Chapter 9 - Balita

1906 Words

ANNALOU GABI na. Hindi na talaga ako binalikan ni Steven. Hanggang ngayon ay walang patid pa rin sa pagtulo ang luha ko. Hindi ko alam kung paano ako makaka-uwi. Wala akong dala na pera kahit na piso. Nagugutom na rin ako at kanina pa kumukulo ang tiyan ko. Nandito ako naka-upo sa labas ng airport. May mga upuan dito kung saan naka-upo rin ang mga naghihintay ng flight nila at ang iba naman ay may mga banner na hawak, marahil ay magsusundo sila. Siguro dito na lang ako hanggang sa makabalik sila Mama dito sa Pilipinas. Nakarating na kaya sila sa Dubai? Sana mag-enjoy sila doon. Nakatutok ang mga mata ko sa gate kung saan pumapasok ang mga sasakyan. Nagbabakasakali na baka binalikan ako ni Steven. Pero umaasa lang ako sa wala. Marahas akong napabuga ng hangin at bagsak ang balikat na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD