KABANATA 17
RODELLA POV
Palaisipan pa rin sa kan'ya hanggang sa ngayon ang nangyari sa babaeng ale na napadpad sa kanila nang isang araw. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang reaks'yon ng ale. At sa mga mata ng ale na 'yon ay halata ang labis na pagkabalisa nito. Hindi niya maintindihan ang sinabi sa huli ng babaeng ale. Ang pagkakintindi niya 'y dapat raw ay mapasakamay niya raw ang pustiso.
"Tama ba ang narinig ko sa kan'ya? Ano! pustiso ba ang tinutukoy niya?" tanong niya sa sarili. Nais lang naman niya sana na matulungan talaga ang ale ng walang anuman na kapalit.
"Pero! Bakit naman sa dinami-dami pa na ibibigay ay 'yong pustiso pa?" Nagtatakang usal niya sa kan'yang sarili. Batid niyang may saltik ata ang matanda. Paano kaya kung bumalik iyon sa kan'ya? Nanginginig ang buong kamay niya sa labis na takot. Takot na baka 'y muli siyang puntahan nito at irekomenda na naman ang pustiso. "Ano at bakit niya gustong ibigay sa akin ang pustiso? Ano ba ang mahiwagang dulot kung tànggapin ko ang bagay na narinig ko mula sa ale? Hindi kaya nakatakas lang s'ya sa mental hospital at dito siya napadpad kina Nanay Lagring at Tatay Lorito? Naku! Delikado sila. Ako pa ata ang nagdala sa kanila ng kapahamakan?" Natataranta at natatakot niyang kaisipan.
Mabilis siyang nanaog palabas ng kubo upang puntahan sa kaingin na sakahan ang Nanay at Tatay na kumupkop sa kan'ya. Binabalak niyang balaan sila na baka ay makita sila nito. Mag-isa siya ngayon at nag-iisip siya na kung tama ba na minalasakitan niya ang babaeng nakita niya dito sa kubong ito.
"Kailangan kong sabihan sila Nanay at Tatay na may babaeng Nawawala sa sarili!" Haka-haka man niya sa isipan niya, pero malakas ang kan'yang pakiramdam na baka isang stalker lang ang babae at nais lang talaga na nakawan sila.
Pero hahakbang palang ang mga paa niya ay may kung ano na lang na nilalang ang pumasok sa kan'yang kwarto. Sa silid niya ay may kung anong nilalang ang nais na patayin siya. Nang mahampas niya ang tao na may kalahating Diwata ata ay agad siyang nagtago sa ilalim ng kan'yang maliit na higaan. Patuloy ang panginginig niya ng katawan sa labis na pagkakagulat sa kakaibang nilalang na 'yon.
"Anong mga nilalang ang pumunta dito? At bakit pàrang may hinahanap sila dito?!" Ang namutawi sa kan'yang kaisipan. Mukhang hindi 'yon kauri nila na tao. Na kahit kakaiba ang kan'yang postura na pisikal ay ibang-iba iyon sa kan'ya. May mahahabang kuko kasi iyon at tainga na may kakaibang hugis. Tulad ng tainga ng Duwende ang kan'yang nakita.
"Ohhh! P*t*! Wala si ELENA!" sigaw ng binatilyo na nakatanaw sa loob ng kubo mula sa bintana. Halos ginulo ang mga iba nilang kagamitan dito sa kwarto. Nakadama siya nang takot na baka 'y makita siya ng demonyong iyon na kung hindi siya makakapagtago nang maayos.
"Natatakot na 'ko?!" bulong niya habang nasa ilalim pa rin ng kama.
Buti na nga lang ay hindi na siya naamoy ng demonyong iyon. " Ano ang kailangan niya sa 'kin? Bakit siya nagpunta rito?!" Kinakabahan niyang tinig na siya lamang ang makakarinig. Lumipas ang limang minuto ay nakatago pa rin siya sa ilalim ng katre na ito. Umalis na rin ang lalaki at nagmamadali na lumabas. Napagtanto niya na simula nang mapadpad dito si Aleng Elena ay saka lamang nagkaroon ng ibang bisita na kakaiba sa uri ng mga tao. Hanggang ngayon ay nangangatal ang buong katawan niya. Maya-maya ay ninais niya nang lumabas mula sa katre at binalak niya nang tumayo dahil sa nakakaramdam na s'ya nang pagkangalay sa kan'yang pwesto.
Madali siyang naupo sa bakanteng upuang kahoy at saka huminga siya nang malalim. Hindi niya alam kung papaano mapapakalma ang sarili mula sa kan'yang nakita. " D'yos ko bakit po niya ako pinuntahan dito? Sa tingin ko sa armadong binatilyo ay may pakay 'yon na patayin ako!" usal niyang halos garalgal ang tinig. Napaisip tuloy siya ngayon, at alam niyang nasa kapahamakan ang kan'yang Nanay at Tatay na tinuring siyang pàrang isang anak na rin. Ang ganitong sistema ng pagmamahal sa kan'ya ay labis na nagpaantig sa kan'yang puso at ito ang dahilan kung bakit na matatag siya ngayon.
Ang bawat oras na nakasamà niya ang hindi niya tunay na kadugo ay nagpakita sa kan'ya ng kabutihan at tinuring siya na hindi siya ibang tao. Sa pamamalagi niya dito ay halos mag-dadalawang linggo na rin na wala siya sa kanila. Kaya ngayon ay labis ang pag-aalala niya sa mga kumupkop sa kan'ya.,na kahit sa kabila ng kan'yang kakaibang itsura dahil sa mukhang Unggoy nga siya ay bukal ang kanilang puso na tinanggap siya dito. Kaysa mag-isip siya nang mag-isip ay naglinis s'ya ng mga kalat dito sa loob ng kubo, ang mga kagamitan na pinaghahagis ng nakakatakot na nilalang na 'yon at baka nga 'y magtaka ang mga iyon sa nangyari. Kung kaya 't mabilis siyang naglinis para hindi na maabutan pa nila ang kalat na 'yon. Ilang minuto lang ay natapos niya ang kalat na tinilapon ng demonyong iyon. Dumating na rin sina Aling Lagring, Tatay Lorito at ang bata na pagod na pagod galing sa kanilang lupang taniman. May dala-dala silang gulay na naani sa ngayon at agad siyang naglakad para salubungin sila. Madudulas sana ang dila niya, kaya naman agad niyang pinigilan ang sarili. Balak niya sanang sabihin ang nàngyarí kanina. Kumain na rin sila ng gabihan... halos pakiramdam niya ay hirap siyang ibuka ang kan'yang bibig sa pagsubo ng kanin ng dahil sa nangyari.
"May próblema ba Ineng?"
"Wala Po," mabilis niyang tugon. Hindi niya kaya na sabihin nang harapan ang nasa isip niya ngayon, kanina ay halos gustong-gusto niya ng sabihin. Ngayon ay hindi niya kaya pa, halos na magbuhol-buhol ang dila niya sa kaba. At isa pa 'y baka kasi na pagkamalan siyang nababaliw. Ayaw niya ng ganoon. Diba nakakatawa?
_____________________________
Kinabukasan ay naisipan niyang magpunta sa kanilang mansyon at nagpaalam siya upang alam rin sana ng mga kumupkop sa kan'ya na balak niya nang umalis... Gusto niya kasing makita nag kan'yang ama, kaya nais niyang magpunta doon sa kanila. Kaya mabilis siyang nanaog paalis sa kubo matapos niyang magpaalam. Sa kan'yang paglalakad ay natagpuan siya ng babaeng pamilyar sa kan'yang ala-ala at nakilala niya ang babae...
"Aleng Elena! Bakit Po n'yo ako sinusundan?" tanong niyang may pagtatakha at muli na naman siyang kinabahan.
"Eh, Kasi Gusto kong ibigay sa 'yo ang pustiso na Ito?!" pagmamakaawa nito sa kan'ya.
"Teka po! Ayoko pong tanggapin 'yan! Simula nang makita ko kayo ay pinuntahan ako ng masamang nilalang! Ayoko po!" sabay takbo palayo kay Elena.
Natakot si Rodella, sa muling pagkikita nila ni Elena at nais na talagang iabot sa kanya ang pustiso na hindi naman niya maintindihan, kung bakit siya pa ang napili na abutan ng pustiso na 'yon. "Bakit ako pa?" takang tanong sa sarili habang nagtatakbo papunta nasa kanyang ama. "Kung tatanggapin ko kasi iyon ay panganib lang ang dulot sa akin ni Aleng Elena," kaisipan niya. Nakaramdam siya nang pagod sa kan'yang pagtakbo at narating niya rin sa wakas ang mansyon.
Nakita niya ang kanyang ama, ngunit, sa nakita niya sa itsura ngayon ng ama niya ay ibang-iba sa ngayon, ang dating matipuno at malusog na pangangatawan ng kan'yang ama ay napalitan ng payat na pangangatawan. Namayat iyon sobra at lagi na lang nakatanaw sa labas. Nakaramdam tuloy si Rodella, ng awa sa kan'yang ama. Mukhang ang kan'yang pag-alis ang naging dahilan kung bakit nangyari 'yon sa ama niya. Nasaktan ang puso niya ngayon, halos durigin ng bato ang malambot niyang puso. Hindi niya napigilan pa ang pagluha niya, sa labis niyang pagsisisi ay nasambunutan niya ang kan'yang buhok at ang kanyang bibig ay tinakpan niya. Baka kasi ay marinig siya mula sa malayo, kung aabungal siya sa iyak.
Batid niyang kapag muli siyang bumalik sa mansyon ay panganib lang ang mararanasan niya sa kamay ng Madrasta niya at mga kapatid. Pero hindi niya na kaya pang tiisin ang ama niya, kailangan niya nang umuwi upang siya na ang mag-alaga sa ama niya. Napansin niya rin na nakaupo na lang iyon sa wheel chair at nakatulala na lang, sa tingin niya 'y siya ang hinihintay nito. "Babalik ako bukas Ama, kahit na panganib ang maging dulot nito para sa akin!" naluluha niyang sabi habang nakatanaw sa kan'yang ama. Nang makita niya ang Madrasta niya mula sa malayo ay agad siyang nagtago sa kisame. Natakot siya na baka makita siya kung hindi siya magtatago. Sumilip siya at nakita niya nang pumasok nasa loob ang madrasta niya kasama ang kan'yang ama. Hindi siya mapanatag kung hindi niya mayayakap muli ang kan'yang ama. Kinakailangan niyang puntahan bukas na 'yon para makasama niya ang ama niya at tuluyan ng gumaling.
Umalis siya sa lugar nila at muling bumalik sa kubo, ngayon kasi ay hindi pa siya handang magpakita. "Bukas na bukas haharapin ko na sila Tita, Soledad," bulong niya sa kan'yang sarili. Sa kan'yang pagtalikod ay may kung anong kirot ang tumukso sa kan'yang puso.