Kabanata 10
RODELLA POV
Hindi siya mapakali ngayon sa dahilan nang nasa kotse siya ng binata. Wala siyang mukhang maihrap sa lalaking ito. Naalala niya na pinahiya niya ito sa mga kaklase nito, kaya nauunanahan tuloy siya ng hiya.
"Naku. Oo nga pa-lah" Nakayuko siya habang nag-iisip. Kinakabahan siya ngayon, na sana hindi siya tangkain nitong kausapin at tanungin man lang.
Hindi niya magawa na lumingon sa kanang bahagi niya , kung nasaan ang kinaroroonan ni Reynaldo. Bukod sa pakiramdam niyang nangangamba ay nangunguna rin ang puso niya, dahil sa puno ito ng takot.
Natatakot siya na baka pandirihan siya ng binatang ito. "Ayokong mangyari ito," bulong niya sa kan'yang isipan. Nagsasawa na kasi s'ya na makarinig ng masasakit na salita. Mauuna na siyang umiwas para wala na siyang marinig na makakasama ng kan'yang puso. Nahihirapan na rin siya na makisama sa kan'yang pamilya at dumagdag pa sa kan'ya ang pagpapahirap ng ibang tao sa kan'ya.
Kahit hindi siya nakatingin ay nakikita niya mula sa gilid ng kan'yang mga mata na panay lingon sa kan'ya ng Binata. Maingat siya sa kan'yang sarili at nagplano siya na ikubli ang kan'yang mukha sa balabal. Ganito palagi ang kan'yang ginagawa sa tuwing lalabas siya. Mas maganda rin ang ganito para mas maging kumportable siya at malayo sa kapahamakan. Napatigil siya sa kan'yang pag-iisip dahil sa narinig niya ang boses ni Reynaldo.
"Miss... ah eh, matagal ka na bang nangangatulong?" tanong nito sa kan'ya.
Sa narinig niya sa bunganga nito ay mas lalong bumilis ang t***k ng puso niya. Naghahalo ang kaba sa napakabilis niyang paghabol sa kan'yang hininga. Batid niyang mahirap aminin na hindi talaga siya katulong ng kan'yang mga kapatid. Gusto niyang magsabi ng katotohanan, pero hindi pwede na sirain niya ang isyu ng kan'yang mga kapatid. Matagal siyang nakatugon sa binata. Halos mabuhol-buhol ang dila niya sa pagsasalita.
"Oo... Ah eh... Matagal__ na akong nag-trabaho sa kanila," tugon niya. Napahawak na rin siya sa kan'yang mga tuhod. Dahil sa pagpipigil nito ng sarili na umamin siya na tunay siyang mga kapatid nila Shaina at Shiela, at hindi katulong. Pero ano naman ang mapapala niya sa pagsasabi ng tapat? Wala naman eh. Pakiramdam niya ay mas mabuti pa sana na h'wag ng makialam pa si Reynaldo pero sadyang makulit.
"Okay Fine. Buti at nagtagal ka sa kanila? Kahit ganoon ang pagtrato nila sayo huh?!"
"Oo, kakayanin ko naman eh. Bakit naitanong mo sa akin na kung kaya ko? Please lang 'wag ka ng mangeelam pa?!" pagtataray niyang tinig sa binata. Masyado na kasi itong nanghihimasok ng kan'yang pribadong buhay niya. Nagtaka siya sa tanong nito sa kan'ya. Kung tutuusin kasi ay wala na dapat itong karapatan na mag-usisa pa sa kan'ya.
Natahimik si Reynaldo. at bigla na lang nitong naisipan na balakin na tanggalin tanggalin ang kan'yang balabal sa mukha, pati ang kan'yang salamin nang bigla siyang umiwas ng tingin dito at kinabig niya ang kamay ni Reynaldo, upang hindi matuloy pa ang binabalak nito.
"H'wag! Sige na, ibaba mo na 'ko?!" sigaw niya upang pigilan ang binata na lumapit ang mukha pa nito para tingnan siya. Ano ba at gustong-gusto ng binatang ito na makita ang mukha niya?
"Oh! I'm really sorry. Na-curious lang talaga ako... Sor__" saad nito sabay layo nito sa kan'ya. Naiiling tuloy ang binata sa pag-aasta nito. Nakaramdam tuloy ito ng kahihiyan sa ginawa nito.
ikinasimagot naman ng kan'yang kilay ang ginawa sa kan'ya ni Reynaldo. Siya na ang nalibre sa pagsakay. Siya pa tuloy ang may ganang magalit, imbes ang binata na kan'yang katabi.
"D'yan mo na lang ako ibaba?" Turo niya.
"Fine," tugon nito sa kan'ya at sabay na naiisip na itabi nito malapit sa parking area.
Mabilis s'yang nanaog sa kotse dahil sa nakaramdam siya ng kakaibang init na nanggagaling sa kan'yang katawan. Nakukutuban niya ay mas lalong nakakaramdam siya ng kaba dahil sa hindi sa pagbibiro, may gusto siya sa taong ito, nang una palang nilang magkita sa paaralan. Kaya ayaw niyang mangyari ang kan'yang kinakatakutan.
"Miss. Ang panyo mo?!" sigaw ni Reynaldo, Pero hindi na siya narinig pa nito.
Malayo na kasi si Rodella mula sa kan'ya. Naramdaman nito na nahiya 'yon sa ginawa nito kanaina. Minsan lang niya nakilala ay ganito na agad ang pag-asta niya.
Samaantala kay Rodella ay hindi maalis sa kan'ya na pulahin ang buo mukha niya at hindi lang ito, panay lagabog ang puso niya dahil sa nangyari.
"Ngayon ko lang ito naranasan!" usap niya sa kanyang sarili. Labis siyang nagtakha sa kan'yang puso sa ngayon. Naiiling siya sa oras na ito. Minabuti niya na magtungo sa palengke para makabili na ng mga gulay at prutas na gusto ng kan'yang madrasta. Kapag tumagal siya ay managot na naman siya. Kaya kailangan niya ng magmadali na. Buti na nga lang ay napasabay siya sa binatang 'yon sa kotse. Na kahit may kasalanan ito sa kan'ya at ganoon rin siya ay pinilit pa rin s'yang sumakay.
Hindi niya pa rin makalimutan ang reaks'yon ni Reynaldo ng kabigin niya ang kamay nito mula sa kan'yang mukha. Nakakatiyak siya na kapag nakita nito ang itsura niya ay siguradong katatakutan siya ng binata. Kailangan niyang mag-ingat sa kan'yang paligid. Hindi siya katulad ng normal na tao na may magandang itsura. Dahil sa problemang ito ay hindi niya kayang makisalamuha sa iba. Pinagkaitan siya ng biyaya na maging maganda sa madaling salita. Nahihirapan na siya sa kan'yang sitwasyon. "Hirap na hirap na 'ko!" bulong ng kan'yang isip habang patuloy na tinatahak ang madilim na daanan pauwi nasa kanila. Patuloy siyang naglakad hanggang sa narating niya ang mansyon. Narinig niya na nagtatalo ang kan'yang ama at ang kan'yang Madrasta.
"Hindi ako papayag na wala kaming makamtan ng mga anak ko?!" sigaw ni Ginang Soledad.
"Ang anak ko sa una ang magmamana ng lahat ng kayamanan kong maiiwan ko. Siya ang aking panganay, kaya sana 'y muunawaan mo. May batas na pitakaran. Nasa legal na Asawa ko at ang anak ko mapupunta ang lahat ng wrights ko. Kaya kapag namatay ako Soledad! Sa kan'ya ang mansyon na ito. Pwede kayong manirahan ng mga anak natin dito. Pero si Rodella ang masusunod sa lahat dito. Maliwanag ba?!" Seryosong paliwanag ng kan'yang ama. Ngayon lang niya nakita 'yon na labis na nagalit kay Soledad. Mukhang maiinit na naman ang ulo ng kan'yang ama. Gusto niya sanang magmano at makausap iyon, pero naisip niyang magtungo sa kusina para lutuin ang ulam.
Narinig niya sa huli ang salitang nakapagpigil sa kan'yang paglalakad. Hindi niya na naituloy pa ang pagpunta niya sa kusina. Nanlaki ang mga mata niya sa katotohanan na kan'yang narinig.
"Diba ikaw naman ang may kasalanan na kung bakit namatay ang asawa mo! Diba nang oras na buhay pa ang sinasabi mong legal na asawa ay namatay ng dahil sa iyo. Nakipag-s*x ka sa 'kin at nahuli niya tayo dito. Pinakilala mo pa akong Kaibigan mo lang talaga. Pero ang totoo tinatago lang natin dalawa ang ating realsyon?! At hindi sa panganganak kay Rodella namatay siya, kundi sa pangangaliwa mo? Ano kaya ang mangyayari Kung sakaling malaman ni Rodella ang lahat?!" Mataray nitong tinig. Mukang sa boses nito ay napuno ito ng pagbabanta.
"Please 'wag sana. Okay sige... Sana 'y itago mo lang ito, Soledad. Sige na... Magkakaroon ka rin ng karapatan sa mansyon!" Pakiusap ng kan'yang Ama.
"Okay... Sinabi mo eh? Madali lang naman akong kausap?!" Naikot-ikot pa ang mga mata ni Soledad habang nagsasalita.
Bumulong-bulong pa ito sa kan'yang Ama.
"Madali ka palang kausap hahaha?!" sabay ngisi at tawa nang malakas.
Nakakamao na lang si Lorenzo. Wala na itong magawa pa kaya ang napagkasunduan ay kailangan niyang sundin. Natahimik na ang dalawa sa pagtatalo.
Naisip niyang pumasok sa loob ng kwarto dahil sa tahimik na. Pagkakataon niya ng makaharap ang dalawa. Natulala ang ama niya nang makita siya na umiiyak.
"Totoo ba Ama?!"
"Ibig sabihin ay nagsinungaling kayo sa 'kin?!" Magkasunod niyang tanong.
"Anak, sorry!"
"Totoo nga Ama?!"
Sa reaks'yon palang ng mukha ng kan'yang ama ay nababasa niya na. Nahulog mula sa kan'yang kinakatayuan ang mga dala-dala niyang gulay. Iniwan niya ang silid ng ama upang tumakbo patungong silid niya. Hindi niya kasi matanggap ang panloloko sa kan'ya ng ama niya.