BACKGROUND “Ikaw ng bahala, Scott,” sabi pa niya at saglit na sumimsim sa kape na dinala sa ‘min kanina ni Manang. Hindi pa rin ako makapaniwala. No—Ayoko talagang paniwalaan dahil alam kong totoo na. The mere fact that she lied to me just to protect her father already shows that Jaxton and my father were right all along. I don’t know what to feel anymore. Wala akong masabi. Hindi ko na magawang ipaglaban si Kimia. Hiyang-hiya na ‘ko lalo na kay Jaxton na sa una pa lang ay tama na ang hinala. Tumayo na siya, handa nang umalis. “Bukas mo na lang ibalik ‘yan or kahit ‘wag na dahil bago lang ‘yan. Wala pa ‘kong nilalagay na iba, nabinyagan lang agad ang gallery dahil sa mga kinuha kong litrato kanina,” tila nagmamayabang pang sabi niya. Napailing na lang ako na ikinatawa niya. “Goo

