May mga activities na hinanda para mas maging memorable ang camping nila. Although strangers silang lahat sa isa't isa, gumawa ng paraan ang organizer para magka-close naman sila kahit papano. Gabi na at gumawa sila ng bonfire sa gitna ng mga tent na nakapalibot sa kanila. Nakaupo si Victoria sa kahoy na mahaba na ginawa nilang upuan. Nasa pinakadulo siya. May katabi siyang isang lalaki na sa tingin niya ay nag solo flight lang din at may dala itong gitara. Nakayuko siya habang naghihintay na magsimula ang kanilang maliit na program. Hindi niya nais na makipag usap sa iba dahil sa oras na iaangat niya ang kanyang mukha ay dadako kaagad ang kaniyang tingin sa dalawang taong nagdudulot ng sakit sa puso niya. Napabuntong hininga siya. Akala niya ay mag eenjoy siya sa camping na ito at mawa

