisip ko pa lang ang mga pwedeng mangyari ay sumisikip na ang dibdib ko. Para akong tinulos sa kinauupuan ko nang magtagpo ang aming mga paningin. Tanya Marie Guevara. Ang nakakatandang kapatid na babae ni Tristyn. Ang babaeng may matagal nang galit sa akin. Hindi ko alam kung bakit ayaw na ayaw niya sa akin samantalang gustong-gusto niya ang kapatid ko. Parang may nagawa akong hindi maganda sa kaniya dahilan upang kainisan at kinaiinggitan niya ako. Maraming nagsasabi na naiinggit daw siya sa mala gatas kong kutis at sa angkin kong kagandahan. But I know to myself that I am not really beautiful, maputi lang ako. But they envied my physical appearance a lot. And that's why some other girls in our campus before in our highschool and college years hated me. Tanging si Ann lang ang naging kaibigan ko. Siya lang ang never akong kinaiinggitan at kinagalitan dahil sa itsura ko. Madalas rin ngang napapaaway si Ann dahil sa mga babaeng nangungutya sa akin na malandi dahil inaagaw ko raw ang mga boyfriend nila samantalang wala naman akong inaagaw, wala akong nilalandi. Sila ang kusang lumalapit, hindi ako. "Keishana? Is that you?" Nabalik ako sa reyalidad nang mapansin kong nasa harap ko na pala siya at sopistikadang nakatayo ngayon habang sinusuri ako mula ulo hanggang paa. She never change. The way she look at me before with envy and insecurities was still the same on how she look at me right now. I smiled at her as I nod. "Tanya, nakauwi ka na pala. It's nice to see you again." Tumayo ako at nilahad ang kamay ko upang makipagkamay buy she just stared at it as she crossed her arms at the front of her chest. Just like what she always did before. I bit my lower lip as I sighed before I withdrew the hand I had held out to her which she didn't dare to accept. Hindi nakawala sa mga paningin ko ang pagtaas ng kilay ni Ann sa tinuruan ni Tanya. "You didn't change even just a bit. Still acting innocent ang playing victim, Keishana. How pathetic," she said mocking at me. But still, I smiled. "I'm happy to see you too, Tanya." I retorted which made her rolled her eyes with a smirk written on her red lips. Maganda naman si Tanya, her figure is really nice. She really look like a model and a public figure. I wonder how famous is she right now in Australia. Siguradong maraming nagkakandarapa sa kaniya doon. Which I never doubt. Maganda siya at may ibubuga kaya hindi imposible iyon. "Hindi bagay sa'yo ang makipagplastikan, Keish. C'mon b***h, let us see your true colors." I felt insulted on how she addressed me but, on the contrary, I am really a b***h like what she have said. "Excuse me lang, Tanya. You're already below the belt, ano bang problema mo at lumapit ka pa dito sa table namin kung ganyan ka naman makipag-usap. Naka-abroad ka lang akala mo naman kung sino ka nang makaasta." Napalingon agad ako kay Ann nang tumayo na ito mula sa pagkakaupo at pinantayan ng tingin si Tanya. "Oh, at may kasama ka pa lang alipores. Ang best friend na itinuring pero isa rin pa lang traydor." Nagulat ako sa mga lumalabas sa bibig ni Tanya. Magsasalita pa sana si Ann nang takpan ko na ang bibig niya bago umiling. She look at me in disbelief but I just smiled at her before facing Tanya who is now smirking at me. "Pwede ba Tanya, ayaw namin ng gulo kaya please, umalis ka na lang—" "Why?" she cut me off. "Ayaw mong malaman nila ang kawalang hiyaan ninyong dalawa ng kapatid ko?" I was literally stunned the moment she spat those words in front of me with her devilish grin. So, may alam na siya tungkol sa namamagitan sa aming dalawa ng kapatid niya? Oh God! "Anong ibig mong sabihin?" Despite of being nervous and scared, I still manage to calm myself down and talk to her in a proper way. "Oh dear, stop playing around. Alam mo kung ano ang tinutukoy ko." Humakbang siya papalapit sa akin, susugod na sana si Ann sa kaniya nang pigilan ko ulit siya. Tanya walk behind my back as she move her lips closer to my ears and whispered. "You are flirting with my brother behind your sister's back, imagine how shameless and disrespectful you are. Imagine how worst b***h you are, Keish." Napapikit ako sa kaniyang mga sinabi habang walang humpay sa paghataw ang puso ko sa kaba. Paano niya nalaman ang tungkol sa aming dalawa ni Tristyn? Sino ang nagsabi sa kaniya tungkol doon? I know Tristyn will never tell her about it, lalo na at ako mismo ang nagsabing huwag ipaalam sa kahit kanino ang tungkol sa amin. Maliban na lang kay Antonette dahil ako mismo ang nagsabi at umamin kay Ann tungkol sa pagtataksil naming dalawa ni Tristyn. But she swore to keep it. Kaya paano? Paano nangyaring alam ni Tanya? Did she hired a private investigator? Pero.. paano nga? At bakit? Talaga bang napakaimportante ko sa kaniya para lang manmanan ang bawat kilos at lahat ng ginagawa ko? Is that how she eager to made me an issue to ruin my name and my image? Especially to our families? "Natameme ka yata, Keish." Napansin kong nakabalik na pala siya sa kinatatayuan niya kanina. "Are you surprised? Are you scared already? You couldn't believe that I already know your deepest secret, yeah? Well, me too. Nasurprise rin nga ako, eh." She mocked that made me swallow hard. Gusto ko siyang patigilin sa lahat ng mga pinagsasabi niya ngayon. Buti na lang din at hindi siya nage-eskandalo. Well, yeah. She's protecting her image of course kaya hindi niya magagawa ang bagay na yun. She's good at it, tho. Ashaming someone in public was her job before she graduated in college. Naranasan ko na rin ang mapahiya dahil sa kaniya. But Tristyn and my sister was there to rescue me from humiliation. Ilang beses niyang ginawa yun sa akin, pero hindi siya nagtatagumpay. Ngunit ibang usapan na ngayon, dahil ako, si Ate at si Tristyn na ang nasasangkot sa gulong ito. "You know nothing, Tanya." I bravely said despite of the fear and nervous I am feeling right now. Bigla naman siyang tumawa na parang baliw saka bigla ring sumeryoso. "Oh c'mon, Keish. Alam mong hindi ako nagkakamali sa mga sinabi ko. At alam mo rin kung ano ang kaya kong gawin, I could even tell your sister about it right here, right now—" "Hindi mo gagawin yun—" "Bakit? Natatakot ka?" Lumapit siyang muli sa akin at saka hinawakan ang buhok ko. "I can make your life a f*****g hell if I want to, Keish. Kayang-kaya ko ring sirain ang relasyon ninyong dalawa ng kapatid mo." Marahas akong napatingin sa kaniya. "Tumigil ka na Tanya, wala naman akong nagawang kasalanan sa'yo pero bakit mo ba ginagawa sa akin ang bagay na ito?" Even how hard I tried to calm myself down and pretend that I am not affected in anything she would say. But I can't. I couldn't stop my emotions when it comes to this problem anymore. "Akala mo lang wala, pero meron!" Dumidiin ang lahat ng mga sinasabi niya at mababakas mo dito ang galit at pagkamuhi. "Sa tingin mo ba ay hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo sa akin? Sa aming dalawa ng boyfriend ko? We broke up because of you!" She held me on my arm tightly while looking down at me because of our hight differences, giving me her dagger like stares. "Alam mong hindi ko kasalanan yun, Tanya. You cheated on him—" "And you think what you've done behind Sabrina's back is not cheating?" I shut which made her smile widely. "It's my payback to what you did to me before, Keish. Hindi ako papayag na ako lang ang magdudusa sa ating dalawa." "Talaga ba, Tanya? Sa tingin mo, kapag ginawa mo ang bagay na ito, ay hindi ako gaganti?" I pulled my arm from her grip as I look at her in confidence. Ayokong nakikita niya akong mahina at naaapektuhan. Kung gusto niya ng gulo, ibibigay ko. I am not the same Keishana before who just let someone degrade and ashame me to anyone. Kahit ngayon lang ay ipagtatanggol ko man lang ang sarili ko sa mga taong katulad ni Tanya. Maybe I'm at fault too, by telling her ex boyfriend before in front of the crowd that she cheated on him behind his back with his ex-boyfriends best friend. Not knowing na mangyayari rin pala sa akin ang bagay na iyon. I know what I did behind my sister's back is unforgivable, but I already regretted it and I am now facing my consequences of my selfish decisions. Lalayo na ako, magpapaubaya at hahayaan na silang maging masaya. But Tanya will make it more worst if she'll going to tell my sister about it. Mas magiging magulo ang lahat. Well yeah, kagagawan ko naman ito. Dapat lang naman na harapin ko ang mga pwedeng mangyari kapalit ng pagtatraydor ko sa kaniya at hindi ang tumakas. Ngunit paano? Papaano ko gagawin ang bagay na iyon? Oh God, please help me.. "Mamamatay muna ako, bago ka makaganti sa gagawin ko sa'yo, Keishana Marquess." Kahit nababalot ang buo kong pagkatao sa takot at pangamba. I still manage to held my head up high and hide my real emotions behind my dull gaze. "Then die."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD