KABANATA 13
RODELLA POV
Nang magising siya ay napasapo siya sa kan'yang noo. Kinapa niya kasi ang kan'yang sarili kung may lagnat pa s'ya. "Hayyst! Salamat naman!" napabuntong-hininga siya dahil sa naramdaman niya na normal na ang kan'yang temperatura. Nanumbalik rin ang saktong init na kailangan ng kanyang katawan. Buong akala niya talaga ay hindi na s'ya gagaling pa, pero sa awa ng d'yos ay nakatakas siya mula sa bingit ng kamatayan sa ngayon. Nawala na rin sa wakas ang sakit na nagpahina sa kan'ya buong gabi. Napakamalas niya lang sa buong buhay niya. Wala siyang pagkain, wala man lang na damit siyang masusuot, maiinom na malinis na tubig ay wala rin, ang bahay na pagsisilungan ay yari lamang sa ginawa sa dahon ng palapa ng buko. Hindi siya makakatagal dito sa ganitong sitwasyon.
"Wokk! Wokk!" tunog ng t'yan niya. Napahawak siya sa tiyan niyang nagtutunugan ng dahil sa gutom. "Saan ako kukuha ng pagkain dito?" bulong niya. Nagulat siya ng may kumaluskos mula sa kan'yang likuran, na ikinatayo ng kan'yang balahibo at napatayo siya sa sandaling 'yon. Nanlaki ang mga mata niya sa isang hayop na may malaking pangil dito sa kalagitnaan ng kagubatan ito. Doble ang naramdaman niyang kutob sa kan'yang dibdib. Pahiwatig na sobra ang kan'yang kaba sa hayop na nasa harapan niya ngayon. Hindi niya alam kung anong uri ito ng hayop at kung paano makakatakas sa mabangis na hayop na ito. Nanginginig ang buo niyang katawan sa labis na takot. Mukhang katupasan niya na talaga. " Please... H'wag mo akong Kainin! Hindi ako masarap sa naiisip mo," panghihikayat niya sa hayop na baka makinig sa kan'ya ito.
Mas lalong ibinuka ng hayop na ito ang bunganga nito, na pahiwatig na handa na s'yang lapain. Mukhang sa itsura palang ng hayop na ito ay gutom na gutom na. Nanginginig na ang mga tuhod niya sa takot...
" Tulungan n'yo ako?!
"Tulong__!" malakas niyang sigaw ... Halos nag-echo ang kan'yang tinig sa lakas ng kan'yang pagsigaw.
May ilan lang kilometro ang layo lang ng hayop sa kan'ya. At sa isang iglap lang ay maaari na s'yang maabutan nito. Madali lang naman siyang kainin. Dahil sa may apat itong paa, para mas mabilis siyang lapitan. "Maikli lang ang panahon ata ng buhay ko!" Pumikit na siya at may tumulo na lang na luha mula sa kan'yang pisngi. "Heto na talaga ang katapusan ko! Please Lord. Bahala na kayo sa aking Ama?!" panalangin niya.
Nang susunggaban na siya ng hayop na 'yon ay wala na siyang pakeelam sa kan'yang sarili, na kung ano ang maging kahihinatnan niya.
Nasa gitna siya ng nag-iisang mabangis na hayop dito sa kagubatan. Habang nakatayo lang siya ay statwa lang siya na naghihintay ng kan'yang kamatayan. Ang kapalaran na hindi niya inaasahan ay magaganap na. Wala naman siyang magagawa pa? Wala naman tao na makakarinig sa kan'yang tinig sa gubat na ito. "Please Lord! Kayo na ang bahala sa 'kin?!" bulong niya habang nakapikit pa rin.
"Woooghh! Akk! Ak! Woogh ahhrp!" Huni ng tinig ng mabangis na hayop na iyon, pasugod na sa kan'ya at palapit nang palapit. Tumalon na ang hayop na may apat ang paa sa kan'ya. Nang biglang... bumagsak ang hayop na 'yon na kinagulat niya ng labis. Nanlaki ang kan'yang mga mata. Dahil sa ang hayop na lalapa sa kan'ya sana ay duguan ang ulo nito nang bumagsak sa lupa. Dahil sa isang matulis na sibat na tumama sa noo nito. Napalingon siya sa kaliwang bahagi ng daanan na pinangalingan niya kanina. At napansin niya ang mag-amang mangagngaso.
Lumapit sa kan'ya ang dalawang panauhin na 'yon para alamin ang kan'yang kalagayan. Nais niyang tumakbo pero sa ngayon ay nangangatal pa rin ang mga tuhod niya sa takot. Buong Akala niya talaga ay wala ng sasagip pa sa kan'yang buhay. Buti na lamang ay may dumating na padala ng panginoon. Dininig ng d'yos na nasa langit ang kan'yang pagsusumamo. Kaya hindi niya napigil pa ang kan'yang sarili na lumandas sa pisngi niya ang mga luha. Luhang simbolo ng takot at pag-asa. Nabuhay siya dahil may taong na nagligtas sa kan'ya para sagipin sa kamatayan. Nagtanong sa kan'ya ang panauhin.
"Ikaw ba ang panauhin na nakita ko sa aming kubo?" tanong ng matanda at naghihintay sa kan'yang tugon. Halata sa katanungan ng matanda ang labis na pagtataka nito. Nakita pala siya nito Kahapon.
Hindi niya tinugon ang katanungan sa kan'ya ng matandang lalaki, sa halip ay tahimik lang siya at nakayuko lamang. Nag-iisip kasi siya ngayon kung tama bang sabihin niya dito. Pero kailangan niyang sabihin, wala naman na masama. Nagtanong siya.
"Kayo po ba ang asawa ni Aling Lagring?" tanong naman niya upang makasigurado siya. Maingat lang naman siya. Mahirap kasi na agad-agad siyang magtitiwala. Kailangan niyang kilatisin ang buong pagkatao nila, bago siya magtiwala. Dahil nga sa kakaiba niyang itsura, kaya labis siyang nag-iingat.
"Oo Ineng. Sige na Tara na? Dapat rin ay manatili ka muna sa aming tahanan? Masyadong delikado kasi dito sa bundok na 'to. Maraming mga ligaw na Hayop dito. Kaya sana magtiwala ka sa asawa ko at sa amin?" mababang paliwanag nito sa kan'ya. Parang nahiya tuloy siya sa matanda.
"Sige na," Saad ng matanda. Pag uulit nito sa kanya upang pilitin na sumama.
Tumango-tango na lang siya.
"Ako pala si Mang, Lorito, asawa ni Lagring. Siya pala ang aming anak na si Buboy." Pagpapakilala ng matanda pati sa apo nito. Tumango lang siya na pahiwatig ay "oo".
"Hi ate," tugon ng bata.
"Hi," tugon niya. Malungkot pa rin ang mga mata niya na halata na maraming pinagdadaanan talaga. Ang mga mata na simbolo ng kan'yang nararamdaman sa ngayon. Ang puso naman na bigat na bigat nasa problema.
Nakita niyang hinihikayat na s'ya ng matanda na tumayo. Inabot kasi ng matandang 'to ang isang palad nito. Ninais siyang tulungan na makatayong muli sa kan'yang pagkakaupo. Halos mangiti-ngiti ang matanda, at katunayan na palakaibigan ito. Nagtalukbong siya kaagad ng mukha sa pamamagitan ng balabak niya, na baka kamuhian siya ng dalawa, kung makikita nila ang mukha niya.
"Oh! Dahan-dahan lang Ineng!" habang inaalalayan siyang tumayo ng matanda, upang maiayos niya ang kan'yang sarili sa pagtindig. Halos hirap pa s'ya sa una, pero sa kalaunan ay nakalakad rin siya nang malit na mga hakbang. Niyaya siya papuntang kubo at matagal-tagal rin silang nakarating.
"Salamat pala Mang, Lorito," pagsasalamat nito sa kan'ya.
"Ineng. Ang itawag mo na lang sa 'kin ay Tatay, pwede na 'yon." sabay ngiti nito sa kan'ya.
"Ahh okay pooh," tugon niya at sabay ngiti. Halatang mabait talaga ito sa kan'ya. Kaya naman mabilis siyang nahikayat ng matandang ito ang sumama sa kubo.
"Walang anuman," tugon nito.
Isang oras rin bago nila narating ang kubo. Matagal kasi siyang makalakad. Kung kaya 't mabagal ang kanilang paglalakad. Patuloy silang naglalakad habang nagkukwentuhan.
Hanggang sa makarating sila sa kubo. Pagdating nila ay agad siyang binigyan ng tubig na iinumin at Damit na pamalit. Naluha túloy siya sa harapan nila. Dahil sa pagiging mabuti nila sa kan'ya.
________________________
"Aling Lagring pasensya nyo na pala ako sa naging reaksyon ko kanina?"
"Ayy, ano ka bang Bata ka... Ayos lang naman. Naiintindihan naman kita kung bakit ka natakot sa 'kin. Sige at hayaan mo. Hindi ko na uuliting banggitin ang sinabi ko sa 'yo Kahapon?"
"Pero?! Al__" Napakamot siya sa kan'yang sarili. Tumutol siya sa kagustuhan ni Aling Lagring.
"Ano Hija. Nais mo ba talagang malaman ang nakita ko sa palad mo?" Nakita kasi ng matandang ito ang kan'yang kapalaran.
"Opo,"
"Sige. Makinig kang mabuti?"
Tumango-tango siya na katunayan na labis siyang interrsado sa usapin na pera.
"Nakita kong may magpapasuot sa 'yo ng isang bagay na lilikha sa 'yong buong pagkatao. Nang dahil sa isang pambihirang kapangyarihan na nagmumula sa isang bagay. " kwento nito.
Nanlaki ang mga mata niya sa paliwanag ni Aling Lagring.
"At hindi lang 'yan, may binatang darating sa buhay mo... Magbabago ang kapalaran mo ng makikilala mo siya. Ang totoo niyan, magkikita kayo ng binata na mahuhumaling sa 'yong labis na kagandahan. At matagal mo na s'yang kilala," dugtong pa nito sa kan'ya.
"Talàga ho?"
"Oo...!"
"Nalungkot ako sa nangyari sa buhay mo? Mabigat pala talaga. Pero ang mapapayo ko lang sa inyo ay... manatili kang buhay at matatag?!" madamdaming saad nto at tanong sa kan'ya.
"Aling Lagring pwede bang dito muna ako sa Inyo? Wala na kasi akong matutuluyan pa... Hayaan n'yo at tutulong ako sa mga Gawain dito ho," pag-uusap nito.
"Hija... sige lang. Welcome ka dito,"
"Salamat ho," tugon niya. Napayakap tuly siya at naluha sa sobrang tuwa.
"Tawagin mo na lang akong Nanay? At kapag na bumalik ka sa inyo ay h'wag kang makakalimot huh?" tanong nito at sabay tawa.
"Oo Nay!" tugon niya na may lambing.
"Sige na... Tara na at magkakainan na tayo ng gabihan," saad nito sa kan'ya, kaya agad siyang sumunod.
Sa Kabila ng lahat ng naranasan niya ay tinanggap pa rin siya ng mga taong nagmalasakit sa kan'ya. Akala niya 'y ipagtatabuyan siya nito, hindi pala.
"Kain lang?" masayang sabi at hikayat nito sa kan'ya.
"Oo Nay," nakangiting tugon niya.
Halos pasal na pasal kasi siyang kumain ng dahil sa gutom, kaya hindi na siya nahiya pa...
Hanggang sa matapos silang kumain.