Natawa na lang ako nang makita ang hingalin na si Jaxton pagpasok sa room ko. Mukhang tumakbo pa siya papunta rito. “Nag-cutting ka ba?” natatawa pa ring sabi ko dahil mukha siyang tanga ngayon sa harapan ko. “Mamamatay ka na ba, bro?” ganti niya. Sumama naman ang tingin ko. “f**k you, Jax.” “That’s your fault!” aniya at tinaas pa ang middle finger niya sa ‘kin. “Sinabi ko pa naman may emergency para lang makaalis agad ako, tapos ito ka nanonood lang?” sigaw niya na akala mo’y sobrang laki ng kasalanan ko. Pagkasabi niya ay pinatay ko na ang TV at umayos na nang pagkakaupo sa kama. Nagbiro kasi ako na mamamatay na ako kaya nagmadali siya. Ayaw niya kasing maniwala na nasa ospital ako. May klase sila nang tumawag ako, hindi ko naman sinabi na sumunod siya pero siya ‘tong hindi ako

