CHAPTER 4

1147 Words
"Yes, Luna. I'm in." Sabi ko kay Luna at walang paalam na binaba ang tawag. "Miss Lavander," kalmadong tawag pansin ni Miss Jen sa dalawang naglalampungan ngayon sa harap namin. Lumayo na sila sa isa't isa at inayos ang mga sarili. Sinamaan ko ng tingin si Dominic kahit hindi niya ako nakikita dahil nakatuon ang pansin niya sa inaayos na polo. Mga walang modo! Walang respeto! PDA! Live show! Mga bastos! Paano nila nasikmurang maglaplapan kahit na alam nilang may nanonood sa kanila?! Wala ba silang hiya sa katawan?! Ha?! "Engineer Lavander, Miss Del Rosario, let's all have a seat so we can now start our meeting." Tumango ang sinasabi niyang engineer at umopo sa bakanteng upuan katabi ni Dominic. Tinignan ko siya mula ulo hangang paa at umirap ng palihim. Sa suot palang nitong fitted red mini dress ay aakalain mong pupunta itong bar at p********e ang trabaho. Sinong magaakalang ang mukhang bayaran na ito ay isa palang propesyonal? Nakakahiya. Tumaas ang isa kong kilay, kumibot ang natural na mapula kong labi at imbis na umopo ay kinuha ko ang shoulder bag ko. "I changed my mind," malamig na saad ko. Nakita ko ang pagkalito sa mga mata ni Miss Jen at naramdaman ang dalawang matang lumingon sa gawi ko. Tinitigan ko ng mariin ang mata ni Dominic. "I cannot work with someone who casually kiss in front of their client." Nilipat ko ang tingin sa babaeng nasa tabi nito at mas pinabagsik ko ang talim ng mga mata ko. "Baka imbis na magtrabaho ay pasimple pa kayong magnakaw ng oras para mag sex." Halos lumuwa ang mata ni Miss Jen sa lumabas sa bibig ko. Pinanatili kong nagtataray ang mukha at akmang tatalikod na para mag walk out ay narinig ko ang tawa ng isang demonyo. "Is it forbidden to kiss your own boyfriend?" At diniinan nito ang huling salita na sinabi. Lahat ng dugo ko sa katawan ay pumunta na sa ulo ko. Natriggered ang maldita mode ko at nasa pinakataas na itong level. What did she said?! Boyfriend?! Hindi ko madiscribe ngayon kung gaano ako nainis at nasaktan sa nalaman. I bet pulang pula na ngayon ang buong mukha ko pero kahit ganoon ay humarap pa rin ako at tinaas ang isang nagtataray kong kilay. "No wonder bagay kayo. An asshole and a whore." And with that ay rumampa kaagad ako paalis. Problemadong nakasalampak ang ulo ko sa unan na nasa loob ng kotse ni Luna habang siya ay halos mamatay na kakatawa. Nakakahiya ang inakto ko kanina. Nawalan ako ng class at nagmumukha akong war freak! My god! "Ilang ulit ko na ba kasing sabihin sayo na kapag mawawalan ka na ng control sa sarili mo ay huminga ka lang ng malalim." Natatawang komento ni Luna. Inis na ginulo ko ang buhok at sumigaw sa unan. Paano ako hihinga ng malalim para kumalma kung iisang hangin lang ang pinagsaluhan namin ng babaeng yun?! "I would never dare breathe the same air with that witch!" Inis na sigaw ko. "You just did, hon." Mapang asar na tugon ni Luna. Tumunghay ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin. "Shut up and just drive!" At sinubsob ko ulit ang mukha sa unan. Sinundo kasi niya ako sa apartment dahil wala talaga akong gana mag drive ngayon. Palaging nagp-play sa utak ko ang nangyari kanina at hindi ako maka move on! Oh my god. Tinangihan ko pa ang kompanyang willing na bigyan ako ng discount sa pagpapagawa ng bahay ko! I'm so doomed. Bye bye dream house. "Sabi ko naman kasi sayo ako nalang ang gagawa sa bahay mo." Rinig kong saad ni Luna. "Oo nga pero ako pa ang maglalakad sa mga papeles. So hassle." Tamad na sagot ko. "Wala nang pagasa to. Tsk, tsk. Wala X ang batang ito." Rinig kong sabi niya. "Alam mo? Ang sarap mo," "Alam ko." Umikot ang mata ko at umayos ng upo. Humarap ako sa kanya at nakasimangot na dinugtungan ang sinabi ko. "Ang sarap mong hambalusin sa manibela." "Gawin mo para maaksidente tayo." "Psh." Inirapan ko nalang siya at tumahimik na. Pero mukhang hindi pa siya tapos sa pangaalaska sa akin. "Ano nga bang pinuputok ng buche mo diyan? Ah, hulaan ko. Nagseselos ka no?" Pinanglakihan ko siya ng mata. Sigurado akong creepy ang dating ko ngayon dahil sobrang gulo ng buhok ko at kalat na ang maskara dahil sa pagsubsob ko sa unan na nabahiran ng kaunting maskara. "Easy. Ayan ka na naman sa mata mo. Sige ka baka matuluyan ka niyan. Halaaa." Pang aasar niya pa. "Stop it, Luna." "Wait. Bakit ka ba nagseselos?" Umakto itong nag iisip at nilagay pa ang isang kamay sa baba nito. "Focus on the road, Luna!" "Eh wala namang kayo," at lumingon siya sa akin, gamit ang inosente niyang boses at nagpapaawa na mata ay dinugtungan niya ang sinasabi, "at hindi naman naging kayo." Tila umulit ang nangyari kanina. Lahat ng dugo ko sa katawan ay umakyat sa ulo ko. Naiimagine ko ang sarili na may lumalabas na usok sa tainga at ilong ko. That's it! I'm gonna murder this b***h! "Bang!" Umakto siyang binaril niya ako sa ulo gamit ang kamay. "Headshot sa ulo!" At tumawa siya ng malakas. Malakas na malakas, yung tipong mab-bwisit ka talaga. Inis na inis ako sa kanya. Gusto ko siyang sakalin pero kapag ginawa ko iyon ay maaaksidente naman kami at mahal ko pa naman ang buhay ko para mamatay no. "Tumawa ka lang hanggang gusto mo. Pagdating natin sa mall ay lagot ka talaga sa akin." Banta ko sa kanya. "Kwento mo nga ulit sa 'kin ang nangyari noon, Victoria." At hindi pa pala tapos sa pang aasar sa akin ang may saltik sa ulo. "Ewan ko sayo. Bahala ka sa buhay mo." "Dali na kwento mo na." Pilit niya sa akin na may kasamang pangasar na tawa. "Dali na, Luna. Isama mo ako sa classroom niyo." Pilit ko kay Luna habang mahigpit na nakakapit sa kanyang braso. Last period na kasi, ang period kung saan pupunta ang mga students sa kanya kanya nilang major. Pinipilit ko itong si Luna na isama ako sa major nila para makita ko kung paano makisama si Dominic sa mga taong kapareha niya ng interes, ang arts. "Hindi nga pwede, Victoria. At isa pa, may klase ka rin sa major mo." Ngumiti ako sa kanya. Napailing naman siya sa akin at nauna nang maglakad. "Makakasira sa grades mo ang pagc-cut sa klase, Victoria. Honor student ka pa naman." "Isang beses lang naman, Luna." Pagpapaawa ko sa kanya. Humarang ako sa harap niya at pinagsiklop ang dalawang palad na parang nagdadasal. Nag beautiful eyes pa ako para effective ang gagawin ko. "Pleaaase?" Napahinto siya, tumitig sa mukha ko at nag buntong hininga. Ngingiti na sana ako dahil akala ko ay papayag na siya pero bumagsak ang balikat ko sa sunod na sinabi niya. "No, Victoria."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD