Rodella's Lamentation

1666 Words
KABANATA 18 RODELLA POV Nagsimula siyang maghanda ng kanyang sarili. Alam niyang babalik man siya sa kanila ay mararanasan niya ulit ang pisikal na pananakit ng kanyang Madrasta at mga kapatid. "Pero babalik ako dahil sa 'yo, Ama. Nang dahil sa 'kin kaya si Ama, nagkaroon ng karamdaman?" Pag-iisip niya habang nagtataklob siya ng balabal sa kan'yang mukha. Nag-aayos na kasi siya ng sarili upang hindi siya pandirihan ng mga taong makakasalubong niya sa kan'yang paglalakad mamaya. Napaisip siya ng malalim na kaisipan. Ang kalungkutan na naramdaman ng kan'yang ama sa ngayon, ay dahilan rin sa pagitan nilang dalawa bago siya umalis sa kanila. at hanggang ngayon ay dala-dala ng ama niya ang galit sa puso nito. Kaya naman ay bumabagabag sa puso niya ang labis konsensya. Siguradong bigat-bigat na ang kan'yang mahal na ama sa problema, gusto niyang damayan ang kanyang ama at nais niyang makasama ulit ito. Hindi niya na kaya pang makita ang sitwasyon ng kanyang ama sa karamdaman nito ngayon. Gusto niyang gumaling na ito sa mabilis na paaraan pero paano? Naisip niyang lumabas dito sa kan'yang maliit na silid sa kubo. Nakita niyang malungkot sina Tatay Lorito, Nanay Lagring at ang bata nang mabungadan siya, mukhang sa itsura na tumambad sa kan'ya ay may makubuluhan na mensahe. Ang mga mata nila ay napuno ng makikinang na luha. Pahiwatig na 'yon na malapit nang umagos sa kanilang mga mata. Lumapit kaagad si Nanay Lagring sa kan'ya upang yakapin siya nang mahigpit at ang estilo nang pagkakayakap nito sa kan'ya ay napuno ng labis na kalungkutan. Hindi na nito napigilan na lumuha sa kan'yang balikat. Ang mga luha na tinuring niyang pangalawang ina ay lumandas na rin sa pisngi nito. Nakaramdam siya ng awa, ngunit buo na ang kan'yang pasya na babalik na siya sa tunay na tahanan niya. Na kahit anong pigil sa kan'ya ay hindi na ito magbabago pa. Pumatak na rin ang mga luha niya at tuluyan ng lumandas sa kan'yang tigyawatin pisngi ang mga luha. Simbolo ito ng kanyang awa at pagmamahal sa mga kumupkop sa kan'ya, na kahit sa sandaling panahon ay naging masaya siya. Lumapit rin sina Tatay Lorito, at ang bata upang yakapin rin siya. Kaakibat ng kanilang yakapan ay mayroon drama na naganap sa kan'yang pamamaalam. " Hindi ko kayo makakalimutan, Nay, Tay at ikaw Buboy. Masaya akong nakilala ko kayo? Sige po aalis na rin ako. Nag-iingat po kayo dito huh? Sinabi ko na rin po sa inyo na maging mapanmatyag sa Inyong paligid?" nginitian niya ang tatlo. Sa likod ng kan'yang mga ngiti ay tinatago niya ang tunay niyang nararamdaman sa ngayon. Bumitaw na sila sa pagyayakapan at pinahiran niya ang kan'yang pisngi upang maalis ang natitirang mga luha. "Sige Anak, mag-iingat ka huh? Kung gusto mong bumalik ay muli ka namin na tatanggapin. Bukas ang pinto para sa 'yo Anak?!" Naiiyak na sabi ni Aleng Lagring. Batid nito na babalik si Rodella sa kanila. "Opo Nay!" "Mag-iingat ka Anak?" pahabol naman ni Tatay Lorito. "Opo Tay..." Muli siyang lumingon sa kanila. Tumalikod na siya nang habulin siya ni Buboy, ang Batang napamahal na rin sa kan'ya. Hindi naging iba sa kanya ang batang ito. Sa sandaling pamamalagi niya dito ay marami siyang magagandang ala-ala kasama ang Batang ito. "Ate! H'wag ka nang umalis pa?!" Umabungal 'to sa iyak. Humarap siya sa bata. " Buboy, makinig ka huh? May tunay talàga akong pamilya eh, at kailangan ako ng aking Ama. Pasensya ka naahh? Hindi ka susundin ni Ate Eh. Hayaan mo kapag may oras ako pupunta naman ako dito," paliwanag niya. "Pero ate... Baka matagal naman?... Mami-miss ka namin nila Tatay at Nanay!" Habang may mga luha sa pisngi ng bata habang sinasabi ito sa kan'ya. "Oo naman, basta tutuparin ko ang aking pangako," Saad niya sabay lumakad paalis. Lumisan siya sa kubo at mabilis na lumakad. Malayo-layo rin ang nilakbay niya. At sa kan'yang paghakbang ng mga paa ay may sumasabay ata sa kan'yang paglalakad. Binilisan niya nang binilisan, halos hingalin na siya. Pero nagtatakha siya kung bakit wala naman anumang tao dito sa kan'yang likuran. Lumingon siya pero babalik pa rin siya sa paglalakad. Hanggang sa narating niya ang lugar kung saan naroroon ang mansyon nila. Kahit nasa malayo palang siya ay narinig niya sa kan'yang mga tainga ang pagsigaw ng kan'yang Madrasta. At dahil sa kan'yang narinig ay karipas ang takbo niya patungong gate. "Please Guard papasukin mo na ako?!" pakiusap niya sa bantay ng gate. "Okay... pero mananagot ka pala kay Madam. Umalis ka ng walang paalam!" Pag-papaalala nito sa kan'yang ginawa. "Sige na Guard... Alam ko naman," tugon niya. Hinawakan niya sa siko ang Guard at tumingin siya nang diretso sa bantay. Labis ang pagsusumamo niya upang papasukin na siya sa mansyon. Agad nang binuksan ng guard ang pinto. Kaya mabilis siyang nanaog papasok sa kanila. Nang makita niya ang kan'yang ama na binuhusan ng tubig ay agad siyang kumaripas nang takbo. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ng Madrasta niya sa kan'yang ama at ang tagpong iyon ang tanging nagpalungkot ng kan'yang puso. "Madam! Teka... H'wag n'yong saktan ang aking Ama!" usal niya na halos maawa siya sa kan'yang ama, sa pananakit ng Madrasta niya dito. Manginig-nginig ang mga kamay niya na umawat kay Madam Soledad. Ang pag-awat niya ay naging mala-aksyon na pagsugod niya kay madam Soledad at naging masidhi ang pagtulak niya sa kan'yang Madrasta at ayaw kasi na bitawan 'yon ang kan'yang ama. Masakit para sa kan'ya ang sinasaktan 'yon. "Impakta ka talaga! Anong ginagawa mo dito?!Tarantado kaahhh! Ngayon ka pa bumalik? Magasana kayo ng ama mong walang kwenta?!" sigaw nito sa kan'ya, habang na tunatayo iyon sa pagkakaupo. Naitulak Niya kasi iyon nang malakas, kaya naman ay nagulat si Madam Soledad sa kan'yang pagtulak. Hahampasin sana siya ng Tambo nang may marinig iyon na tumunog sa telopono. Kung kaya 't napatigil sa pagkakatayo si Madam Soledad. "Hindi pa ako tapos sa 'yo!" Sabay na tumalikod ang demonyitang Madrasta niya. Sa sistema ng lagay ng kan'yang ama ay napakahina talaga nito at sa labis na pagkaawa niya dito ay napayakap siya dito. "Ama nandito na ako!" sabi niyang nangangatal ang boses niya. Nag-alon-alon ang mga tinig niya Habang binibigkas iyon. "A---nak ikaw na ba 'yan?" tanong nito sa kan'ya. Nakita niyang lumingon iyon sa kan'ya nang bahagya at ang mga mata nito ay nagkaroon ng makabuluhang pahiwatig. Ang paglingon nito sa kan'ya ay nagbadya iyon ng labis na kalungkutan. Nakita niya nasa ilalim ng pagsasalita nito sa kan'yang pangalan ay nanabik ito sa muli niyang pagbabalik. "Opo Ama, naririto na ang anak nyong maganda? Pero bakit nagkaganito kayo?!" Maiyak-iyak niyang tanong sa kan'yang ama. "Anak... Na--stroke... ako," mabagal nitong tugon sa kan'ya. Pinilit na lang ni Rodella na intindihin ang sinasabi ng kan'yang ama dahil nga sa nahihirapan nang ibuka nito ang bibig. Labis siyang nakaramdam ng awa sa naging kalagayan ng ama. Inalalayan niyang tumayo ang kan'yang ama upang isakay muli sa wheel chair. Hindi pa siya tumigil sa pagluha hanggang sa dumating na ang kan'yang Madrasta. At sa pagbabalik not ay agad siyang hinila palabas ng kwarto ng ama niya at doon siya sa labas na binugbog. "Walang Hiya kang impakta kaaah... Layas ka! Dapat sayo to?" sigaw nito Habang pinapalo siya. "Madam tama na po... Aray! Aray!" hiyaw niya sa sobrang sakit. Matapos ang oras ng pang-aabuso sa kanya ng Madrasta niya ay nag-iwan ito ng maraming pasa sa kan'yang katawan at namaga iyon sa lakas nang pagkakahataw sa kan'ya ng yantok. ito na ang resulta ng kanyang pag-alis at sa muli niyang pagbabalik ay naging masidhi ang galit nito sa kan'ya. Wala siyang magawa pa, pareho na silang inaabuso ng Madrasta niya. Ang kahinaan nila ay sinamantala ng hindi niya tunay na kadugo. Nakatulog siya sa kanyang kwarto na namumugto ang mga mata nasa kaiiyak. Napatda siya sa pagkakatayo nang marinig niya ang pangalan ng kanyang ama. "Patay na si Tatay?!" sabi ni Shiela. Sa lakas ng pagkakasabi nito sa gulat ay halos um-echo ang boses nito sa mansyon. Halos bumagon siya nang wala pa sa sariling kondisyon at Pagbungad niya sa kan'yang ama ay nakandusay na iyon at wala ng malay. "Ama! Ama?! Anong ginawa mo kay Ama?" Nanginginig na tanong nito kay madam Soledad. Alam naman ni Rodella na ang madrasta lang naman niya ang kasama nito magdamag. May papel pa ito na hawak. Mukhang sa tingin ni Rodella ay pinilit nitong pirmahan sa kan'yang ama ang authorized ng lupang ito. "Ako ba ang pinagbibintangan mo?!" Galit nitong tanong sa kan'ya. "Oo kayo lang naman ang Pumatay kay Ama! Sino pa ba?" wala na siya sa sariling tugon niya ito. Habang nakatayo ang pamilya niyang masasama ang ugali ay lumapit siya sa bangkay ng ama niya at umiyak nang umiyak. Wala na ang kanyang ama, namatay ito ng maaga dahil sa pangmamaltrato ng madrasta niya. "Mananagot kayo!" bulong niya. Nag-reaksyon siya s kan'yang sarili nang siya lang ang makakarinig. Natulala na lang si Soledad. Mukhang sa mukha nito ay guilty ito sa nangyari kay Rolando at halata ito ni Rodella. Agad nang dumating ang ambulansya na tinawagan naman ni Shaina pero huli na ang lahat para dito. Dahil hindi na doktpr ang kailangan ng kan'yang ama kundi balsamador. Ilang araw rin ang naging libing ng kanyang ama, sa mansyon. Naging malungkot ang araw na ito para kay Rodella, labis rin ang kan'yang pangungulila at hanggang ngayon ay napuno ang tinig ng kanyang abungal sa pag-iyak. "Wala ka na Ama! Paano na ako mabubuhay kung wala ka?" Habang umiiyak siya. Wala sa kan'yang dumamay sa gitna ng kanyang paghihinagpis. "Magbabayad sila...pero paano?" usal niyang tanong sa sarili. Sa itsura niya kasi ay wala siyang lakas ng lóob na magreklmo dahil sa batid niyang hindi siya paniniwalaan ng mga Kauri niyang tao. Napaisip siya kung tanggapin niya na kaya ang pustiso na inaalok sa kan'ya ni Aleng Elena? Pero kahit anong kapalit ng kapalaran niya ay tatanggapin niya? "Tutal naman wala na si Ama?!" saloobin niyang puno ng hinanakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD