"Gawin niyo na ang gusto niyong gawin dahil mamayang ala una ay aalis na tayo." anunsyo ni Dominic. Mukhang badtrip ang lalaki. Normal naman ang ekspresyon nito pero nakakunot naman ng bahagya ang noo at nagtatagbo ang mga kilay. Nagkatinginan sila Victoria at Josh. Hindi niya alam kung bakit siya guilty eh wala naman silang ginagawang masama ni Josh. Para siyang nahuli ng kasintahan na nakikipaglandian sa ibang lalaki eh hindi naman. First of all hindi niya kasintahan si Dominic at kaibigan lang niya si Josh. Oo nagkagusto siya sa binata noon pero matagal na iyon at mga bata pa sila noon. Inayos na ni Victoria ang tent niya. Nag aayos na din ang iba at iyong naunang matapos ay kumukuha ng picture. Ang dali lang natapos ng camping nila. Well wala naman kasing masyadong nangyari. "Vi

