“How’s your life as an attorney, Evan?” ani Dad habang kumakain na kami. “Balita ko ay may napanalo ka na naman last week. You outstripped the prosecutor again. Congratulations!” masigla pang bati nito, proud sa kanyang kapatid. “Yes!” pagsingit naman ni Tita Nadia, proud na proud din sa kanyang asawa. “Thank you, brother. Oh, well. Like they all say, in big cases, more money! And that’s always been in my firm,” at muli itong humalakhak. “Mas gusto ko talaga na ganito ang trabaho ko kaysa pumasok sa mga negosyo na ‘yan,” bigla naman siyang sumeryoso. “That’s why we supported you, Evan. And you always did a good job. You never failed to bring the family’s name into the spotlight.” Importante pala talaga sa ‘min na hindi madungisan ang apelido namin. Kaya ba puro magaganda lang ang n

