ANNALOU MAY pitong oras pa kami bago mag-decide kaya binigyan pa ako ng oras ni Steven para pag-isipan ito ng maayos. Sabay pa kaming kumain ng agahan kanina. At nakakapagtaka talaga ang mga inaasta niya ngayon. Lahat ng nakita ko sa kanya kanina ay bago sa paningin ko. Pinagluto niya pa ako ng almusal na hindi naman niya ginagawa dati. Ni sa panaginip ko nga ay hindi sumagi na magagawa niya ang bagay na iyon sa akin. Kaya sa sobrang pagdududa ko'y hinintay ko siyang mauna kumain bago ako sumubo. Malay ko ba kung may lason ang pagkain na niluto niya kahit pa pinanood ko naman siya kanina habang nagluluto. Pagkatapos namin kumain kanina, umakyat muna kami sa sarili naming silid. Wala kaming imik at hindi naman na siya nagsalita pa. Pareho kaming nagkakapaan sa isa't isa. Maraming bumab

