AFFECTION Makalipas ang ilang linggo… “You’re still okay with Kimia?” tanong ni Dad habang kumakain na kami nang hapunan. Natigilan ako sa pag-kain upang tignan at sagutin siya. “Yes, Dad. We’re still okay, and we’re happy, too.” “I see.” Bumuntong-hininga ako. “Dad,” pagtawag ko na sa kanya. “Kung dahil na naman ito sa pamilya ni Kimia, p’wede bang sabihin mo na sa akin kung ano ‘yon? Kasi kung hanggang ngayon wala pa rin kayong nakikitang ebidensya, e ‘di tama nga ako. Walang kasalanan si Kimia.” “Mahal mo ba talaga ang babaeng ‘yon?” aniya, hindi man lang pinansin ang mga sinabi ko. “Of course,” sinsero kong sabi. I had already kissed her. We made love that night, too. It was amazing, and I want to do it again. I want to feel her naked body in my arms again. This feeling I

