Meeting between Rodella and Reynaldo

1576 Words
KABANATA 9 Reynaldo POV Natatangi na binata sa paaralang Angono Rizal. Dito na siya nagpatuloy ng pag-aaral sa lugar na ito. Marami siyang naging awards sa isang patimpalak sa larangan ng sining sa pagpinta at pag-gawa ng mga tula. Siya rin ay may angkin talino sa lahat ng pagresolba ng mga problema sa asignatura tulad ng matematika. Para sa kan'ya ay madali lang ito at walang kahirap-hirap na gawin. Ang mga bagay na ito ay naging sandigan niya upang magkaroon ng top sa kanilang paaralan... Ang makuha ang medalya mula sa ikaunang pwesto bilang cumlaude ay isang kamangha-manghang regalong talento sa kanya. Kaya sikat siya sa kanila at lalong-lalo nasa mga kababaihan ay kilang-kilala siya. Hindi sa kan'ya naging hadlang ang mga parents niya, na gusto siyang pag-aralin sa ibang bansa upang doon na magtuloy ng pag-aaral. Hindi naging madali sa kan'ya na mahikayat ang mga parents niya na dito na lang siya na mag-aral sa Angono, semi-private ito at marami dito na estudyante ang nag-aaral. Sa mga awarding ceromony ay lagi siyang natatawag upang magsalita sa unahan. Kung magsalita siya ng mensahe ay maiiyak talaga ang mga taong makakarinig. Pinokus niya ang kan'yang sarili sa pag-aaral. Binabalewala niya ang mga kababaihan na nagtangkang lumapit sa kan'ya, upang umamin sa kanilang mga nararamdaman. Kung baga 'y habulin siya dahilan ng pagiging makisig at lalaking-lalaki niya sa pagsasalita. Kaya labis na lang siyang hangaan ng mga kababaihan. Hindi lang isa sila, marami. "Sorry, I'm study First!" sabi niya sa isang babae at malalim ang kan'yang boses ang pinukol niya sa babaeng kaharap niya. "Okay... Kung ayaw mo. Hindi h'wag!" inis nitong sabi sabay na lumakad ng patalikod. Nagulat siya sa naging reaks'yon ng dalagang iyon. Napakaganda sana kaso ubod ng maldita... May mga magkakaibigan na tinawanan ang dalaga sa labis na pagkahiya. Wala siyang magawa kundi balewalain sila. "Hahaha! Sabi ko sa 'yo maba-basted ka Shaina?!' "Hahaha" pang-aasar pa ng isa. "Mga bwiset!" bulyaw ni Shaina. Narinig niya ang usapan ng mga 'yon, pero ayos lang sa kan'ya. May dahilan ang lahat ng kan'yang pagiging malamig at suplado. May gusto siyang marating. Ang kan'yang ninanais na maging isang magaling na modelo, balang araw. Kaya determimado siyang maabot ito. Iiwasan niya ang mga bagay na magiging hadlang sa kan'yang mga pangarap. Minsan na rin siyang lumahok sa isang programa ng Modelo at nanalo siya sa patimpalak na iyon at ginawaran siya ng mga sertipiko sa pagiging mahusay niya na kalahok. Ang Best in Costume, Outstanding Body gestures and his Facial Expressions. Kaya talagang dito niya nasukat, na may kakaiba siyang karisma at kahusayan sa pagiging modelo. Hindi niya ito pangarap dati. Ang pangarap niya ay maging isang Doktor, pero hindi niya pwedeng kunin ang ganitong kurso. Dahil sa nerbyoso siya sa mga taong naduguan. Kung baga ay mahina siyang makakita ng dugo. Kaya itinigil niya ang pag-aaral at pagbabasa ng Medical History. Dito na lang siya sa kung ano ang pangalawang oportunidad niya, ang magpatuloy na bumangon ulit sa dating tinalikuran na pangarap na gusto naman rin sana ng kan'yang mga parents na nasa abroad. "Balang araw ay magiging modelo rin ako!" bulong niya habang nag-aaral na mag-isa sa kan'yang silid. Ayaw niya ng maingay kapag gusto niyang mag-aral. Ito ang una niyang goal, para makatapos siya sa gawain at makapokus siya ng maayos. Naniniwala siya sa kasabihan na, " Kapag nabigo ka sa isang bagay, h'wag mong hintayin na doon ka na lang." Ibig sabihin niyan ay h'wag kang titigil na mangarap at mahanap kung saan ka nababagay. Katulad niya may bagay na humadlang sa kan'ya upang matupad ang gusto niya bilang Doktor. pero hindi ibig sabihin nito ay sumuko siya sa kan'yang mga pangarap. Hinanap niya kung saan siya pa mas magiging maunlad. Paaralan "Class, si Mr, Reynaldo Magwili, ang nanalo bilang Presidente sa ating buong paaralan. Batiin n'yo siya ng Congratulations! Guys palakpakan naman d'yan?" sabi ng kanilang Professor na si Mrs, Alpuerto. Nakangiting hinikayat nito ang mga estudyante na nakapalibot sa silid na ito. "Congratulations Kuya," bati ng ibang estudyante. "Yahhooo! Ang galing talaga ng Crush ko!" sigaw ng mga babae. "Ang galing talaga niya, idol!" sigaw ng mga kalalakihan. "Kaya ngayon Class... Si Mr, Reynaldo na ang bahala sa inyo... Regarding sa iba pang mga Rules and Regulations ay siya na ang bahalang magpapanatili dito. Ang hindi sumunod ay kailangan na maparusahan! Nagkakaintindihan ba tayo?!" Seryosong tanong ni Mrs, Alpuerto sa kanilang lahat. "Yes Ma'am," "Okay Maammm!" Nilingon ni Mrs, Alpuerto ang grupo ng mga kababaihan sa likuran. Tumingin ang lahat ng mga estudyante sa kanilang lahat. "Naiintindihan nyo ba Shaina, Shiela, Jovie at Clara at ikaw rin?" tanong nito na may kalakasan ang tinig ang boses. Dahil sa mula kay Mrs, Alpuerto ay malayo mula 'yon sa pwesto nito. "O-po Ma'm!" sabay-sabay na salita ng lima at tugon sa kanilang guro. "Okay... Maliwanag huh? Dapat wala akong mababalitaan na may kaguluhan dito sa ating paaralan at dito sa seksyon n'yo na malalaman ko ang balitang iyon. Ayokong mamomoroblema!" Madiin na tono ng boses ng kanilang guro. Sa tinig nito ay puno ito ng pahiwatig at makabuluhan na pagsasakatuparan sa nasabing Regulasyon ng paaralang ito. "Yes M'am...!" Sabay-sabay ng wika ng lahat. Naiiling ang grupo nila Shaina at Shiela. Sa itsura ng mga 'yon ay hindi ito naging sang-ayon sa bagong pamamahala na pinatupad sa kanilang paaralan. "Yes, Shaina...? Do you have any clarification or Question?" tanong ng kanilang guro. "No ma'm," "Okay. Akala ko kasi ay may problema?" "None po!" tugon at magkasabay na bigkas ng magkapatid. "Okay... Sige na hintayin nyo na ang next Prof, n'yo, Students," saad nito at sabay paaalam. "Yes Ma'am," Tumalikod na ang kanilang guro. Senenyasan si Reynaldo na siya na ang bahala muna sa mga kaklase nito. Parang sa mga itsura ng mga mag-aaral ay nababanaagan dito ang gaya ng mga preso na nakalabas mula sa hawla sa kulungan. Hindi man lang nagpaalam sa kan'ya ang grupo ng Babae sa likod. Hindi niya alam kung bakit lumabas ang tatlo mula sa limang mga dalaga. "Hey Reynaldo? Mag-Cr, muna kami nila Clara?" paalam nila Shaina at Shiela sa kan'ya... Nainis siya sa dalawang ito. Pero bilang Presidente at modelo ay kailangan niyang maging Good example sa lahat. Kung kaya 't pinakalma niya ang kan'yang sarili. Hindi sa malaman niyang damdamin ay kutob niya na may masama atang plano ang grupong 'yon. Napansin niya sa kakaibang pagkilos nila sa paglalakad ay masyadong nagmamadali sa paglabas ng room. Hindi siya mapakali dahil sa baka may gawin ang mga iyon na hindi maganda. Kaya naisipan niyang lumabas at magtungo sa sinasabing palikuran. Hanggang sa nahuli niya na sinasaktan ang isang babae, kaya lakas loob niyang pinigilan sina Shaina, Shiela at Jovie sa patuloy nitong pag-aasar, sa dalawang babae. Nakilala niya na ang isang dalaga, ay si Clara. Mabilis siyang nagtungo sa kinaroroonan ng mga maldita niyang kamag-aral. Pinagtanggol niya ang isa rin na dalaga, na nagtatago naman sa ilalim ng balabal at salamin. Mukhang ngayon lang niya 'yon na nakita. Kaso sa kapalit ng kan'yang pagtulong ay napahiya siya. Kaya umalis siyang walang salita. _ __________________ In His Apartmernt Room Habang nag-iisa siya sa kan'yang kwarto ay bigla na lang sumagi sa isipan niya ang babaeng nakasalamuha niya sa paaralan. "Who is she? Bakit ganoon na lang siyang saktan kanina ng kan'yang amo?! Mali naman iyon eh, pero siya ang nagsabi na hayaan ko na lang!" bulong niya. Napatigil siya sa pag-uusap sa kan'yang sarili. Dahil sa may tumawag sa kan'yang cellphone. Tumawag ang kan'yang Mom at nagtanong sa kan'ya kung ayos lang siya. "No problem Mom," mahinahon na tugon niya sa kan'yang parents. "Mom, ingat ka po kayo d'yan nila Dad? dugtong pa niya. "Yes offcourse Hijo! I'm Happy to you?" "Thanks Mom," tugon niya. Naisip nang ibaba ng kan'yang Mommy ang cellphone. Sandali lang talaga itong tumawag para alamin lang kung maayos lang siya dito sa pilipinas. Tumayo siya upang magtungo sa Computer shop para gawin ang kan'yang home projects. Nag-ayos siya ng sarili para mas maging gwapo. Gabi na rin kaya kailangan niyang magmadali na makaalis ng kanilang mansyon. Mabilis siyang nagtatakbo sa kan'yang kotse, para naman makahabol pa siya sa oras na bukas pa ang computer shop. Nakita niya ang isang dalaga na nag-iisa na naglalakad. Mukhang papunta sa palengke. Parang namumukhaan niya 'yon kaya agad siyang bumaba dahilan ng nakilala niya ang babae. "Miss... Sakay na?" "Hala!" bulong ni Rodella. "Miss... Delikado pa sa daan para maglakad ang tulad mo?" tinig niya na nag-aalala sa kalagayan ng dalaga. "Pero__" saad ni Rodella. "H'wag ka ng mahiya. Pupunta na rin ako doon sa pupuntahan mo rin?" para mahikayat niya 'yon. Sa tingin niya 'y nahihiya ito sa kan'ya. Gawa sa nangyari kanina sa paaralan. "Sige na please? " "Okay." nahihiyang tugon ni Rodella. Sabay na rin sumakay siya. Batid nitong nakilala siya ng binata. Pero pumayag na rin siya kalaunan. Dahil sa alam niyang nagmamalasakit nasa kan'ya ito. Sumakay na si Rodella sa kotse. Tahimik na lang na nagmaneho si Reynaldo, pero pàrang may itinatago ang dalagang nakasakay ngayon sa kotse niya. Pero hindi niya na kailangan tanungin pa ito. Baka mas lalo siyang iwasan dahilan sa kan'yang pagtatanong. Gusto lang naman niya makilala ang babae na ito dahil sa parang may anong dilim sa pagkatao ni Rodella. Sa itsura ng dalaga kasi ay nagtataka lang siya kung bakit ayaw nitong ipakita ang buong mukha nito? Gusto man niya tanungin ito, pero hindi muna sa ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD