CHAPTER 3

1196 Words
Good morning ma'am, this is Turner Construction Co. This message is to inform you that your schedule for meeting is today at 8 sharp in the morning. Meeting place will be in the main company.  Have a nice day! Bagong gising palang ako ay ito kaagad ang sumalubong sa akin pag silip ko sa cellphone. Nagtaka pa ako kung anong yang companyang yan at paano nila nakuha ang numero ko. Matagal akong nakatitig sa cellphone ko. Bagong gising palang ako at lutang pa ang pagiisip ko. Isang minuto siguro akong parang tanga na nakatitig bago ako matauhan. Ang Turner Construction Co. ay companyang gumagawa at nagbebenta ng mga bahay, lupa, resorts, town house at iba pa. Kinontak ko sila online at maswerte akong willing silang bigyan ako ng discount basta ipro-promote ko ang companya nila. Walang problema sa akin iyon. Promote lang pala eh. Tinignan ko ang oras at may one hour pa ako para magbihis at pumunta doon. Hindi naman malayo sa apartment ko ang location nila kaya chill lang akong naligo. Pagkatapos ko gawin lahat ng morning rituals ko, kumain at mag toothbrush ay lumarga na ako sakay sa cute na sasakyan ko. Pagdating ko doon ay dumeritso ako sa babae na nakaupo sa likod ng desk. Nagtanong ako kung anong floor ang meeting ko at sinabi naman kaagad nito matapos ang mabilisang pagtype nito sa computer. Patakbo akong pumunta sa elevator ng mapansing magsasara na ito.  "Hold the elevator door for me please!" Sigaw ko sa kung sino mang nasa loob. Mabuti at mukhang narinig nito ang pasuyo ko kaya nakapasok ako ng matiwasay. Pinindot ko muna kung saang floor ako hihinto bago humarap at magpasalamat sa taong nagmagandang loob kanina. Pero napahinto ako sa mukhang bumungad sa akin. Nagkatitigan ang aming mga mata at ako ang unang umiwas. Hindi ko alam kung anong ire-react ko ng makita ko na si Dominic ang kasabay ko. "S-salamat." Mahinang sabi ko.  Dumeritso ako ng tayo, tumingin sa harapan ng hindi lumilingon sa aking gilid. Wala akong narinig na tugon mula sa kanya pero nakita ko mula sa reflection namin sa pinto ng elevator ang pagtango niya. Shit. Nakalimutan kong dito din pala siya nagt-trabaho. Stupiiiid! Kulang nalang ay pokpokin ko ang ulo ko sa sobrang katangahan ko. Tumingin ako sa itaas at malayo pa ang floor kung saan ako bababa. Nakakahiya. Awkward at nakakastiff neck itong kalagayan ko ngayon. Halos mangalay ang leeg ko sa pagiwas sa direksyon niya. Hindi ako makatingin ng maayos sa reflection namin at kung saan saan nalang tumingin ang mata ko maliban sa pwesto niya. Narinig ko ang pagbell ng elevator, hudyat na may bababa sa floor na ito. Tumingin ako sa itaas at mukhang ito na ang floor kung saan gaganapin ang meeting namin.  Lalabas na sana ako pero naunahan ako ng kasabay ko. Gulat na napatitig ako sa kanyang likuran. Shit. Don't tell me...? Aish! Inalis ko ang ideyang nabuo sa isip ko at tuluyang lumabas sa elevator. Nagtanong ako kung saan matatagpuan ang meeting area at hindi naman ako binigo ng pinagtanungan ko. Pagdating ko doon ay marahang kumatok ako sa pinto. Nakarinig ako ng mahinang 'come in,' kaya naman binuksan ko ito at pumasok. Malaki ang meeting area at may malaking pahabang mesa sa gitna kapares ang mga bakanteng upuan na umabot sa bilang sampo. Dalawa sa mga ito ay occupied na. Maliban sa mga halaman ay wala ng ibang kagamitan na makikita sa loob. Gusto ko din ang kulay ng kwarto na pinaghalong grey, white, at black. May dalawang tayo sa lpob, isang babaeng nakatayo at sumalubong sa akin at isang lalaking nakaupo na hindi manlang nag abalang lumingon sa gawi ko. Ngumiti ako sa babaeng nakatayo at inooffer ang kamay para makipag shake hands. "Miss Del Rosario, I'm Jen. I will be the one who will discuss with you about the process of developing your dream house along with our best architect here, Mr. Dela Cruz." Masayang bati niya. Sigurado akong namutla ako ng marinig ang apelyedong iyon. Nanginginig man ang aking kamay ay nakipag shake hands ako at pilit na ngumiti sa kanya. Tumayo naman ang lalaking kanina pa nakaupo at nakatalikod sa direksyon ko. "Nice to meet you." At parang normal lang na bati niya.  Gusto kong himatayin nalang bigla. Sa ilang taon naming hindi nagkita, I've got a chance to talk to him again! He offered his hands at nagdadalawang isip pa akong tangapin iyon but this is a rare opportunity! I cannot contain my happiness that I impulsively grabbed his hands and repeatedly shakes it. I know. I acted weird and I totally regret it! Nang marealise ko ang ginawa ay mabilis na binitawan ko ang kanyang kamay at pekeng umobo. Nasulyapan ko pang nakanganga sa akin si Miss Jen at as usual, blanko lang ang reaksyon ng kaharap ko. Natauhan naman kaagad si Miss Jen. "A-ah, let's take a seat everyone." Awkward na sabi niya. I can't blame her. Kahit ako naa-awkward sa ginawa ko. Nakakahiya, na carried away pa ako. But I don't care anyway!  At least I get to hold his hand again. Hehehe "Bakit walang engineer?" Nagtatakang tanong ko. Tila natauhan naman si Miss Jen at napaayos ng upo. "I supposed, Miss Lavander is late?" at pasimpleng sumulyap ito sa pambisig na relo. Tumango lamang ako at hindi na nag react. Hindi naman ako nagmamadali at walang kaso sa akin kung malate ng ilang minuto ang ka meeting namin. I'm a patient person pagdating sa hintayan. Minutes past at wala pa rin ang engineer. Nafe-feel ko ang awkward vibes kahit na gusto kong maging komportable. Miss Jen keeps moving her arms and body, naghahanap ng mapag kaabalahan.  Kung si Miss Jen ay hindi mapakali ay kabaliktaran naman ang architect na kasama namin. Relax lamang ito at parang statue na nakatitig lang sa harap. Gusto ko mang titigan ng walang sawa ang gwapo nitong mukha ay nahihiya naman ako sa kasama naming kanina pa hindi mapakali. Twenty minutes na ang nakakalipas pero hindi pa rin dumadating ang engineer. Napakislot ako ng may cellphone na nag ring.  "Oh, it's mine." Sabi ko ng silipin ko ang cellphone ko. Tumayo ako at lumayo ng kaunti sa kanila bago sinagot ang tawag ni Luna. "What's up?" Bati ko kaagad sa kanya. "Hey. Lalabas kami nina Ashley at Madelyn mamaya, we're going shopping!" Mababahid ang excitement sa boses nito. "Nanaman? Kakashopping lang natin noong isang araw ah." "Duh. Have you forgotten? Welcome party ko mamayang gabi, organized by my mom." Napahinto ako at napaisip. Inalala ko kung kailan ba yun binangit ni Luna sa amin at napapitik nalang ako ng kamay ng may lumabas na imahe sa utak ko kung kailan at saan niya ito nabangit. "Napaka ulyanin mo talaga, Victoria!" Komento niya. Tumawa ako ng mahina. "Sorry po." "So ano na? Are you free this afternoon?" Atat na tanong niya. "Yap. I'm---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang babaeng napaka fashionista ng dating. "Sorry I'm late." Hinging paumanhin nito. Hindi ko na sana ito papansinin at babalik na sana sa kausap pero sobrang nawindang ang kaluluwa ko sa sunod na ginawa niya. "Good morning Dominic."  OK sana kung simpleng Good morning lang iyon eh. Kaso bakit may kasama pang halik sa labi ha?! "Hello? Victoria?" Nakanganga at napupuyos sa inis akong nakatunganga sa kanila. Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano maglapat ang kanilang mga labi. Kahit si Miss Jen ay nakatitig sa kanila! What the hell is the meaning of this?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD