KABANATA 19
ELENA POV
Nasundan niya kung saan papunta ang dalagang iyon. Siya lang naman ang sumunod nang sumunod sa dalaga hanggang sa makarating iyon sa pupuntahan ng Dalaga. Batid niyang natatakot pa rin iyon sa kan'yang pag-aastang pamililit sa dalaga. Napag-isipan niya dapat ay hindi muna niya pinilit na tahakin ni Rodella ang bagay ng mahika. "Pero kung nasa akin lang ito ay mapapsakamay ito ng kapatid ni Reyna Luna," saad niya.
" Haiist paano ko kaya siya mahihikayat. Mukhang natakot na siya sa akin!" bulong niya sa kan'yang sarili. Marahil ay napaisip siya ngayon dahilan ng pagrekomenda niya doon ng pustisong dala-dala niya.
"Paano na kung mahuli ako ni Diwali Cleopatra sa sandaling ito? Paano kung hindi ko masunod ang kagustuhan ni Reyna Luna? Natatakot ako para sa tadhanang tinatahak?" Mga katanungan niya sa kan'yang sarili, habang bumulong-bulong. Bunsod sa kan'yang malalim na kaisipan ay may gumugulo sa kan'yang isipan sa ngayon, ang labis na pag-aalala sa pustisong ito at ang kawalan ng pag-asa na atang mahikayat si Rodella na gamitin ang pagmamay-ari na pustiso ng Reyna.
Naupo siya pansamantala sa gilid ng maliit na puno at doon na patuloy na nag-iisip. Nakakainis man ang punto na kung bakit pa siya ang tinadhana na mangalaga ng pustisong ito? Ngayon ay nahihirapan siya sa ngayon na kumbinsihi ang dalagang iyon. Labis siyang nag-iisip kung makakaya niya pa bang pangalagaan ang pinamahala sa kan'ya. "Hindi madali na mahikayat talaga ang dalagang iyon. Nais ko rin naman sana siyang matulungan, alam kong makakapagbigay ito ng kabutihan sa kan'ya, bilang tao. Hindi na siya matatawag na Impakta... Ayon sa akin narinig kanina. Tinawag siyang impakta ng Babae kanina," saad niyang mahina nang siya lang ang makakarinig. .
Himala nga sa ngayon, dahil sa tahimik pa rin ang pustiso sa kahon na ito. Buti na lamang ay natutulog na 'yon, kaya nakakapag-isip siya ng maayos. Alam niyang makakabuti ang pustiso ni Reyna Luna, sa Taong katulad ni Rodella, na kinakailangan ng kapangyarihan taglay ng mahika raw. "Ayon sa aking paglakaintindi sa sinabing pahayag ni Reyna Luna ay ang sinuman na makakapagsuot nito ay maaaring maging maganda." Habang nangungusap pa rin siyang mag-isa. Pagkatapos ng mahaba niyang pagkakaupo ay naisipan naman niyang tumayo, upang maghanap naman ng pansamantalang tirahan, kahit sa simpleng barong-barong. Na kahit tulugan lamang ng aso ay basta ang mahalaga sa kan'ya ay may matulugan siya na pansamantala, ngayon gabi.
Kapag sumapit na kasi ang madilim na paligid at nagsimula ng lumubog ang araw ay sa kanilang lugar ay tanda na malapit ng mag-agaw dilim. Kung kaya 't kinakailangan niyang nang magpahinga. Ang nagtutunugan sa kan'yang t'yan ay hinahayaan niya lamang upang hindi na s'ya mag-isip pa. Lumipas ang oras ay nakatulog na siya... buti na lamang ay nakahanap siya man lang ng maliit na silungan ng bahay ng mga pato at mga Gansa. Buti na lang ay bago umambon ay kaagad siyang nakasilong dito. Kung hindi ay maaaring siyang mabasa. "Salamat po, at nakasilong na ako." Malungkot na mga tinig ang namutawi sa kan'yang bibig. Nagbalak na siyang matulog upang kinabukasan ay maglakbay na lang ulit siya, upang magpatuloy na magtago.
Kinabukasan ay nagkita sila ni Rodella, sa hindi inaasahan na tagpo. Nalungkot siya nang malaman niya na namatay na ang ama ni Rodella. Sa kanilang pagkikita sa tapat ng puntod ng ama ng dalagang iyon ay hindi niya maiwasan ang sarili na mayakap ang dalaga, upang damayan. Nakita niya ang mga kulay nito sa balat ay kulay violet. Mukhang kagagaling lang ito sa pang-gugulpi. Ganoon kasi ang kulay ng balat kapag sinasaktan. Sa kan'yang naging reaksyon ay naawa siya ng sobra kay Rodella. Alam niyang sa likod ng mga mata ng dalaga ay labis ang tinataglay na kalungkutan nito.
"Salamat Aleng Elena," saad ni Rodella sa kan'ya. Umiyak ito sa kan'yang balikat. Ang pagdaramdam ng dalaga sa kan'yang harapan ay nagpapahina ng kan'yang puso. Ang makita na nasasaktan ang dalaga sa ngayon ay mas lalo siyang naaawa sa dalagang ito.
"Oo. Buti at natagpuan kita dito. Nakikiramay pala ako sa pagkamatay ng iyong Ama," naging tugon niya sa Dalaga. Pinaramdam niya ang pagdamay ng isang mabuting Kaibigan. Nababatid niya sa Dalaga na wala man lang dito na dumamay.
"Teka pala. Nasaan ang iyong mga pamilya?" tanong niya. Nagtataka kasi siya na kung bakit mag-isa lang 'to sa gitna ng puntod na ito at wala man lang ni Isa na kamag-anak ang dalaga upang dumamay dito.
"Nasaan ang iyong mga kamag-anak?" tanong niya sa Dalaga.
"Wala akong kasama Aleng Elena, ako lang ho na mag-isa dito. Ilan araw lang kasi na wala si Ama, ay hindi ako mapakali. Ang puso ko ay puno ng pagdurusa sa ngayon. Hindi ko kayang wala si Ama... nahihirapan po ako!" naiiyak na sabi ng dalaga sa kan'ya at napayakap ito nang mahigpit dito.
"Tumakas lang po ako sa mansyon. Wala ang aking Madrasta at mga kapatid... Abala sila sa paglalakad ng properties ng pinamana sa akin ni Ama," dugtong pa niya, habang patuloy siyang umiiyak at nakayakap sa kanya. Mahirap para sa kanya na makita ang dalaga na umiiyak sa ngayon, dahil sa nahihirapan iyon sa pagkamatay ng ama nito.
Matapos ang Isang oras ng pamamalagi ni Elena dito sa puntod ay masaya siyang naging maayos na kahit papaano ang dalaga. Mukhang sa mga mata ng dalaga ay kahit sa sandali ng kan'yang taos pusong pagdamay dito. Nakikita niya sa Dalaga ang kawalan ng pag-asa ngunit, agad niyang pinayuhan ito na muling bumangon sa pagkakabigo. Nagulat na nga lang siya sa dalaga ng kusang lóob na sabihin nito ang bagay na ikinatuwa ng puso niya.
"Aleng Elena, tatanggapin ko na po ang pustiso na gusto nyong maging akin," saad ni Rodella sa kan'ya.
Sa labis na kasiyahan na nadarama ni Elena ay inilabas niya agad sa kan'yang sisidlan ang kahon na maliit, na naglalaman ng pustiso na pagmamay-ari ng Reyna ng Engkatadia's Diwatas.
"Masaya ako, Ineng. Masaya akong tatanggapin mo na ang pustiso na ito... Hayaan mo may mabuting dulot ito sa 'yo. Pangako ay sa oras na nasa panganib ka ay nabantayan kita... Basta ipangako mo lang sa 'kin na hindi mo pababayaan na mailagay sa masamang elemento ang Pustisong ito?" Naging tanong niya sa Dalaga.
Napakunot ng noo si Rodella, sa mga sinasabi niya para sa Dalaga.
"H'wag ka sanang mabibigla... Ang totoo ay Isa akong Diwata... Kung ayaw mo man akong paniwalaan ay nagsasabi ako sayo ng katotohanan... Napunta ako dito sa mundo n'yo dahil sa ninais ng masamang kapatid ng aming Reyna Luna, na mapasakamay nito ang Pustisong ito... Ang pustiso na hawak ko ay mayroon na mahika na pwedeng makapagbigay ng alindog sa sinuman ang makakasuot nito. Diba naipaliwanag ko na sayo Ineng ang lahat?" tanong niya sa Dalaga...
"Opo... Sige ho, akin na po ngayon,"
Ang dating pagkakunot ng noo ni Rodella ay napalitan ng magandang awra ng mukha. At sa tingin niya ay nagustuhan na talaga ito ng dalaga, ang pustiso. Naipakita niya ang Pustisong tinutukoy niya at masayang ibibigay niya sa dalaga ang nasa palad niya. Napangiti naman si Rodella kay Elena, bilang tugon nito.
Tahimik lang si Pustiso...
"Sige na at pakisuyo nang isuot mo ang pustiso na iyan... Mapapabuti ka d'yan talaga... Matutupad na rin sa wakas ang gusto mong pangarap... Kahit na hindi mo sa akin na sabihin ay nakikita ko sa'yo na may nais kang pangarap na gustong-gusto mong abutin?" tanong niya na may malaking ngiti sa labi.
"Opo... Aleng Elena, meron po," masayang tugon niya.
Sinuot na nga ni Rodella ang pustiso at kasukat na kasukat talaga dito ang pustiso ni Reyna Luna. Kung kaya 't napakaya ni Elena sa nasaksihan... Nang makita niya na unti-unting nagbabago ang itsura ng dalagang kaharap at ang dating kakaibang itsura ni Rodella ay naging maganda... Namangha ang dalaga sa naging resulta ng kanyang itsura ngayon... Kaya labis ang dulot ng kasiyahan ang namutawi ngayon sa labi nito...