Kabanata 3:

1126 Words
•Amanda• Huminga ako nang malalim at mabilis siyang itinulak para mapalayo ito sa akin. Mga bata pa kami hindi ko dapat maramdaman ang mga ganitong bagay kung hindi ay mapapagalitan ako ni daddy, lalo na at kay Duke ko iyon mararamdaman. "Ano ba ang pinagsasabi mo, Duke, hindi porke't girlfriend mo ako ay pagmamay-ari mo na ako kaagad. May sarili akong desisyon sa buhay—anong ginagawa mo?" gulat kong tanong sa kanya nang bigla niyang i-lock ang pinto at humakbang na naman papalapit sa akin. Sa ilang linggo naming pagsasama ay ngayon lang ito naging agresibo. Pakiramdam ko tuloy na ang hina at parang bata ako habang kaharap ko ito ngayon kahit isang taon lang naman ang agwat namin sa isa't-isa. "Why do you keep attracting men, Amanda? You're my girlfriend kaya dapat lang inilalayo kita sa ibang lalaki na alam kong may gusto sa iyo 'di ba?" Malakas akong tumawa dahil sa sinabi nito. Nakatiim-bagang na ito habang nakatitig sa akin. "Bakit ka tumatawa?" "Paano mo naman nasabi na may gusto sa akin si Andrius—" "May gusto ka sa kanya?" taas-kilay niyang tanong sa akin. Naiiling ko siyang tiningnan halos di makapaniwala sa namutawi sa kanyang bibig. Aaminin ko naman talaga na may gusto ako kay Andrius, pero dati pa naman iyon noong nasa highschool pa lang kami atsaka simpleng crush lang naman ang naramdaman ko para rito. Nawala rin naman iyon kaagad noong tumuntong ako ng senior highschool dahil may babae itong nagustuhan. "Namumula iyang mukha at mga tainga mo, Amanda Christine Madrigal!" Napahawak ako sa aking mukha nang marinig ang sinabi nito. "May gusto ka nga?" nakakunot-noong tanong niya sa akin. Natigilan ako at umiwas ng tingin sa kanya hindi ko kayang salubungin ang mga nagbabaga nitong tingin, para akong mapapaso na hindi ko alam. "A-no naman sa iyo kung may gusto nga ako sa kanya? I'm 18 years old, Duke, normal na sa akin na magkagusto sa lalaking—" Nanlalaki ang aking mga mata nang hinawakan nito ang aking panga at pinalingon ako sa kanya. Hindi ko mapigilan ang mabilis na pagtibok ng aking puso lalo na at nagkatitigan kaming dalawa. Iiwas ko sana ang aking mga mata nang bigla nitong inangkin ang aking labi. Sa sobrang gulat ko ay napaawang ang aking bibig kaya naipasok nito ang dila niya sa loob. Dilat na dilat ang aking mga mata dahil sa ginagawa nitong paggalugad sa loob ng aking bibig. "Anong ginagawa mo, Duke?" Hinihingal kong tanong nang maghiwalay ang labi naming dalawa. Nakita ko ang pagsilay ng malapad na ngiti nito sa labi niya. "Marking you as mine," walang-gatol na tugon nito. Sinamaan ko siya ng tingin at dahan-dahang pumunta sa may sofa dahil sa panghihina ng aking mga binti. Ngunit hindi pa ako nakakarating doon ay kaagad naman akong binuhat nito at pinaupo sa kanyang binti. Yumakap ito mula sa aking likuran at ipinatong ang baba niya sa aking balikat. "Duke, kailangan ko nang umuwi dahil mapapagalitan ako ni daddy!" wika ko habang pilit na tinatanggal ang kanyang mala-bakal na kamay na nakahawak sa akin. "Let's stay like this for awhile, Amanda," mahina niyang saad. Umiling ako kaagad dahil hindi iyon pwede ilang minuto na lang ay hahanapin na ako ng driver at baka isumbong pa ako nito kay daddy. "Five minutes, please?" Napabuntong-hininga ako at hinayaan na lang muna siyang manatili sa pwestong iyon. Ayaw ko na rin siyang istorbohin dahil alam kong may problema ito at hindi niya lang sinasabi sa akin. Kahit labing-siyam pa lang ito ay alam ko na marami na itong problemang kinakaharap, lalo na at palagi itong sinasama niya sa mga meeting nito at mga political issue na sangkot ang pamilya nito. Alam kong mahirap iyon dahil naranasan ko rin iyon dati noong si daddy pa ang mayor, halos araw-araw ay sobrang busy nito na kahit batiin ako sa umaga ay hindi na niya magawa. Hindi naman ako nagre-reklamo dahil ang gusto lang din naman niya ay makatulong sa mga taong nasasakupan niya. Tinuturuan ako nito tungkol sa politika dahil gusto niyang sumunod ako sa mga yapak niya, ngunit dahil ayaw kong masangkot sa magulong bahagi ng politika ay humihindi na ako sa kanya. "Duke, we need to go," saad ko nang dumaan na ang mahigit limang minuto. Napabuga ako ng hangin nang hindi ito magsalita. I think he's sleeping palagi naman iyong nangyayari kapag nakasandal ito sa akin. "Five more, Amanda," mariin kong kausap sa sarili ko at ipinikit na rin ang aking mga mata. — Napakamot ako sa aking noo nang makarinig ako ng ingay ng dalawang taong nag-uusap malapit sa akin. "Dad, I need to sleep," saway ko sa mga taong iyon. Hindi ko ito makita nang maayos dahil nanlalabo pa ang aking paningin. "Amanda, nandito tayo sa kotse niyo ngayon nakatulog ka kasi kanina kaya binuhat na lang kita papunta rito." "Duke?!" Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat nang makita ko siya sa aking harapan. Tumango naman siya at inayos ang aking buhok. "Bakit ka nandito? Baka mapagalitan tayo ni daddy—" "It's okay, Amanda, nagkausap na kami ni Kuya Roy at wala naman daw problema sa kanya iyon basta isauli lang kita nang maayos sa kanya," saad niya at kinindatan ako. Kaagad naman na tumaas ang kilay ko at nilingon si Kuya Roy na nasa likuran nito. "Hindi ka ba papagalitan ni daddy niyan, kuya? " Lumapit siya sa amin at tinapik ang balikat ni Duke. "Mabait naman itong batang ito, hija, atsaka hindi naman ako kasali sa awayan ng pamilya niyo. Kung nobyo mo ito at siya ang nagpapasaya sa iyo ay hindi ko naman pwedeng hadlangan iyon 'di ba?" Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Ilang linggo rin kaming nagtatago ni Duke dahil ayaw kong makita ng driver ko ang mga ginagawa namin at ngayong kasabwat na ito ng lalaking ito, ilang oras na naman kaya kami makakauwi? "Sige na, Kuya Roy, ihatid na po ang bugnutin kong girlfriend at baka hinahanap na ni father-in-law," nakangiting saad nito. Sinamaan ko naman siya ng tingin habang si Kuya Roy naman ay malakas na tumawa at pumunta na sa driver's seat. "Pupunta ako sa kanila ni Andrius bukas," paalam ko sa kanya. Hindi ko naman siya hinayaan makapagsalita at sinarado na ang pinto. Nakita ko ang paggalaw ng mga panga nito ngunit hindi na siya nakalapit pa nang paandarin ni Kuya Roy ang sasakyan. Natatawa kong isinandal ang aking ulo sa may upuan, mabuti na lang at nainis ko ito kahit papaano ay nakabawi ako sa mga pasabog niya ngayong araw. "Thank you, Kuya Roy," saad ko. Ngumiti naman siya at tumango. Atleast alam kong hindi na ako isusumbong nito kay daddy hanggang sa matapos ang kasunduan namin ni Duke. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD