Chapter 2

2892 Words
PABOR kay Ellie na si JM ang na-assign para sumama sa medical mission sa iba-ibang bilangguan. Maraming sideline si JM kaya hindi ito regular sa hospital. Nagtatrabaho rin ito sa isang non-profit organization, and forensic laboratory. Kaya ang dami nitong nasasagap na balita dahil sumasama ito s amga crime scenes, taga-kolekta ng mga ebidensiya. Katunayan ay niyayaya siya nitong mag-sideline rin sa agency pero ayaw muna niya. Mag-focus muna siya sa hospital, okay naman ang sahod niya. Masaya naman siya kahit papano. Night shift palagi ang duty niya, bihira ang shifting sa posisyon niya. Sa umaga ang maga lalaking autopsy nurses dahil mas maraming trabaho. Pagpasok niya kinagabihan sa ospital ay dalawang patay na pasyente kaagad ang bumungad sa kanya. Halos araw-araw ay may namamatay, hindi lang isa, dalawa o tatlo. Maraming krimen kaya marami ring patay. Minsan ay may naisugod pang pasyente roon na dead on arrival, dried ang katawan, naubusan ng dugo na tanging maliit na sugat lang sa leeg ang nakita nila. Nasa emergency room si Mica at isang lalaking nurse. Morning shift ang lalaki kaya aalis din ito. Nagulat siya nang siya ang napili na isa sa mag-assist sa autopsy. Napangiwi siya, pero nang maalala niya si Dr. Clynes ay bigla siyang na-excite. Si Dr. Clynes pala ang pathologist na naka-duty sa gabi. Pagkakataon na niya iyon para mas mapalapit sa guwapong doktor.   Pagdating naman niya sa autopsy teatre malapit sa sa laboratory ay bigla siyang kinilabutan nang makita ang bangkay na nakalatag sa kuwadradong mesa na gawa sa stainless. Kinakabahan siya. First time niyang sumabak sa totoong pag-assist sa autopsy. Seryosong trabaho iyon. Mabuti na lang kilala na niya ang partner niyang autopsy nurse na lalaki, si Jake. Mahaba-habang oras ang igugugol nila sa operasyong iyon. Pagkatapos niyang magsuot ng laboratory gown at mask ay inayos na nila ni Jake ang mga gagamitin ni Dr. Clynes. Sinundan niya ng tingin si Dr. Clynes na pumasok sa dressing room. Hindi man lang nito hinawi ang berde na kurtina, na siyang nagsisilbing pinto ng dressing room. Napako na ang tingin niya sa direksiyong iyon nang biglang maghubad ng polo ang guwapong doktor. Mabuti na lang nakatalikod ito sa kanya. Napalunok siya nang masilayan ang malapad nitong likod na may nagkaparte-parteng muscles. Hugis letrang ‘V’ ang likod nito, maskulado ang mga balikat at braso. Isang mapagnasang bangungot na makatagpo siya ng ganoon ka-hunk at kaguwapong doktor. Sa tatlong taong pagtatrabaho niya bilang nurse, wala pa siyang na-encounter na batang doktor, lalo na espisyalista. Natural, ilang taon ba naman ang iginugugol ng mga ito sa pag-aaral. Kaya ayaw niyang mag-doktor dahil ang tagal at mas magastos ang pag-aaral. She was thankful that she finished her studies bago nawala ang nanay-nanayan niya. Ibinalik niya ang isip kay Dr. Clynes. Kaduda-duda talaga ang physical appearance nito. Lahat ng natanong niyang staff sa ospital tungkol sa guwapong doktor ay hindi alam kung ilang taon na ito, pero sigurado ang mga ito na single pa ang doktor. Ang bata nitong tingnan, siguro around thirty something. Well, hindi lang naman siya ang nagtataka. Baka raw talagang genius itong si Dr. Clynes at maagang natapos ang pag-aaral. Hindi niya namamalayan na nakanganga siya habang nakasilip sa nagbibihis na doktor. Hindi siya nakailag ng tingin nang bigla itong humarap at nahagip siya ng paningin nito.  Kumislot siya nang magtama ang kanilang mga mata. Wala itong suot na eye glasses. May kung anong hindi mawaring emosyon na umahon sa puso niya nang masaksihan ang mapula nitong mga mata. Kumurap-kurap siya. Tama ba ang nakita niya? May isang dipa lang ang layo nito sa kanya kaya kitang-kita niya ang mga mata nito. O baka nagmalikmata lang siya na kulay dugo ang nakita niyang eyeballs nito. Ang linaw naman ng paningin niya. Hindi niya natuunan ng tingin ang magandang hubog ng katawan nito dahil sa mga mata nito. Hindi niya alam bakit bigla iyong namula. O baka dahil lang sa ilaw. Hindi man lang nito hinawi ang kurtina upang maitago ang katawan nito. Nang makapagdamit na ito ng puting kamesita at naisuot ulit ang salamin nito sa mata ay saka lamang niya binawi ang tingin. Nagsuot na rin ito ng laboratory gown na kulay berde. Tumulin ang t***k ng puso niya nang maramdaman niya ang paglapit nito sa kanya. “Shall we start?” tanas nito. Napatingin siya rito na noo’y nasa harapan na niya. Nagtataka siya. Nang magtama ulit ang mga mata nila ay hindi naman iyon namumula. Kayumanggi na iyon. Dahil lang ata sa ilaw kaya akala niya namumula. “Ready na, Doc,” tugon naman ni Jake. Nagsuot na rin si Dr. Clynes ng hairnet, surgical gloves at mask. Si Jake ang nag-a-assist  sa paggalaw sa bangkay at kokolekta ng mga organs at kung anong kukunin sa bangkay. Siya naman ang taga-abot ng utensils na gagamitin ng doktor at taga-punas na rin ng pawis nito. Bawal itong maabala. Kinikilabutan si Ellie habang pinagmamasdan ang doktor habang sinisimulang hiwain sa bandang dibdib ang bangkay. Hiniwa nito ng palitrang ‘Y’. Ganoon ang simula bago buksan nang tuluyan ang katawan upang matingnan ang mga organs. Sinusunod ni Jake ng kolekta ang sample tissue. Mabuti na lang lalaki ang bangkay, hindi niya mai-imagine ang kanyang sarili na hinihiwa. Nakita na niya ang lungs at puso, lalo siyang naumay. Pakiramdam niya’y may kung anong malilikot na bagay sa kanyang bituka. Iba pala ang pakiramdam kapag autopsy na kaysa karaniwang operasyon. Talagang makikita niya lahat ng organs ng tao, including the smallest parts. Hindi na lamang siya tumingin sa bangkay. Sa halip ay ang abalang doktor ang pinagmamasdan niya. “Scissor, please,” wika ni Dr. Clynes. Hindi napansin ni Ellie na kanina pa naghihintay ang doktor na abutan niya ng gunting. Nang umangat ng mukha ang guwapong doktor ay ganoon pa lamang ang pagkilos niya. Hindi na niya alam kung ano ang dadamputin niya. “A-ano na nga ‘yon, Doc?” balisang tanong niya. Hindi umimik si Dr. Clynes. Nakatitig lamang ito sa kanya. “Gusting daw!” sabi naman ni Jake na nakahawak sa tinuklap na balat ng bangkay sa tiyan upang hindi kumipot ang hiniwa. Natatarantang dinampot niya ang gunting saka iniabot kay Dr. Clynes. Nagkamali pa siya sa pag-abot. Nauna kasi ang talim kaysa sa handle. Kulob ang pasilidad at wala sila sa bahagi na may air-condition kaya maalinsangan ang klima sa loob. Pinagpapawisan maging singit niya. Mamaya’y napatingin na naman siya kay Dr. Clynes nang makitaan niya ito ng butil-butil na pawis sa noo. Kating-kati na ang kamay niya na pahiran ang pawis nito pero para siyang tuod na nakatayo lang at pinagmamasdan ang pawisang doktor. Ang problema, nakalimutan niyang kumuha ng bimpo. Lalong uminit ang pakiramdam ni Ellie habang nakatingin siya kay Dr. Clynes. Mamaya’y may sikong tumama sa tagiliran niya. Naibaling niya ang tingin kay Jake. Inilapit pa nito ang mukha sa kanyang tainga. “Punasan mo ang pawis ni Doc. Nasan ang bimpo?” bulong ni Jake. Parang ngungo ito sa pandinig niya dahil sa suot nitong mask. Tumalima naman siya. Dagling dinukot niya ang panyo sa bulsa ng pantalon niya saka inuunti-unting pinapahiran ang butil-butil na pawis ni Dr. Clynes. Hindi man lang pinapansin ng doktor ang ginagawa niya. Seryoso ito sa paggalugad sa lamang-loob ng bangkay. Kung hindi lang guwapo ang doktor na ito ay hindi mangyayaring panyo niya ang gagamiting pamunas ng pawis nito. Hindi baleng malagyan ng dugo, basta masamyo niya ang pawis nito. s**t! Nahihibang na siya talaga! Wish niya lang hindi siya magka-insomnia after ng autopsy. At sana ay huwag siyang bangungutin dahil sa bangkay. Noong training kasi nila ay talagang napanaginipan pa niya ang bangkay. Mabuti na lang, super hot ng pathologist nila sa mga sandaling iyon. Kumislot si Ellie nang biglang itabing ni Dr. Clynes ang kamay niya’ng may hawak sa panyo. Tumitig siya sa mga mata nitong nakatingin sa kanya. Doon lamang niya napansin na pati salamin nito ay napupunasan niya ng panyo na may pawis na. Siguro’y may mga ulap na itong nakikita sa lens ng salamin nito kaya napatigil sa ginagawa. “Pakipunasan ng damit mo ang lens ng salamin ko, binasa mo ng pawis,” sabi nito sa matigas na tinig, tunog suplado. Napalunok siya. Dahan-dahan namang inalis niya ang salaming suot nito, pero hindi niya inalis ang tingin sa mga mata nito. Pumiksi siya nang may kung anong sumaklob sa mukha niya nang matitigan niya ang mga mata nito. Parang may sumaboy ng kung anong mainit na hangin sa mukha niya at bigla siyang napapikit. Napaatras siya ng isang hakbang. Nang mahimasmasa’y nagmamadaling pinunasan niya ng tela sa bahagi ng suot niyang laboratory gown ang lens ng salamin ni Dr. Clynes. Pagkatapos ay isinuot niya iyon ulit sa mga mata ng doktor habang ito’y nakayuko at nakatingin sa ginagawa nito. Nagpatuloy ang maselang trabaho nila. Maselan pa ring masasabi kahit patay na ang pasyente dahil nakasalalay sa mga kamay nila ang maayos at tamang resulta ng autopsy. Hindi mabilang ni Ellie kung nakailang sablay na siya. Alam niya pagkatapos niyon ay pagtatawanan siya ni Jake. Pero si Dr. Clynes, hindi man lang niya nakitaan ng anumang emosyon sa mukha kahit kung tutuusin ay nakakainis ang mga kapalpakan niya. Kung ibang doktor iyon malamang kanina pa siya pinalabas. Nang makakuha na sila ng sample contents mula sa bangkay ay ibinalik naman ang mga organs. Sila na ni Jake ang tumahi sa mga hiniwang parte ng katawan ng bangkay. Siya ang tumatahi sa tiyan, habang si Jake naman sa ulo. May apat na oras din bago natapos ang paggalugad sa katawan ng bangkay. Busy na si Dr. Clynes sa sinisinop nitong specimen na ililipat sa laboratory upang isalang sa examination. “Mabuti nakakatagal kang tumitig sa mga mata ni Dr. Clynes,” mamaya’y sabi ni Jake. “Bakit?” tanong niya habang naka-fucos lang sa ginagawa. “Ako kasi, o kahit sino sa ospital na ito ay natatakot nang tumitig nang matagal sa mga mata ni Dr. Clynes. Ang ibang nurse nga ay umiiwas na mag-aasist sa kanya,” anito. “Bakit naman?” sinipat niya si Jake. “Hindi ko rin maintindihan. Parang may nangyayaring kakaiba sa katawan mo kapag tinitigan mo nang matagal ang mga mata niya.” Naisip niya ang naramdaman niya nang ititigan niya ang mga mata ni Dr. Clynes. Para siyang sinagupa ng kidlat kanina at pakiramdam niya’y may ilang boltahe ng kuryente na tumulay sa mga ugat niya. Hindi niya iyon pinansin dahil akala niya ay may hangin lang talaga. Pero saan naman dadaan ang hangin? Curious tuloy siya, lalo sa sinabi ni Jake. “Ano bang meron sa mga mata niya?” pagkuwa’y tanong niya. “Ewan. Gray eyeball lang naman ang nakikita ko sa mga mata niya. Pero iba ang pakiramdam, e. Magmula noong magtrabaho siya rito sa ospital ay naging usap-usapan na siya. Kahit nga ang ibang doktor ay hindi nakikipag-usap sa kanya nang matagal. Marami siyang specialty pero nagtatrabaho lang siya rito sa ospital as pathologist,” kuwento ni Jake. Namangha siya. Inisip niyang maigi ang napansin niya kay Dr. Clynes, at na-realize niya na noong una ay gray ang nakita niyang eyeballs nito, pero kanina ay light brown, at paningin pa niya ay bloody red. ‘Tapos ang sabi ni Jake ay gray. Ano ba talaga? “Teka, ilang taon na ba si Dr. Clynes? Parang nasa early thirty or twenty pa lang siya tingnan, eh. Don’t say, sampung taon pa lang siya nag-aaral na siya ng medisina,” sarkastikong sabi niya. Tumawa nang pagak si Jake. “Oh, please… don’t ask me about his identity dahil kahit edad niya hindi ko alam,” sabi nito. “Stranger lang ang drama niya? Hindi nga. Ilang taon na siya?” pilit niya. “Hindi ko nga alam. Subukan mo siyang tanungin. Ewan ko lang kung titingin ka pa sa kanya matapos ka niyang sagutin,” nakangising sabi ni Jake. “Huh?” mariing kumunot ang noo niya. Masyado na siyang nahihiwagaan kay Dr. Clynes. Pagkatapos maasikaso ang bangkay ay sumunod na si Ellie sa laboratory. Bumalik naman sa emergency room si Jake dahil magkasunod ang pasok ng bagong pasyente. Isinalansan niya sa storage ang mga naka-preserve na stomach content mula sa cadaver. Abala naman si Dr. Clynes sa pagsusulat sa record book nito. Nakatayo lang ito sa tapat ng mahabang mesa kaharap ng storage fridge. Napakatahimik talaga nito, napapantastikuhan siya. Sa lahat ng doktor na nakasalamuha niya roon sa ospital ay ito lang ang sobrang seryoso at tahimik. Isang linggo pa lang daw naman ito sa ospital. Baka kapag nagtagal ay makakapalagayan na niya ito ng loob. Nang matapos siya sa kanyang ginagawa ay confident siyang lumapit dito. Hindi nga siya naiilang sa mga matatandang doktor sa ospital, kaya bakit siya mahihiya sa guwapong ito? Kilala siya sa ospital dahil sa taas ng level ng confidence niya at nakukuha niya ang atensiyon ng lahat na walang kahirap-hirap. Tumabi siya rito, sa gawing kaliwa. “Gusto mo ba ng snack, Doc.? Ililibre kita,” walang kemeng tanong niya. “No, thanks,” sagot lang nito, seryoso pa rin sa pagsusulat. “Uhm, water, juice, coffee? Name it, I’ll buy some for you,” pili niya. Hindi na ito kumibo. Tiniklop nito ang libro saka nagtanggal ng mask.  Kumislot siya nang bigla itong humarap sa kanya. Napigil niya ang kanyang hininga nang may isang dangkal na lang ang pagitan ng mga mukha nila. Awtomatiko siyang tumitig sa mga mata nitong natatakpan ng eyeglasses. Nawindang siya, gray nga ang eyeballs nito! “Thanks for asking but don’t bother,” he said. Nilagpasan siya nito. May ilang sandaling tulala si Ellie. Kalauna’y naiinis siya. Hindi matanggap ng ego niya na walang epek kay Dr. Clynes ang karesma niya. May mga batang doktor na nanliligaw sa kanya noon pero hindi niya type. Kaya malakas ang tiwala niya na magkakagusto rin sa kanya si Dr. Clynes. Hinabol niya ito. “Water na lang, Doc, ibibili kita. I know uhaw ka na,” aniya. Biglang huminto si Zyrus kaya napasubsob siya sa likod nito. “Ouch! s**t! Ang sarap ng tigas!” daing niya. Marahas itong humarap sa kanya. Dumestansiya ito sa kanya. Hindi naman ito mukhang galit pero papunta na rin doon. “Please do your job and whatever