KABANATA 16
REYNALDO POV
Nandito siya ngayon sa Canada, sa napakalaki at malawak na hospital dito. Sinalubong siya nga ng kan'yang Mommy pero, kaagad naman siyang lumihis ng daanan. Wala siyang gana sa mga ganyan bagay o eksena ng yakapan ng mag-ina, kapag nagkikitang muli. " Nasaan si Dad?" malamig na tanong niya sa kan'yang Mommy. Tinuro na lamang ni Ysabel ang room, kung saan ibabalsamo ang katawan ni Rolando, ang asawa nito. Nanibago tuloy ito sa pakikipag-usap ni Reynaldo sa kan'ya. Napakasakit kay Ysabel, ang pagbabago ng anak niya, at aminadong kasalanan niya ito.
Agad naman nanaog si Reynaldo papuntang room ng morgue sa hospital na ito. Paglapit niya sa pintuang iyon ay halos manginig-nginig ang mga kamay niya sa pagbukas palang ng door knob . Pagbungad palang niya sa nakahigang bangkay ng Daddy niya ay marahan siyang naglakad patungong labi ng katawan nito at nang iniangat niya ang kumot na nakataklob sa mukha nito, Kaya mas lalong bumagsak ang mabibigat niyang mga luha na nagmumula sa kan'yang mga mata. Ang mga luhang patuloy na bumabagsak sa kan'yang pisngi ay sumisimbolo ng labis ng kan'yang pagluluksa at sama ng loob dahil sa panghihinayang.
"Dad! Bakit?__" sumigaw siya na halos nag-echo sa buong paligid ng room ng morgue. Inugoy-ugoy niya ito upang hikayatin na tumayo sa kinahihigaan ng ama.
"Bakit!"
"Excuse me Sir, bawal pong maluhaan ang bangkay. Please? Sir kalma po!" saad at kahilingan ng lalaking nag-aasikaso ng labi ng namatay, ang balsamador.
"Bakit ba n'yo ako pinagbabawalan?!" galit niyang tanong dito.
"Sir... Pangit lang po kasi na iyakan n'yo ang bangkay na 'to, dahil bawal po ang tuluan ito ng luha," tugon nito sa kan'yang tanong. Namilog ang mga mata ng balsamador. Dahil sa pagkagulat sa binatang kaharap.
"Son, please?" hiniling ni Ysabel sa anak na lumayo ng kaunti sa bangkay ng Asawa. Hinawakan nito ang anak.
Mabigat man sa kalooban ni Reynaldo na pagkaitan sa kan'ya na ibuhos ang mga luha niya sa kan'yang ama ay pinilit na lang niyang ikalma ang sarili sa galit. Nakinig pa rin siya sa sinabi sa kan'ya ng Lalaki, na kahit mabigat sa kan'yang damdamin ay sinunod pa rin niya ang gusto nito. Namugto na ang mga mata rin ni Ysabel, dahilan sa kaiiyak nito. Mahirap rin para sa kan'ya ang mawalan ng asawa at hindi alam ito ng kan'yang anak. Pinipilit niya lang sanang tatagan ngunit, patuloy pa rin siyang lumuluha. Nagulat na lang si Ysabel nang yumakap sa kan'ya ang binata sa kan'ya.
"Mommy? Sorry!" saad ni Reynaldo. Pinilit niya na patawarin ang kan'yang Mommy. Tao lang naman siya upang magalit at ganoon rin ang kan'yang ina. Hindi naman talaga perpekto ang mga tao dito sa sanlibutang ito, kung kaya 't kinakailangan na magkaroon ng maayos na ugnayan at kapatawaran. Alam niyang maayos rin ang lahat, matatapos rin ang kapighatian nila na dulot ng namatay na Mahal sa buhay.
Isang oras na naghintay sila sa labas ng morgue at pagkatapos ay lumabas na mula sa room ang balsamador. Humarap ito sa kanila at kinausap silang mag-ina. " Handa na po ang kan'yang labi at pwede n'yo ng mailabas," sabi ng balsamador sa kanila.
"Okay po," malungkot na tugon ni Reynaldo. Umalis na ang balsamador at maayos na ang bills sa hospital at maging ang kabaong ay nabayaran na rin. Napayakap siya sa kan'yang Mommy at muling napayuko. Sinundan niya ito nang malakas na iyak. Hindi niya kayang pigilan ang nasa puso niya. Habang umiiyak sa balikat ng kan'yang ina ay walang humpay ang kalungkutan, namutawi sa kan'yang tinig.
"Mommy! Bakit?! Bakit nangyari ito kay Daddy? Malapit na sana akong makapagtapos!" Mga tinig na lumandas sa kan'yang hinanaing.
"Son, I'm sorry! pero makakayanan natin ito huh? sige na at ipapasundo ko nasa driver natin ang katawan ng Daddy mo!" habang nakayakap pa rin si Ysabel sa kan'yang anak. Naluluha na rin siya dahil sa naaawa siya sa kan'yang anak.
"Walang may gusto sa nangyari Anak, maniwala lang Tayo na naririto ang Daddy mo sa tabi natin huh? Kayanin mo ang sakit Anak, please?" paghabol nitong payo sa anak.
Tumango-tango na lang si Reynaldo at patuloy pa rin s'ya sa pagluha. Lumipas ang oras ay tumigil na siya sa paglandas ng luha sa kan'yang pisngi. At dumating na rin Ang Driver at katulong pa ang iba pang tauhan nila Ysabel sa mansyon upang buhatin ang kabaong paskay sa kotse.
____________________
Isang oras ang nakakalipas ay naihanda na rin sa wakas ang lahat ng kailangan sa kabaong. Maging ang paligid ng kabaong ay dinisenyuhan ng mga magagandang palamuti dito sa harapan ng kabaong ng kan'yang Daddy. May mga nakasulat na rin na mga family name sa ibabaw ng takip ng kabaong na 'to. Hinawakan ni Reynaldo ang salamin ng kabaong at tumingin siya ng may malungkot na pagtanaw sa Daddy niya. Katabi niya rin ang Mommy, Lola at Lolo.
"Dad. Kung nasaan ka man ngayon ay lagi mo kaming dadalawin ni Mommy sa aming panaginip, upang kahit sa sandali ay muli ka namin na mayakap, Dad?" mahinang bulong niya habang lumuluha. Kinapa-kapa ang likod niya ng kan'yang Mommy na nagpapahiwatig ng lubos na pagdamay sa kan'ya.
"Tama ka Anak, ang Daddy mo ay laging nasa puso natin. Kailangan natin na maipakita sa Daddy mo na kahit wala na siya ay patuloy pa rin tayong magiging matatag!" madamdaming tinig ng kan'yang ina sa kan'ya. Maging ang kan'yang Lola at Lolo ay lumapit sa kan'ya upang iparamdam ang lubos nilang pagdamay. Napaluha rin Ito sa harapan ng kabaong. Habang tumatagal ay parami ng parami ang mga taong dumarating upang dumamay sa kanila.
"Nakikiramay ako, pre," sabi ng kaibigan niya dito sa Canada. Labis ang pagdamay nito sa kan'ya. "At long time again sa 'yo Pre," dugtong pa nito sa kan'ya.
Pinunnasan niya ang mga natitira niyang luha sa kan'yang pisngi. "Salamat...oo pre, mukhang dito muna ako mag stay sa Canada. Ako muna ang mamahala ng business ni Dad. Pero kapag hindi ko kinaya ay si Lolo muna o ang pinsan ko na lang ang bahala sa pag-mamanage ng business ni Daddy Pre. May pangarap kasi talaga ako eh ang pigiging modelo, pare." mahabang lintanya niya sa kan'yang kaibigan.
"Sanay maging maayos ka rin Pre?" saad nito sa kan'ya na may seryosong mukha at sabay na ipinatong ang kamay nito sa kan'yang balikat. Nagpaalam na ito sa kan'ya upang maupo sa upuan.
"Oo sige kakayanin ko ito Pre?, Salamat ulit sa pagdamay mo?"
"Oo pre, oh doon muna ako, Sige Pre. Maupo na ako," sabzy turo ni Alfred sa upuan, his friend.
Tumango na lamang si Reynaldo sa kaibigan niya sa kan'yang pagsang-ayon. Umupo na rin ang kanyang pamilya. Nanatili pa rin siyang nakatayo lamang at pinagmamasdan ang Daddy niya na na umitim nasa kabaong. Ang dating ma-pink na labi ay napalitan ng maitim ng kulay ng labi. Sa kan'yang nakikita ay hindi n'ya lubusan na matanggap. Ang itsura ng kan'yang Daddy ay ibang-iba nasa dating gwapong itsura. Ang nakikita niya ngayon ay nagpapalungkot sa maganda niyang mukha. Kung nais man niya na magising sa panaginip na ito, ay gusto niyang makitang muli ang Daddy niya sa magandang paraiso. Gusto niyang makasama ito sa kanilang pagtatagpo sa paraiso. At sa oras na magtagpo ay talagang lulubusin niya na makasama ang Daddy niya. Kung baga 'y magsasawa silang magpakasaya hanggang sa matapos ang isang araw na iyon. At sa mga huling yugto ng sandali ay hindi sila matatapos na maging masaya. "Sana 'y Daddy may oras pa na makasama ko kayo," saad niya. Naupo na rin siya dahil sa makalipas ang oras ay nakaramdam na rin siya ng pagod sa mahabang pagkakatayo.
Napahaging ang kan'yang ulo sa kanang bahagi niya at natanawan niya ang Mommy niya na nakayuko ang ulo sa lamesa. Lumapit siya upang iayos niya ang style ng ulo ng Mommy niya. Nilagyan niya ito ng malambot na damit upang hindi naman masaktan iyon sa pagkakahiga. Nakita niya ang litrato na hawak-hawak ng Mommy niya. Kaya naisipan niyang kuhanin iyon sandali sa kamay na nakalahad ng Mommy niya, upang tingnan ang litratong iyon. Nakita niya ang larawan nila na nagpapakita ng masasayang ala-ala mga panahon na magkasama silang tatlo, kasama rin ang Lolo at Lola niya, at syempre ang Tiya, Tiyo at pinsan niya.
"Ang Ala-ala na ito ay hindi na muling mababalik pa. Ang kasama namin kayo Daddy ay hindi na namin mararanasan pa!"
Habang siya 'y nakatingin sa larawan nila ay napapiling siya at nag-iisip. Paglipas ng mahabang oras ay malapit nang magmadaling araw. Naramdaman na rin niya nasa kan'yang mga talukap ng paligid ng mga mata niya ay malapit na rin na bumagsak. Patunay na ito na nakadama siya nang antok. Nagtungo siya sa bakanteng silya na puti at doon siya naupo at bumigat na nga ang kan'yang pakiramdam dahilan sa puyat. Kung kaya 't tumabi na rin siya sa Mommy niya sa lamesa. Natulog siya sa mahabang oras hanggang sa sumapit na ang umaga.
Alas-syete ng umagang ito ay naghanda ng breakfast ang yaya nila para sa almusal. Nagising siya dahil sa boses ng mga tao sa paligid. May libre rin na pagkain para sa mga taong nakiramay sa buong gabi. Isang araw palang wala ang kan'yang Daddy niya ay na miss niya na ito. Napalingon siya dahil tinawag siya ng katulong nila.
"SIR...KUMAIN NA RAW PO KAYO SABI NI MADAM?" pagyaya sa kan'ya ng matandang katulong nila dito sa mansyon.
Tumango siya. "Okay po, maraming salamat po," tugon niya.
Lumakad siya papuntang kusina upang kumain na rin. Nakaramdam siya ng labis na gutom at kasabay rin ng uhaw sa tubig.
Nakukulangan siya sa tubig sa ngayon kaya naparami siya ng pag-inom ng tubig. Gayudin ay naparami rin ang kan'yang pagkain at naubos niya iyon.
"Kain lang Son," saad ng Mommy niya,
"Yes Mom," tugon niya. Ang tinig niya 'y may halo pa rin na lungkot at halata din ito sa mga mata niya.
Kumain siya nang kumain hanggang sa matapos.
_____________________
Lumipas ang ilang araw na nakaburol ang Daddy niya at sa araw naman ng Linggong ito ang libing naman ng Daddy niya. Pagkatapos mailibing ay may kaunting salo-salo sila.
Malungkot si Reynaldo matapos ang araw ng libing ng kan'yang Ama.
Lumipas ang isang taon ay dito na siya nakapagtapos ng pag-aaral sa koleheyo. Nag-graduate siya na may malaking antas ng marka sa pagsusulit, kung Kaya 't may natanggap siya na mga diploma at medalya. Habang bakasyon siya ay pinatakbo niya rin ang kanilang business pansamantala. Binabalak niya rin na magpunta sa probinsya. Dahil sa may nais rin siyang simulan doon, ang maging isang sikat na Fashion Model. At sa paglipas nga ng panahon na ito ay naghilom rin ang sugat sa kan'yang puso, ang pangungulila niya sa kan'yang ama ay nakayanan niya.
Magtatagpo kaya sila ni RODELLA?