Kasalukuyan nang umaandar ang sasakyan, nasa limousine kami lahat. Ginamit na lang namin ang sasakyan na galing mismo sa Jaghuar. Nabili rin naman ni Tito ang sasakyan niya sa Jaghuar, ngunit napagdesisyunan kanina na ‘yong sasakyan na lang namin ang gamitin. Wala namang naging problema do’n. “’Yong mga kapatid pa natin. Si Viel lang ba ang pupunta, brother?” pagtanong na ni Tito Evan kay Ama na abala pa rin sa pagse-cellphone. Pinagmamasdan ko silang lahat kaya ang atensyon ko ay wala sa labas. Napabuntong-hininga naman si Ama at napatingin na kay Tito. “Iyon ang alam ko. Kanina naman ay sinabihan ko na lang ulit sila pero wala pa rin silang sagot sa ‘kin. Ang gulo nilang kausap. Sila pa nga nagsabi sa ‘kin no’n na gusto nilang magkita-kita ulit tayo pero ngayon ay tila nagbago an

