Nasa one lane na ako ng daan kung saan papasok na ako sa lugar ng mansyon namin nang mapahinto na lang ako sa namataan ko sa ‘king harapan. May sasakyan akong kasabay na nasa harap ko, isa lang siya pero mahaba ito. Isa itong black limousine na pumipigil sa akin na makapasok agad sa gate. Sila nga ang nauna kaya kailangan ko talagang maghintay para makausad na ulit ang sasakyan ko pero… “What the f**k? Nandito na nga sila!” wala sa sariling nasambit ko. Kagagaling ko lang sa clinic at ang gusto kong mangyari pag-uwi ko ay matulog o magpahinga muna sa kwarto pero dahil sa nangyayari ngayon ay mauudlot pa dahil sa biglaang pagbisita nila na mukhang dito pa sila magpapalipas ng gabi. Napag-usapan na namin ‘to ni Ama pero sa tingin ko magiging iba pa rin sa pakiramdam kapag nasa harap k

