ANNALOU "M-MARVIN?" "I didn't expect to see you here," bulalas niya, bakas sa mukha niya ang kagalakan na makita ako. Luminga ako sa paligid. Busy ang lahat at wala pa si Steven dito sa loob. Hinila ko si Marvin palabas nitong chapel at dumaan kami sa likod para walang gaanong tao ang makapansin sa amin. "Ano'ng ginagawa mo dito?" bulong na tanong ko sa kanya. Nandito na kami sa likod ng chapel. Walang tao kaya nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko rin naman alam sa aking sarili kung bakit bigla ko na lang siya hinila patungo dito. Tumawa siya kaya napatitig ako sa kanya. "I should be the one asking you about that, right? Weren't you at the airport earlier? I looked for you there and even went back, but you were gone," sunod-sunod niyang sabi. Awtomatikong napaawang ang labi ko.

