Ang camping nila ay hangang dalawang araw at isang gabi lang. Ang totoo ay wala naman talaga silang mga activities na dapat gawin. May tour guide sila para hindi maligaw pero kanya kanya na sila kung anong gusto nilang gawin. May activity lang sila kagabi dahil may nag organize. Other than that ay wala na. Lumabas si Victoria sa tent niya dala ang towel at bag niya na naglalaman ng pamalit. Plano niyang pumuntang falls para maligo. Tinignan niya ang oras sa cellphone niya, malapit nang mag ala syete. Gising na din ang lahat. Oo, lahat. Pati na ang babaeng biglang sumulpot na parang kabute kahapon. Napabuntong hininga nalang si Victoria ng makita na naman itong nakakapit na naman sa braso ni Dominic habang wala namang ekspresyon ang huli. Sinukbit niya sa balikat ang towel at naglaka