you want to do and don’t disturb me, I’m busy,” masungit nitong sabi saka siya tinalikuran. Napangiwi siya. “Sungit naman nito,” aniya, nilakasan talaga niya pero dedma lang ang guwapong doktor. Nang wala siyang napala ay lumabas na lamang siya para magmeryenda. Pero hindi siya sumuko. Bumili pa rin siya ng isang plastic bottle mineral water at hotdog sandwich. Pagbalik niya sa laboratory ay namataan niya na nakaupo sa tapat ng lamesa si Zyrus at abala sa pagtipa sa keyboard ng computer. Nahahati sa tatlong portion ang laboratory, at naroon sila sa dulo na para lang sa storage ng mga specimen na mula sa autopsy at working room ng pathologist. Ang ibang bahagi ay para sa karaniwang testing facility ng specimen na tinatrabaho naman ng mga medical technologist. Naipapasa lang ang test result sa pathologist para mabasa at mabigyan ng findings. Solong-solo nila ni Dr. Clynes ang facility. Nilapitan kaagad niya ito at inilapag sa lamesa nito ang bote ng tubig at sandwich na pinalagay niya sa mahabang styro box. Sandaling natigil sa pagtipa ang lalaki at sinipat ang inilapag niyang meryenda nito. “Magmeryenda ka muna, Doc., masamang malipasan ng gutom,” masiglang wika niya. “Ang kulit mo,” komento lang nito. Ngumisi siya. “Don’t get me bad, Doc. I’m naturally caring especially to my co-workers. Just eat,” aniya saka ito tinalikuran. Pumuwesto na siya sa harap ng mahabang mesa para gawin ang trabaho niya. Mula roon ay nasisipat niya si Dr. Clynes. Nag-lilinis siya ng mga utensils na ginamit nila sa autopsy. Kailangan pa iyong ma-sterilize. Maya-maya ang sulyap niya sa doktor. Kinilig siya nang makitang kinuha nito ang bote ng tubig at binuksan. Uminom ito. Shit! Ang sexy niyang uminom! Tili ng malandi niyang isip. Pero nalungkot siya nang hindi nito ginalaw ang hotdog sandwich. Nainis na naman siya. Para bang ikamamatay niya kapag hindi nito kinain ang bigay niyang pagkain. Iniisip pa lang niyang baka itapon lang nito iyon ay nasasaktan na siya. Hindi niya ito nilubayan ng atensiyon. Natapos na lang ang duty nito ay hindi pa ginagalaw ang sandwich. Parang tingang sinundan pa niya ito palabas ng laboratory. Dinala nito ang naka-styro na pagkain. Baka ipamigay nito ang pagkain. Naalala niya, noong isang gabi ay binigyan siya nito ng garlic bread, malamang bigay rin ng kung sinong staff sa ospital ang pagkain. Naku! Baka ibigay rin nito sa ibang nurse ang sandwich. Sinundan talaga niya ito hanggang sa labas ng ospital. Huminto siya sa exit nang mamataan niya itong lumapit sa batang lalaki na nakaupo sa bench katabi ng mama na nakaupo sa wheel chair. Ibinigay nito sa bata ang pagkain. Nakahinga siya nang maluwag. At least sa bata nito ibinigay hindi sa ibang babae, kung hindi ay magagalit talaga siya. Pero curious na talaga siya. Bakit hindi nito kinain ang sandwich? Bumalik na lamang siya sa trabaho. Isang oras na lang ay tapos na ang duty niya. Dahil sa curiosity niya kay Dr. Clynes, hindi siya nakatulog pagkatapos ng duty niya. Inatake nga siya ulit ng insomnia, bagay na kinakatakutan niya. Kapag ganoong inaatake siya ng insomnia ay mabilis bumababa ang red blood cells niya. Kapag nasimulan pa naman ay tuloy-tuloy na. Napilitan siyang uminom ng pure rest tab tablet, na reseta rin sa kanya ng doktor. Iniinom lang niya iyon kung kinakailangan. Pero hindi umobra ang gamot. Hindi pa rin siya nakatulog. Alam niya hindi iyon dahil sa cadaver, kundi dahil sa presensiya ni Dr. Clynes.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD