Awkward na nakatayo si Miss Jen sa harap ng dalawang taong nakaupo salungat sa isa't isa. Halawang wala sa mood si Victoria habang namumula naman ang kaliwang pisngi ni Dominic. Ang bigat ng hangin. Kulang nalang ay may lumabas na kidlat sa pagitan ng dalawang nagsasamaan ng tingin. Nang marinig niyang tumahimik na ang kwartong ito kanina ay sinilip niya ang dalawa sa loob at nakita niyang halos magpatayan ang mga ito sa tingin at hangang ngayon ay hindi pa rin sila tapos Napangiwi siya. "So..." Hindi niya alam kung anong sasabihin. Sana naman ay tumigil na ang mga ito. Napatingin siya sa kanyang relo. May meeting pa siyang dadaluhan at hindi siya sigurado kung matatapos ba kaagad ang meeting na ito. "It's final Miss Jen. I want another architect and engineer in this project. Mas la

