KABANATA 7

1491 Words
"Umalis na si Tristyn," bungad ni Mommy nang makapasok siya sa loob ng kuwarto ko habang ako naman ay nakaupo sa may kama ko habang nakayuko at yakap ang sariling binti. "Mabuti naman po kung ganun, 'Mmy," sabi ko habang ganun pa rin ang posisyon. Naramdaman kong tumabi sa akin si Mommy at marahang hinaplos ang mahaba kong buhok. I know that she felt that I am not in myself a while ago and I know that she notice me really look bothered and uneasy. Mommy knows my actions very well, hindi ko kayang maging peke sa kaniyang harapan. Hindi niya man alam ang mga nangyayari sa akin, alam ko na may nasesense na siya tungkol dito. Kaya nga minsan nagpapasalamat ako kapag lagi silang umaalis ng bahay ng maaga at umuuwi ng late sa gabi. "Is something bothering you? Kanina ka pa ganyan, what's the matter, anak?" she asked, worried and concern were visible on her voice. I took a deep breath as I bit my lower lip before facing her. I really wanted to tell her the truth but I'm scared. Paano kung masaktan ko siya sa isiping, kabit ako ng mapapangasawa ng kapatid ko? She never expect me to be one of those mistresses out there who ruined someone's happiness that will caused the legal one with so much pain, anxiety and depression. Napakataas ng expectations nila sa akin kung kaya't takot akong masira yun. Napakahirap maging mabuting anak, dapat lahat ng gawin at gagawin mo ay naaayon sa kanilang gusto at nais makita. Buong buhay ko ay nagpakabuti ako, nagpakabuti na halos peke na lahat ng ipinapakita ko. I never been myself since then, maliban na lang kapag tuwing nakakasama ko si Tristyn. Feeling ko tuwing nasa paligid ko siya ay may kalayaan akong gawin ang lahat ng gusto ko, may kalayaan akong magpakatotoo, maging ako. Pero sa naging sitwasyon ngayon ay kailangan ko na siyang layuan at pakawalan. Kahit ayoko na mawala siya sa akin, kahit ayoko na lumayo ay kailangan. Ito lang ang tanging paraan para maitama ang lahat ng pagkakamaling ito. "'Mmy, can you do me a favor?" I asked her without any hesitation. Desidido na ako at wala nang makakapigil sa akin. Kahit siya ay hindi na ako mapipigilan. "What favor, anak?" nagtatakang tanong naman niya sa akin habang nakatitig sa aking mga mata. "Gusto ko po munang lumayo, magbakasyon sa malayong lugar." I don't care if I sound desperate, I just wanted to go away and move on. I wanted to start a new, doon sa lugar na walang nakakakilala sa akin. Sa lugar na hindi niya ako mahahanap. "W-why? What's wrong? Biglaan naman yata, anak?" punong-puno ng pagtatakang tanong ni Mommy na ikinakagat ko ng labi. I really wanted to tell her about my situation, and admit everything I've done, but I can't. Wala akong lakas ng loob at natatakot ako. "I just wanted to breathe, 'Mmy—" "Bakit? Nasasakal ka na ba sa amin ng Daddy mo?" Agad naman akong umiling bilang tugon. "No 'Mmy, it's not like that—" "Stress ka ba sa trabaho mo? Gusto mo munang magrelax?" tanong niya ulit na ikinatigil ko. I will never get tired running my own business alone, pero siguro nga ito ang way ko para payagan nila akong umalis para makapag-isip at makahinga ng maayos. Feeling ko kasi, kapag nagtagal pa ako dito ay mas lalo lang akong nasu-suffocate dahil sa aming sitwasyon. Dahil sa sitwasyong kinakaharap namin ni Tristyn. "Yes, 'Mmy. Gusto ko munang magrelax at magpahinga. Gusto ko po munang lumayo at magbakasyon, I wanted to spend time with myself alone. Kahit ngayon lang po. Feeling ko kasi, parang hindi ko na kilala ang sarili ko habang tumatagal. Pakiramdam ko parang hindi na po ako ito, eh." I tried to stop myself from crying but my tears betrayed me. I breakdown. I breakdown and cried in front of my mother who knows nothing but my hard work for my business to make it successful and being a good daughter for them. Without knowing that I am a b***h behind those success and a good image. My Mommy's face softened as she pulled me for a tight embrace. Sa paraan pa lang ng kaniyang pagkakayakap ay parang gusto niyang iparating na naiintindihan niya ako at nauunawaan niya ang mga saloobin ko na kahit kalahati nun ay hindi totoo. Para akong batang umiiyak dahil sa frustrations at anxiety. Wala na akong ibang maisip kundi ang lumayo at tumakas sa kasalanang aking nasimulan at ako na rin mismo ang tatapos. "I understand, anak. I understand." Isinubsob ko ang mukha ko sa kaniyang leeg at niyakap rin siya ng mahigpit habang umiiyak. "Thank you, 'Mmy. I love you." I sincerely said which made her kissed me on my hair and answered me. "I love you more, baby." • "Sigurado ka na ba sa bagay na ito, Keish?" malungkot na tanong ni Ann kinabukasan. Tinawagan ko kasi siya kaninang madaling araw na pumasok ng maaga dahil may sasabihin akong importante. At wala naman siyang pagdadalawang-isip na sumang-ayon at ito na nga, lumungkot ang itsura niya na para bang ayaw niyang pumayag sa gagawin ko. But knowing Ann, she won't stop me from doing so because, she understands that I need it. I need to. If leaving is my last choice just to ease this stupid mistakes, I will do it. And she'll support me even if it means leaving her here, alone. "Nakapag-usap na kami ni Mommy sa bagay na ito kagabi, at pumayag naman siya. Sinabi ko na rin na huwag sabihin kahit kanino lalo na kay Tristyn, nagtaka nga siya pero sumang-ayon rin naman siya," paliwanag ko naman habang busy ako sa pagscan ng mga papeles na nasa table ko dito sa loob ng office. "Keish naman, eh. Pinapaiyak mo naman ako! Mag-iisa na naman ako kapag umalis ka!" she said frowning as her lips protruded which I just chuckled at. "Stop being a baby, Ann. Of course, alam mo naman ang dahilan kung bakit kailangan kong umalis 'di ba? It's for my own good." I tried to make her understand which she did and nodded. "Oo naman, kaso wala sa isip ko ang lalayo ka para gawin ang bagay na yun." Umupo siya sa may sofa habang nakapulupot ang mga braso sa harap ng kaniyang dibdib. I shook my head and smiled. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko mula sa swivel chair at lumapit sa kaniya saka tumabi ng upo. I even hug her tightly and buried my head on her neck. "Thank you for being a very good and understanding best friend to me, Ann. I really appreciate it so much. I love you." I sincerely said which made her hug me back and cried on my shoulder. "You're like a sister to me. Wag mo nga akong pinapaiyak, alam mo nang balat sibuyas ako, eh!" inis niyang sabi na may pasinghot pa. "But, I love you more," she said afterwards. Matapos ang drama naming dalawa ay bumalik na agad kami sa kaniya-kaniya naming trabaho. Lunch time na nang napagdesisyunan naming sa restaurant na lang malapit sa may flower shop kami mananghalian. "Ano ang gusto mong pagkain para ako na lang ang pupunta sa counter para mag-order?" tanong ni Ann habang tumitingin sa menu. "I need a heavy meal, Ann. Hindi ako nakakain ng umagahan kanina, eh, " sagot ko naman na ikinatango niya. "Alright, yung paborito mo na lang na heavy meals ang o-order-in ko." Tumango na lang ako sa kaniya bago niya nilapag ang menu at tumayo. "Hintayin mo lang ako dito, o-order lang ako." Ngumiti naman ako sa kaniya at tumangong muli bago siya umalis para mag-order ng kakainin naming lunch. Habang naghihintay ako kay Antonette ay may bigla naman akong namataan sa may entrance ng restaurant na kinaroroonan namin. And my eyes got widened when I saw her familiar face and posture. What the hell? She is with someone that I am not familiar with. But it doesn't matter to me anymore. What matter the most is that, ano ang ginagawa niya rito? Bumalik na siya galing ibang bansa? Kailan pa? My heart beat fast in pace when I realize something. Is it just a coincidence or talagang sinadya ito? Magkasabay silang umalis at nangakong magkasabay rin silang babalik. Pero bakit nauna yata siya? "Keisha!" bigla akong nabalik sa huwisyo ko nang may sumigaw sa bandang tenga ko. Paglingon ko ay si Ann agad ang bumungad sa akin na mukhang nagtataka at nawiwirduhan. "What happened? Kanina ka pa tinatawag hindi ka nakikinig, sino ba yang tinititigan mo?" tanong niya at tiningnan rin ang deriksyong tinititigan ko kanina at ganun na lang ang literal na pagnganga niya. "What the f**k?" she uttered unbelievably. "Umuwi na si Tanya, Ann. And I know, one of these days ay uuwi na rin siya." At sa pag-uwi niya ay ang pagwawakas ng aming kasinungalingan at pagkadurog ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD