Abusive, Step Mother

1174 Words
KABANATA 2 Rodella POV WORLD OF PEOPLE Sa mundong ilalim at mundong ibabaw ay hindi talaga maalisan ng masasamang tao na mayroon kahit saan man panig ng mundo. Kahit saan mayroon na mga nilalang na mayroon matigas na puso. Mga uhaw sa kayamanan, mahal na mahal ang pera kaysa sa pamilya. Abusadong mga tao. Ang mga ganitong senyales at banta sa ating mundo ay unti-unting ng dumarami ang mga taong masasama. Katulad ng karanasan ni Rodella sa ilalim ng pamilya niya. Naging pamilya niya dahil sa ama. Hindi niyang tunay na ina at ang kanyang mga kapatid ay sa ama niya lang naging kadugo. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Namulat si Rodella Perez, sa isang masalimuot na sitwasyon sa kamay ng kanyang mapang-abusong Madrasta. "Impaktang kang Unggoy ka! Bilis-bilisan mo ngang maglinis ng kwarto ko. Maglalaba ka pa dito ng mga damit ng Anak ko!" Singhal na pag-uutos ng kan'yang madrasta, sabay dinuraan siya sa buhok dahil sa nakita siyang pakupad-kupad. "Teka lang Tita!" Habang todo kuskos ng semento ng binasang tela. Naluluha siya dahil sa hindi pa siya kumakain. Lumipas na ang tanghali ay naglilinis pa rin siya. Tagaktak na rin ang mga pawis niya sa mukha pero, hindi man lang siya pinagpapahinga ng madrasta niyang si Ginang Soledad. "Pwede bang h'wag na h'wag mo 'kong matawag-tawag na Tita. Wala akong kalahing katulad mong Pangit! Mahiya-hiya ka nga sa balat mong Halimaw. Ang layo-layo ng mukha ko sa 'yo! Yuck!" sabay sipa ng malakas sa kanyang tagiliran. Napaigtad siya sa sobrang sakit ng pagkakasipa ng madrasta niya. Naiyak siya habang namimilipit sa sakit. Sa tuwing nangyayari sa kan'ya ang bagay na ito ay sinisisi niya ang kan'yang ama. Dahil sa, kung hindi naman nag-asawa pang muli ang kan'yang ama ay hindi na sana niya ito ngayon mararamdaman at mararanasan. Iyak siya nang iyak... Nararamdaman niya ang kirot ng kan'ya tagiliran sa ngayon. Tarantang tumayo siya. Dahil sa nakita niyang may hawak-hawak na si Ginang Soledad na panghataw, na yari sa matigas na uri ng kawayan. Na kahit sinong mahahampas nito ay siguradong mamimilipit sa sakit. "Heto na Madam! matatapos ko ng malinisan! Parang awa nyo na ho, h'wag n'yo akong paluin ng ganyan!" Nagsusumamong pakiusap niya sa kan'yang madrasta. Madam na lang ang tinawag niya sa kan'yang madrasta upang hindi na siya pagalitan at saktan. Pero wala pa rin, hindi uubra. Labis ang panalangin niya sa kan'yang Step Mother, pero sa itsura nito ay hindi siya pakikingggan . "Hindi! Ako ang masusunod! Ano? D'yos ka ba? " tanong sa kan'ya nito sabay nilagitik sa kan'yang katawan ang malapad na kawayan sa kan'yang puwitan. Muli ng napaigtad siya sa sobrang lakas ng hagupit ng kan'yang Step Mother, sa kan'yang likuran. "MADAM! TAMA NA PO!" binibigkas niya habang pinapalo siya. "Hahahaha. Ang lambot -lambot ng katawan mo! Bwiset kang Unggoy ka! sabi ko sa 'yo bilisan mo. Pero ang kulit-kulit mo. Binabalewala mo ang mga inuutos ko. Patuloy ka pa rin na naglilinis! Ayaw mong tuminag. Kaya 'yan ang nababagay sa 'yo! Impakta!" panlalait na tinig ni Ginang Soledad sa kan'ya. Matapos ang isang oras na pagdidisiplina sa kan'ya ay napalitan ang kan'yang maitim na balat ng mapupula na bakat ng kawayan. Nakita sa kanyang mga katawan ang latay mula sa pamalong hinampas sa kan'ya ng Madrasta niya. Matinding pang-aabuso ang sinapit niya dito . Halos sa araw-araw na nararanasan niya ay ito ang pinakamatindi niyang sinapit ngayon araw. Kahit na pagod na pagod siya sa mga gawaing bahay ay ganito pa rin ang mararanasan niya. Balewala lang ang kan'yang pagsisikap na manilbihan dito. Wala pa rin halaga ang mga bagay na kan'yang pagiging masipag. Todong-todo na nga ang pakikisama niya. Umalis na ang kan'yang Step Mother, at muli siyang tinalsikan ng dalawang beses na dura galing sa bunganga ni Ginang Soledad, bago iyon tuluyan tumalikod. Napayuko siya, at tanging naiiyak na lang siya sa kan'yang sinapit. Awang-awa siya sa kanyang sarili. "Bakit ba na pinahihintulutan mo amang nasa langit ang ganitong sitwasyon? Bakit mo ako na hinahayaan sa ganitong mga tao. Bakit?!" Inis niyang sabi habang nakasandal siya sa malapad na kisame. Taklob na taklob ang kan'yang mukha ng kan'yang mahabang kulot na buhok. Kapag tiningnan siya ay katatakutan nga siya ng marami. Pagkamamalang siyang anak ng impakto. Kaya binansagan siya ng Madrasta niya at mga kapatid na 'Impaktang Anak ng Unggoy" "Bakit ba?! Ang malas-malas ko?! Bakit ba pinagkait nyo sa akin ang tunay na pamilya?! D'yos ko! Bakit parang pinapakita mo sa 'kin ang kamalasan!" Habang nakaluhod siya. Naisipan niyang lumuhod upang magdasal ng taimtim. Pero hindi pa n'ya kaya pang tumigil sa gitna ng kan'yang pag-luha. Ang lahat ng ito 'y hindi alam ng kan'yang ama. Walang nalaman ang kan'yang ama na sinasaktan siya ng kabit nito. Sa tuwing may pagkakataon na makasama niya ang kanyang ama ay pinapalayas siya sa harapan ng kan'yang pamilya. Pinagpatuloy niya ang paglalaba, hanggang sa makatapos siyang mag-anlaw ng mga damit at nagsampay pa. Halos lumipas ang mga oras ay talagang nakaramdam siya ng pagod at pananakit ng ulo. ------------------------------------ Minsan pang sa isang araw na kan'yang pahinga ay saktong Day-off ng kan'yang ama sa trabaho. Sila lang dalawa ang natira sa mansyon. Naroroon ang kan'yang ama na abala sa pagbabasa ng Dyaryo. Nagbalak siyang pumunta sa harapan ng ama niya. Hindi man lang siya na inimikan nito. "Ama? May nais akong sabihin sa__" Naputol na sabi niya. Dahil sa dumating na ang madrasta niya at mga kapatid na halatang kapapamili lang sa nasabing pamilihan. Magarbong -magarbo kung magsuot ang mga 'yon at mukhang sa tikas ng mga pananamit nito ay mga gastadora sa pera. "Hi Honey?! Kanina ka pa ba d'yan?" mabilis na umarangkada sa paglalakad si Ginang Soledad papuntang sofa. Nanlaki ang mga mata ni Ginang Soledad, habang palihim na nakatitig sa kan'ya. Ang mga matang iyon ay puno ng makahulugan na humanda siya mamaya sa kan'ya. "Ngayon lang naman ako Honey. Saan kayo galing nila Shiela at Shaina?" Bumili na naman ba kayo ng mga damit n'yo. Maghinay-hinay kayo sa pag-gastos ng pera huh?" Magkasunod na tanong at paalala ni Lorenzo Perez. Ang pangalan ng ama niya. "Okay Honey, don't worry about that hahaha. Nagtitipid na kami ng mga anak mo," Garalgal na tinig ni Ginang Soledad. Minamasahe nito si Lorenzo upang mapigil nito na magalit sa kanila. Pinaalis siya ni Ginang Soledad gamit ang malasenyas na mga mata nito. " Teka, Soledad. Binilhan n'yo rin ba ng damit si Rodella?" Sabay na lumingon ito kay Soledad. "Ahhh.... Eh, oo naman hahah," pagkukunwaring tugon nito kay Lorenzo. Nagsinungaling lang si Soledad dahil sa baka ma-baned siyang nakahawak ng pera. Hindi na sila makakabili ng mga luho ng kanyang mga anak kapag nalaman ito ni Lorenzo. "Nararapat lang!" May kahulugan tinig nito Kay Soledad. "Oo naman, Honey. Syempre ang anak mo so Rodella, ay hindi ko pababayaan. Magtrabaho ka lang at ako na ang bahala sa kan'ya..." tugon nito na parang nag-aalinlangan sa isasagot kay Lorenzo. Nanumbalik nasa pagbabasa si Lorenzo, at nagbihis naman ng kasuotan si Soledad. Binabalak nitong puntahan si Rodella.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD