Paglabas ni Victoria sa airport ay sumakay kaagad siya ng taxi. Dumating siya sa inuupahang apartment malapit nang magtanghalian. Umorder nalang siya ng pagkain sa jollibee, childish man pakingan ngunit ito ang pinakapaborito niyang fastfood restaurant. Wala naman siyang gagawin maghapon. Kaya pagkatapos kumain ay dumapa kaagad siya sa kanyang kama. Nagising nalang si Victoria sa malalakas na katok sa pinto ng apartment niya. Wala pa sa huwisyong papungas pungas niyang binuksan ang pinto. Bumungad ang pagmumukha ng kaibigan niyang si Luna na may dalang dalawang box ng pizza. "Jusko, Vicky! Ano ba namang mukha iyan!" Magulo kasi ang kanyang buhok. Medyo oily ang mukha at may muta pa sa mata. Parang walang narinig na hinablot niya ang pizza na dala ng kaibigan. "Pasok ka." mahinang aya

