Kabanata 1:

1321 Words
•Third Person• Napangiti ang walong taong gulang na si Amanda nang makita ang may kalakihang uod na kumakapit sa berdeng-berde na dahon. Nilingon niya ang batang lalaki na naglalaro sa iba nilang ka-klase. Alam ng bata na takot na takot si Duke sa mga insekto kaya kaagad niyang hinawakan iyon at itinapon sa huli. Napaupo siya sa sobrang sakit ng kanyang tiyan kakatawa nang makita ang umiiyak na si Duke. Tumaas ang kilay ni Amanda nang makita niyang ilang beses nitong pinahiran ang natamaang bahagi bago pumunta sa kinauupuan ng kanyang yaya at nagsumbong. "Yy, away ako ni M-manda!" nauutal nitong saad. Kinusot nito ng ilang beses ang kanyang lumuluha at namumulang mga mata. Masamang tiningnan ng batang babae ang likuran ni Duke at padabog itong nilapitan. Naiinis siya dahil nagsusumbong na naman ito sa yaya nito at papagalitan na naman siya. "Hindi ka marunong magsalita nang maayos? Amanda ang name ko at hindi Manda, duh!" naiinis nitong wika at pinaikot ang kanyang dalawang mata. "Atsaka bakit ka nagsusumbong sa yaya mo? Malaki ka na kaya, tsk. Para lang sa mga bata iyan hmp!" Tinalikuran na nito ang batang lalaki at naglakad na habang pagewang-gewang pa ang balakang halatang nang-aasar. Ipinagdikit ni Duke ang dalawang ngipin at kinuha ang sapatos at tinapon iyon sa may likuran ni Amanda. Nang matamaan ito ay halos masira na ang buong paaralan sa lakas nang sigaw nito. "Duke Salvatore!" — Nagpatuloy ang senaryong iyon hanggang sa tumuntong sila sa sekondarya. Hindi na naman sila nagtatapunan ng mga gamit ngunit palagi naman silang nag-aasaran. O di kaya'y sisirain ang date ng bawat isa, katulad na lang ngayon. Hawak-hawak ni Amanda ang tali habang naghihintay kay Duke na pumasok sa loob ng restaurant na iyon. Nanghingi pa ang dalaga sa ama nito ng pera para rentahan ang buong restaurant para lang mainis niya si Duke. Nang makita niyang papasok na ang binata ay kaagad niyang niluwagan ang pagkakahawak sa tali at nang umapak na ito sa pwesto kung saan nasa itaas ang balde ng tubig ay kaagad niya itong binitawan. Malakas siyang tumawa nang makita na nagmumukha ng basang-sisiw ang lalaki. Lumabas na rin siya sa kanyang pinagtataguan habang hawak-hawak pa rin ang kanyang tiyan. "Oops, sorry, Duke, akala ko kasi hindi ka pa naliligo—ahh!" Laking gulat ni Amanda nang bigla siyang hilahin ni Duke at idinikit sa katawan nito. Nanlalaki ang mga matang hinampas niya ito sa dibdib at nagpipilit na lumayo rito. Dahil sa pagpupumiglas niya ay kaagad siyang nawalan ng balanse dahil sa basang sahig na kanilang kinatatayuan. Sa halip na mag-isang matumba ay hinila niya ang kamay ng binata para sabay sila bumagsak. Ang hindi niya inaasahan ay nakapatong ito sa kanyang katawan nang bumagsak sila lumapat pa ang labi nito sa kanya. "Taste sweet!" pang-aasar nang binata nang lumayo ito sa kanya. Sinamaan naman niya ito ng tingin at tumayo na. "Pagbabayaran mo ito, Duke Salvatore!" nanggagalaiti niyang sigaw at tumakbo na palabas ng restaurant na iyon. — Sa halip na si Duke ang magbayad sa kanya dahil sa ginawa nito ay nabaliktad yata ang sitwasyon. Palagi siya nitong hinahabol at tinatakot na sasabihin sa kanyang ama ang nangyari sa kanila. "Ano ba, Duke! Hindi mo ba talaga ako titigilan? Naiinis na ako sa'yo, ah?" Malakas itong tumawa at kinuha ang cellphone sa bulsa nito. Nakagat ng dalaga ang kanyang ibabang labi sa sobrang inis. Muli na namang pinakita ni Duke ang litrato noong araw na nahalikan niya ang dalaga. "Be my girlfriend kung hindi ay sasabihin ko sa ama mo na may namamagitan sa atin," utos nito sa dalaga. Kinamot naman ng huli ang kanyang noo dahil sa pagpipigil na saktan ito. "Akala ko ba galit ka sa akin ha? Bakit mo ginagawa ito ngayon?" Nagkibit-balikat lamang ang binata sa tanong dalaga. Sumimangot naman ang huli at tiningnan ang buong lugar, nang may mamataan siyang mga estudyanteng papalapit ay kaagad siyang tumalikod kay Duke. "Hey, guys! Alam niyo ba—" Mabilis niyang nilingon si Duke at tinakpan ang bibig nito. Hinila niya ito palayo sa lugar na iyon at dinala ito sa likod ng mga school buildings. "Bakit mo naman ginawa iyon, Mandy? May sasabihin lang naman ako sa kanila na importante," seryoso niyang saad pero ang mga mata nito ay puno ng kapilyuhan. "Pwede ba, Duke, tigilan mo na ako. Ayaw kong magulo ang buhay ko dahil nadawit ang pangalan ko sa iyo—" Hindi pa natapos ng dalaga ang sasabihin nang hinila ni Duke ang kanyang batok at dinampian ang kanyang matangos na ilong ng isang halik. Tumaas-baba ang dibdib ng dalaga sa kabang nararamdaman dahil sa halik na iyon ng binata. Mabilis niya itong itinulak at hinawakan ang kanyang ilong. "Why did you do that, Duke Salvatore?!" hiyaw niya rito. Nagbigay lamang ng isang abot-tengang ngiti ang binata ngunit hindi naman nagsasalita. "Tigilan na natin 'to. Walang patutunguhan ang usapan natin na'to. Pagkatapos nang araw na ito ay hindi na kita guguluhin kaya 'wag mo na rin akong lalapitan  at—" Napatigil siya sa pagsasalita at kinagat ang kanyang bang marinig ang tawa ng lalaki. Tumigil naman ang huli nang makita niyang namumula na sa galit ang dalaga. "I told you, Amanda. I want you to be my girlfriend." Humugot ng hangin ang dalaga at malalim na bumuntong-hininga. "Kung ayaw mong pumayag ay ilalagay ko sa school website ang larawan natin na'to." "Okay fine! Pero hanggang tatlong buwan lang. Kapag natapos na ang tatlong buwan ay tigilan mo na ako. Nagkakaintindihan ba tayo, Duke?" taas-kilay na tanong niya sa binata. Ngumisi ito at tumango bago siya nilapitan at ginulo ang kanyang buhok. Tinapik naman kaagad ni Amanda ang kamay ng binata ngunit hinuli naman nito kaagad iyon. "Huwag mo kong hahawakan—" "I'm your boyfriend, Amanda. Bakit hindi pwede?" Napatulala siya sa sinabi nito lalo na at kakaibang kislap ang nakikita niya sa mata ng kaharap. "You're mine, beautiful!" usal nito sabay kurot sa kanyang ilong. "I will never be yours, Salvatore," mariin niyang tugon sa binata na tinawanan lang naman nito. — "Kinausap na kita noong nagdaang araw pa, Edward," mahina na saad ni Amanda sa lalaking sumusunod sa kanya. Malaki ang pagkakagusto nito sa magandang dalaga at unica hija ng mga Madrigal kaya walang araw na hindi nito iniistorbo kahit na naiinis na sa kanya ang huli. Napabuga ng hangin ang dalaga at nilingon ang binatang kanina pa bumubuntot sa kanya.  Magiging pangalawang anino niya pa yata ito kapag hindi niya ito pinatigil. Dala-dala pa nito ang bulaklak na kanina niya pa hindi tinanggap. "Bakit ba ayaw mo sa akin, Tine? Mayaman naman ako kaya kung makibagay sa pamilya mo—" "Hindi ikaw iyong mayaman, Edward, sa parents mo ang perang iyon kaya huwag mong akuin." Kumunot ang kanyang noo habang nakatitig sa dalaga na namumula na sa inis. "Hindi ba at pareho lang naman iyon? Kung ano ang kayamanan at pera ng pamilya ko ay akin na rin iyon dahil ako naman magmamana," puno ng pagmamalaki niyang saad. Napairap ang dalaga sa sinabi ng binata naiinis siya sa inaasta nito lalo na at umaasa pa rin naman ito sa mga magulang. "Kung ganitong mindset ang meron ka please leave me alone, Edward. Hindi kita kailangan." Diniinan ni Amanda ang bawat salitang iyon para tumatak sa utak ng lalaki. "Atsaka may boyfriend na ako kaya tigilan mo na ako." Kumunot ang noo ng dalaga nang makita ang pagtaas ng kilay ni Edward. Iyon naman palagi ang nirarason nito sa mga sumusubok na manligaw sa kanya ngunit hindi naman pinapaniwalaan ng mga ito. "Really? Sino naman iyon? Gawa-gawa mo lang yata iyan para layuan na kita—" "She's my woman." Nanigas si Amanda sa kanyang kinatatayuan nang marinig ang boses ni Duke na nasa tabi na nito. Ang isa nitong kamay ay nakapatong sa ulo ng dalaga at ginugulo ang buhok nito. "Right, Ms. Amanda Christine Madrigal?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD