Kabanata 1
17th Century, at araw ng himagsikan ng mga Diwatang tumaligsa sa grupo ng mga mabubuti. Dahil sa malinaw dito na ayaw ng mga Diwatang 'yon ang panunungkulan ng bagong Reyna ng 'Enkatadia 's Diwata 's" ang pangalan ng kanilang kaharian. Pinaalis ng Reyna ang kan'yang kapatid upang siya ang mamuno sa kaharian.
Nagtaksil sa kan'ya ang kapatid niya. Kaya hindi dapat mapasakamay nito ang pinamana sa kanila na Trono, ng kanilang mga yumaong mga magulang. Nararapat na hindi talaga mapunta 'yon sa kanyang kapatid. Maaaring maging magulo ang pamamalakad ng kapatid niya sa kaharian kapag nangyari. Bilang panganay ay siya lang ang nararapat na maupo sa trono. Siya lang at hindi ang napakasama niyang kapatid na si " Cleopatra"
"Mabuhay si Reyna Luna!" sigaw ng mga nakababang mga Diwata. Sa tinig ng mga Diwatang iyon ay ipinagbunyi nila ang pagkakakilanlan ng bagong Reyna na magluloklok bilang sa Trono ng kahariang 'Engkatadia's Diwata 's'.
"Mabuhay !"
"Mabuhay!"
Maraming Diwata ang lumuhod sa harapan ng mahal na Reyna at sumigaw nang sumigaw, dahil nasisiyahan ang kanilang mga puso. Ang magwagi ang kanilang kupunan, sa mga kalaban nilang masasamang Diwata ay talagamg nakakataba ng puso. Ang kauri nilang Diwata ay nag-aklas ng digmaan làban kay Reyna Luna. Bilang simbolo ng tagumapay ay nagpakawala sila ng napakalakas na dagundong ng tambol. Magkakaroon kasi ang lahat ng magarbong salo-salo.
Nakikita sa kanilang mga mukha na gumuhit sa kanilang mga labi ang napakalaking ngiti. Masaya ang mga Diwata dahil nasa harapan nila ang Reyna, na magbibigay sa kanila ng pag-asa upang mapanatili ang kapayaan sa kaharian ito. Magiliw na inurukan ng mga taga-Enkatadia's si Reyna Luna.
"Mabuhay si Reyna Luna!" Ulit na sigaw ng iba pang kawani ng mga Diwata.
"Mabuhay!"
Masayang-masaya si Reyna Luna dahil sa nagawa niyang talunin ang kapatid niya. Akala niya 'y hindi niya mapapalisan ang kan'yang kapatid. Hindi man niya ito nagawang ikulong o nagawang paslangin iyon. Dahil para sa kanya ay nanalaytay pa rin ang dugo nila bilang iisang laman. Kahit anong sama ng kan'yang kapatid ay kapatid pa rin niya ito. Hindi niya ginamitan ng kahit anumang mahika si Cleopatra para mapaslang ito. Binuhay niya pa rin ito at pinaalis sa kaharian.
Ang mahika na nasa suot niyang pustiso, nanggagaling ang kapangyarihan niyang taglay. Napakaganda niya kung sa estilo ng mga palamuting idinesenyo sa kan'yang kasuotan. May mga kumikinang-kinang sa napakahabang damit niya. Dyosang kagandahan ang humahalina sa bawat araw, na kahit gumabi pa 'y nababanaagan dito ang kan'yang maharlikang karikitan bilang babaeng Diwata.
Likas nasa kanya ang pagiging maawain, maybuting Diwata at mahabagin sa mga kauri niya. Sa mga Diwatang na nagksala sa kanya ay kaagad niya itong napapatawad.
Sapagpapanalo ng kanilang pangkat, ay nagdesisyon si Reyna Luna na magkaroon ng selebrasyon at magsagawa rin ng pagtatanghal. Ang mga Diwatang tumulong sa pakikipaglaban ay hahandugan niya ng anumang kayamanan na nagmula sa kan'ya.
'Mapalad kami, Reyna Luna na kayo ang naupo sa tronong ito at hindi ang 'yong sumunod na kapatid na si Diwali Cleopatra!" sambit ng mababang Diwata. Lumuhod ito upang igawad sa Reyna ang isang regalong nababalutan ng palamuti na yari sa mga dahon at mga Bulaklak.
"Sana 'y Inyong tanggapin ang aking handog bilang alay sa inyong pagiging matapang na Reyna. Handa akong maging tapat na lingkod at Utusan n'yo, Reyna Luna. Hindi ko sasayangin ang anuman oras na ito. Tanggapin n'yo na Reyna Luna ang pabuya ko sa Inyo... Patunay ito ng aking lubos na pagpapasalamat sa Inyo," Puspos ng tinig ng pasasalamat ng Diwatong ito.
"Sige. Maraming salamat Diwatang Ruru," Tinanggap niya ang nasabing handog ng mababang Diwatang Lalaki.
Magkaibang-magkaiba sila ng pag-uugaling dalawa. Dahil siya ay may mabuting puso pagdating sa isang bagay kung baga 'y mapagbigay siya. May kasakiman naman si Cleopatra, kaya hindi ito hinayaan ni Reyna Luna na maupo sa Trono, upang pamahalan nito ang Panama na Trono ng kanilang nga yumaong mga magulang.
Sa kan'ya talaga pinagkatiwala ng kan'yang mga magulang ang nasabing Trono. Dahil sa alam ng mga 'yon na may malawak na pag-uunawa siya sa kan'yang nasasakupan. Hindi pwedeng sa mga sumunod na hihirangin na Reyna ay masama. Katulad ng kan'yang kapatid na nag-aklas ng gera para labanan siya. Buti sa awa ng D'yos ay nagwagi ang kanilang miyebro. Kaya naman ay ninais ng Reyna na magsaya muna upang ang mga diwata 'y makaramdam ng pansamantalang kaligayahan.
Habang inaayos ang iba pang mga kagamitan sa lamesa ay puno naman sa palamuti ang lamesang pinagpatungan ng mga pagkaing napakasarap. May mga letchon na kinatay na mga baboy damo at mga kambing. Bago magsimula ng kainan ay nagsalita muna ng maikli si Reyna Luna. Pinahatid niya ang Taos puso niyang pasasalamat sa mga taong nagtiwala sa kan'ya bilang Reyna.
"Nangangako ako sa inyo na magiging mabuti akong Reyna?" Naglakad-lakad si Reyna Luna habang papunta sa unahan sa tanghalan. May mga musikang pumalibot sa Reyna. Nakatayo siya ng tuwid at tumingin sa mga Diwata sa ibaba ng tanghalan.
Aming tatanggapin ang inyong pasasalamat...
Aming tatanggapin ang inyong pasasalamat...
Aming tatanggapin ang inyong pasasalamat...
Sabay -sabay na binigkas ng mga Diwata.
Nagsimula ng magkaroon ng salo-salo Nagkaroon rin ng patimpalak sa mga manganganta at magagaling na magpatugtog ng mga Instrumento. Labis ang nasisiyahan ang mga manonood sa nasabing timpalak sa tanghalan. Mayroon ibat-ibang pinakita ang kanilang husay upang makuha ang pabuya na handog ni Reyna Luna para sa premyo ng magwawagi sa karera.
May nagwagi nasa laban ng kani-kanilang talento. Kaakibat nito ay inihandog niya ang Isa sa palamuti niya. Isang Mamahaling gintong porselas ang ibinahagi niya sa nanalo.
"MARAMING SALAMAT?! Reyna Luna!" Naiiyak na sabi ng Diwatang babaylan. Nag-aabang na ang mga palad nito na katunayan na nasasabik na ito sa kahon na iniaabot ni Reyna Luna.
"Babaylan Laila, labis akong natutuwa sa pinakita mong kahusayan. Hindi ka nag-alinlangan na sumali ngayong Gabi. Binabati kita sa 'yong pagwawagi. Masaya ako dahil sa nakamit mo ang unang karangalan, bilang mang-aawit. Heto na ang iyong regalo sa 'yong pagiging magaling na manlalahok?!" Malaking ngiti ni Reyna Luna sa babaylan ng kan'yang kaharap.
Yumukod ito sa kanya at sabay na lumuhod.
"Reyna Luna. MARAMING salamat ulit!"
"Walang anuman," mabilis niyang bigkas.
Natapos rin ngayon gabi ang selebrasyon na naganap sa kaharian ng 'Engkatadia's Diwatas'. Malawakan kaharian ang pinatili niyang makulay at kailangan-kailangan punong-puno sa mga palamuting hindi natutuyo at nabubulok. Mahigpit niyang ipinagbabawal ang kwarto kung saan nakalagay ang kan'yang pustiso.
Ang Pustisong ito ay pamana ng kan'yang Lola bago iyon na lumisan nang mga Dekadang 15th century. Ngayon ay matagal-tagal na rin na nasa kanya ang Pustisong may mahika. Magbibigay ito ng alindog sa sinuman na makakasuot nito at hindi lang 'yan, ililigtas ang sinuman na nasa bingit ng kamatayan dahil may hiwaga sa Pustisong ito.
Naalala niya ang tinig na lumabas sa bibig ng kanyang kapatid bago 'yon tuluyan nawala.
"___Ikaw_ Luna. Babalikan kita... Kukuhanin ko sa 'yo ang Pustisong 'yan. Hindi ko hahayaan na ikaw pa rin ang mamuno sa susunod natin pagtutuos. Humanda at sa 'king pagbalik dito sa Kaharian ay mapapasa'kin rin ang Pustisong pinamana ni Lola!"
Nagkunot at Nagkuyom ang mga kamao ng sumagi sa kanyang isipan ang iniwanan na maensahe ni Diwali Cleopatra sa kan'ya.
Nakaramdam siya ng takot na baka nga 'y kapag muling bumalik ang kanyang kapatid ay magkakaroon na naman ng himagsikan laban sa kan'ya. Baka sa pagkakataong iyon ay magkabaligtad ang sitwasyon ay siya naman ang magapi sa kanilang pagtutuos. At kinababahala niya ay makuha nito mula sa bunganga niya ang Pustisong ito.
Saganang kan'ya ay sukat na sukat sa kan'ya ang disenyo ng Pustiso ng Lola niya. " Hindi maaari na maganap 'yon. Kailangan kong pigilan ang kapatid ko sa kan'yang kasamaan!" usap niya sa kanyang sarili.
Lumipas ang madawag at malamig na hating gabi ay hanggang sa ngayon ay hindi pa rin dalawin ng antok si Reyna Luna, dahilan sa salitang naikintal niya sa babalang ibinigkas ng kanyang kapatid. Pasikot-sikot siya sa kan'yang pwesto sa kama. Nababatid niya na may mangyayari pa rin na Gera. Nag-isip siya ng paraan. Tumayo siya at pinuntahan si Diwatang Elena, ang kan'yang labis na pinagkakatiwalaan sa kan'yang mga kagamitan.
"Hinihingi ko sana sa 'yo Diwata Elena na pagkaingatan mo sana ang pustiso ko! Magtitiis muna akong walang ngipin sa ngayon. Nilalayon ko sanang itabi mo ito. Hindi kasi ako mapakali dahil sa nasa isipan ko ang babala ng aking kapatid na ninanais nitong kuhanin ang pustiso ko," Nangangatog na mga binti ni Reyna Luna at halos nababanaagan sa mukha nito ang labis na pagkabalisa.
"Masusunod Mahal na Reyna!" sabay yumukod.
"Sa-lamat, Diwatang Elena. Napakahusay mo talagang pagkatiwalaan sa mga mahahalagang bagay!"
"Walang anuman Reyna Luna. Nais ko lang na mapaglugdan kayo."
Umalis na si Diwatang Elena at naiwan naman si Reyna ng mag-isa.
_______________________________
**Paglipas ng Isang taon....
Nagkaroon ng digmaan. Maraming mga Diwatang nasawi at napinsala rin ang kaharian ng Engkatadias Diwatas . Ang mga Diwata umanib sa mabuti ay pinapaslang.
Natalo sila sa labanan dahil sa masyado silang naging kampante nitong mga nagdaang araw. Hindi ni Reyna Luna napaghandaan ang paglusob ng mga Diwatang masasama.
Muli na naman na bumalik si Diwali Cleopatra sa kaharian upang maghiganti. Nanumbalik muli ang lakas nito sa dating mahina. Sa kanilang pagtutuos ay natalo siya ni Cleopatra. Matapos ang makalipas na panahon na away nilang dalawa ay totoo ang nasa isipan niya, na matatalo siya sa làban. Mabubuwag ang kaharian ng kan'yang pinagkaingat-ingatan.
Ikinulong siya sa isang bulwagan na puno ng mga sapot. Sa mahabang panahon ay naroroon lang si Reyna Luna na makukulong at iyon ang naging hatol sa kan'ya ni Diwali Cleopatra.
"Nasaan ang pustiso?!" galit na tanong nito kay Reyna Luna.
"Wala sa 'kin!"
"Anong wala sa 'yo Luna?!"
"Hahaha... Nakikita mo bang bungal ako diba... Oh! Nakikita mo bang gilagid Lang ang mayroon ako?!" pang-aasar na tinig ni Reyna Luna.
"Huh?! Lapastangan! Bilang hatol ko sa 'yo, Luna. Makukulong ka sa paglipas ng mahabang panahon sa buwagan ito! Isa knag taksil!" sigaw ni Cleopatra.
"Taksil! Ako. Sa tingin mo 'y sino sa ating dalawa ang taksil, Diwali ?" pambabara niyang tanong kay Cleopatra.
"Hahaha... Itigil mo na 'yan. Mas lamang na ako sa 'yo Luna... Mahina ka na hahaha!" Pang-iinsulto ni Cleopatra sa kan'ya. Tumalikod na 'yon sa kan'ya at naiwan na siya sa bulwagan ng mag-isa.
Napayuko na lang si Reyna Luna dahil sa nararamdaman niyang nanghihina siya ngayon. Wala siyang lakas ng katawan upang lumaban pa. Nag-aalala siya kay Diwata Elena na sana 'y makatakas ito sa bingit ng gera.
Samantalang kay Diwata Elena ay nakaalis siya sa kaharian at napadpad siya sa mundo ng mga Tao na dala-dala ang mahiwagang pustiso. Hindi niya alam kung anong lugar ito. Kaya naman ay magpapatuloy siyang maglakbay sa daigdig na napuntahan niya ngayon.