Sa kalagitnaan nang gabi, naglalakad ako sa tabing-dagat habang nakatingin sa ‘king mga paa na unti-unti nang naabot ng tubig dahil sa malalakas nitong alon. Pag-angat ko nang tingin sa maliwanag na buwan ay napangiti na lamang ako sa kagandahan nitong taglay. Sa tuwing tumitingin ako sa kalangitan at nakikita ang buwan, siya ang naaalala ko. Ang pinaka-mamahal kong babae. “You’re not yet sleeping? Is something bothering you, Gio?” “Ay!” napahawak na lang ako sa ‘king dibdib nang may biglang nagsalita sa likuran ko. Paglingon ko ay napatungo na lang ako bilang paggalang sa kanya at nang mai-angat ko na ang ulo ko ay napahawak naman ako sa ‘king batok dahil sa hiyang nararamdaman. “Wala naman po. Hindi pa po kasi ako makatulog, e. Pasensya na po, naisipan ko lang maglakad-lakad muna a

