Chapter One

2848 Words
NAIINIP na pinagmamasdan ni Zyrus si Devey habang kumakain ng pizza pie. May kalahating oras na siyang nakatambay sa bahay ni Dario upang bantayan pansamantala ang pasaway nitong anak. Hindi niya pinangarap minsan na mag-alaga ng batang sa sobrang kulit ay parang gusto na niyang sakmalin nang tumahimik. Dose anyos na si Devey pero mas makulit pa ito sa limang taong gulang na bata. Mabuti na lang isinama ng ina nito ang kapatid nitong limang taong gulang na lalaki rin. Pero mas matino nang konti ang isang iyon. Mabuti na lang din wala siyang duty sa ospital, clinic o kahit sa crime laboratory. Hawak niya ang kanyang oras. It suppose to be his rest day, but Dario pleased him to babysit his son for a while. Busy kasi lahat ng ibang miyembro ng sangre organization dahil sa mahalagang misyon. Siya lang ang hindi sumasama sa mga raid operation, of course, he is working only to their laboratory and examine the shreds of evidence and some specimen for their experiment. Gumagawa siya ng iba-ibang armas na mas madaling pumatay sa mga kalaban nilang bampira. Pinag-aaralan din niya ang mga plano ng kalaban at ekspiremento. Minsan lang siya tinutulungan ni Dario dahil busy na rin ito lalo’t may pamilya na. Anyway, Dario was his half-brother on his father's side. They both cursed their father because of his darkest plans against humans and some innocent vampire. Dr. Dreel was evil. Mas matanda lang siya ng dalawampu kay Dario. Late na niyang nakilala si Dario, noong minsan siyang iniligtas mula sa kasamaan ng kanilang ama. Malaki ang utang na loob niya rito. Binigyan siya nito ng magandang puwesto at sabay nilang tinatahak ang tuwid na landas. Kaya kahit anong hilingin nito sa kanya ay pinagbibigyan niya kahit minsan ay hindi niya masikmura. Magkatapat sila ni Devey habang nakaupo sa sofa sa malawak na sala. Panay ang tawa nito habang nanonood ng nakakatawang pelikula sa telebisyon. Ito lang ang umubos sa binili niyang isang kahong pizza pie. Wala raw kasi itong ganang kumain ng kanin kaya inalok niya ng pizza. Seryoso siyang nagbabasa ng medical magazine nang muling humalakhak si Devey. Tinitimpi lang niya ang iritasyon niya sa batang ito. Hindi na nga siya nakaligo, dahil kahit iihi lang siya sa palikuran ay nakabuntot ito at kinikuwentuhan siya ng mga nakakatuwang karanasan nito sa paaralan. “Nakita mo ‘yon, Tito Zyrus? Parang tanga lang ‘yong babae. Isinubo niya ‘yong—” Naitapal niya sa bibig ni Devey ang kinulukot niyang magazine dahilan upang hindi matuloy ang sasabihin nito. Kinilabutan siya nang makita ang senaryo sa pelikula na pinapanood nito. Hindi niya inasahan na may s****l scene palang kasama sa disc na isinalpak niya sa player. Dagli niyang pinindot ang remote at in-fast forward ang pinapanood ng bata. Itinabing nito ang magazine na sumupalpal sa bibig nito. “Bakit mo naman in-forward? Ang sakit ng bibig ko, ah,” angal nito. “Hindi ka dapat nanonod ng mga ganoong eksena. Masyado ka pang bata,” aniya. “Hindi ko naman gagawin ‘yon, eh. Nakakadere kaya ‘yon. p***s is so dirty especially we use it to pee, right?” walang gatol na sabi nito. “Kahit na. Mag-asawa lang dapat ang nanonood ng ganoon.” “Dahil ginagawa rin nila? Ginagawa rin naman nila mommy at daddy ‘yon, ‘di ba?” Napakamot siya ng batok. “Kumain ka lang d’yan. Maliligo lang ako,” pagkuwa’y apila niya saka tumayo. Hindi lang kumibo si Devey. Nakatutok na ulit sa pinapanood nito ang mga mata. Mabuti na lang bago sumapit ang alas-siyete ng gabi ay dumating na si Martina. Nakabalik na siya sa CDO, sa mansiyon ni Dario, at headquarter na rin nila. Dapat ay hindi muna siya magtatrabaho pero hindi siya nakatiis. Pakiramdam niya’y magkakasakit siya kapag nawala siya nang matagal sa laboratory. Pagdating niya sa laboratory ay nadatnan niya roon si Leandro at Dario. Nagsasali ng dugo sa test tube si Dario. Si Leandro naman ay may kinakatay na ahas. Kakaiba ang ahas na kinakatay nito. “What’s that?” tanong niya kay Leandro. Parehong nakasuot ng puting laboratory gown ang dalawa. Mga doktor din ang mga ito sa isa-ibang larangan. Dario was also a doctor of medicine and diplomat in Obstetrics/Gynecology. He was also an anatomist. While Leandro was a biologist and veterinarian. “Ito ang unang success experiment ng tauhan ni Dr. Dreel. Ang ahas na ito ay may iba-ibang uri ng virus at vampire venom,” sagot naman ni Leandro. “Pati ba naman ahas?” komento niya. “Walang palalagpasin ang mga hangal na iyon,” gigil namang sabad ni Dario. “Pahingi ng sample ng stomach content ng ahas, pag-aaralan ko,” aniya. Nagsuot na rin siya ng gown. Binigyan naman siya ni Leandro ng likidong nakuha nito sa bituka ng ahas.   “SIYA si Alicia, ang babaeng insecure sa mga batang mukha at takot sa aging process kaya nasunog ang mukha, hindi ata hiyang ang anti-aging cream na ginamit” mapanlait na sabi ni Margie. Sinundan naman ni Ellie ng tingin ang babaeng nurse na dumaan sa harapan nila. Naroon sila nakatambay sa nurses’ station para sa shifting. Kararating lang niya at hinihintay ang papalitan niyang nurse. Night shift siya at sakto lang ang dating niya. Sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi ni Ellie. Hindi pa naman katandaan si Alicia, katunayan maganda ang hubog ng katawan nito. Ito ang pinakamatandang nurse sa ospital na pinagtatrabahuhan niya bilang registered nurse. Inilagay na niya sa ulo ang nursing cap niya. “Kahit anong gawin niya hindi niya mapipigil ang aging process. Though mapapabagal ang proseso pero hindi mapipigilan. Unless kung magpapakagat siya sa bampira,” sabi naman ni JM, ang isa sa nurse na lalaki. “Totoo bang hindi tumatanda ang mga bampira?” sabad naman ni Patricia. Tumikwas ang isang kilay ni Ellie. Pumagitna siya sa tatlong kasama na nag-uumpukan sa labas ng desk. Namaywang siya, literal na mga tsismosa talaga ang ibang katrabaho niya. Alam niya kasi siya ay pinag-uusapan ng mga ito kapag nakatalikod. “Guys, kailan pa nag-exist sa mundo ang vampires? They’re only fictional characters in novels or movies. Fiction means likhang isip. Hindi totoo,” giit niya. “Pero sabi ng lola ko totoo sila,” pilit maman ni JM. Fan talaga ito ng vampire movie, kaya nagmumukha nang bampira, eh. “Totoo kung maniniwala ka. Basta hindi sila totoo,” aniya. Kinuha niya ang kanyang shoulder bag saka isinukbit sa kanyang balikat. Magbabanyo muna siya. Rumampa siya sa pasilyo patungo sa rest room. Lahat ng nakakasalubong niya ay napapatingin sa kanya lalo naa ng mga lalaki. Tanggap na niyang attention seeker ang beauty niya, eh talagang ipinanganak siyang maganda, wala na siyang magagawa roon. Kaliwa’t kanan ang nanliligaw sa kanya pero dedma muna. Wala pa siya sa mood makipagrelasyon. Gusto muna niyang mag-enjoy bilang single since may balak siyang sumali sa Binibining Pilipinas next year. Last time na nag-audition siya ay nakapasok siya pero dahil sa obsessed at seloso niyang boyfriend ay hindi siya natuloy. Ini-imagine niya na rumarampa na siya sa entablado ng prestehiyusong beauty pageant. Feel na feel pa naman niya ang pagkimbot nang biglang may bumangga sa balikat niya. Kamuntik pa siyang mawalan ng balanse. Inaasahan niya na aalalayan siya ng lalaking bumangga sa kanya, like usually na nangyayari kapag may nakakabangga siyang lalaki, after n’un ay makipagkilala sa kanya, liligawan siya… cliche. Pero iba ito, ibang lalaki dahil dedma lang habang pinupulot ang nahulog nitong black pouch bag. Nakasuot ito ng puting polo na naka-tuck in sa denim nito. May nakaipit na ID ng ospital sa kaliwang bahagi ng dibdib nito. Mukhang bagong impleyado. “Excuse me?” gagad niya rito. Nakayuko pa ang lalaki, pinagpagan ang bag nito. He’s wearing black-rimmed eyeglasses. His hair was clean-cut, gray, and neat. Suddenly, he didn’t bother to face her or even glance at her. Aalis na sana ito pero hinarang niya. Huminto naman ito sa paglalakad pero hindi deretsong tumingin sa kanya. Nawindang siya. Her heart instantly pounding as if she saw the fallen Goddess. s**t! Ang guwapo niya! Kinilig pati atay niya. So far, he was the most handsome guy she’d ever meet in person. She looks like a Hollywood model or a hunk celebrity. “Uhm, are you working here?” nagpapa-cute na tanong niya, sabay hatak sa laylayan ng blouse niya upang makasilip naman nang bahagya ang cleavage niya. The guy didn’t distract, instead, he looked at his wristwatch. “I’m late, excuse me,” he said. “Oh, so, you’re working here? Are you a new nurse?” excited na tanong niya. Ibinandera talaga niya ang kanyang alindog sa harapan nito. Todo iwas naman ito, ni hindi siya matingnan deretso sa kanyang mukha. Sobrang seryoso nito. Mas matangkad ito ng may one feet sa kanya, almost or six footer tall. Hindi puwedeng hindi ito magkaka-interest sa kanya. Ipagpapalit niya ang Ms. Universe crown dito. “Sorry, I’m late,” sabi lang nito saka siya nilagpasan. Natulala si Ellie. For the first time, there’s a guy who ignore her beauty. Kahit man lang sana tiningnan siya sa mukha, nginitian o kaya’y nag-sorry. Uh, hindi niya sure kung sino ang may kasalanan sa kanila. Nasa tamang daan naman siya, sa right side kaya imposibleng siya ang bumangga. Obvious na nagmamadali ang lalaki. Naiinis siya. Sayang din ‘yon, guwapo. Puwede nang panakot niya sa mga lalaking nangungulit sa kanya. Hindi niya palalagpasin ang pangyayaring iyon. Kailangan niyang makilala ang lalaki at mapansin nito ang beauty niya. Ang bilis lumipas ng oras. Apat na oras ang lumipas ay break time na naman. Kalalabas lang niya ng emergency room. Since pumasa na siya sa training at exam bilang autopsy nurse, doon na siya sa emergency inilagay. Forty talaga niya ang trabaho, ang mag-assist sa mga pasyente upang mangolekta ng samples specimen. May naisugod kasi roong lalaki na nabaril. Siya ang kumuha ng bata to be examined and may document physical and biological evidence. Gusto niya ang ganoong trabaho, yaong hindi lang sa ospital naka-focus, kundi sa mga crime scenes, and to assist the corener or medical examiner in death. Pero hindi pa niya nasubukang mag-assist sa pathologist during the autopsy. Iba naman kasi ang trainer sa mismong trabaho na.  Pagdating niya sa nurses’ station ay naroon na sina Margie, JM, at Patricia. As usual, may bago na namang naisalang sa hot topic ang mga dakilang tsismosa at tsismoso. Naiirita siya. Tungkol pa rin sa bampira ang topic. Nakikinig lang siya habang nagsusulat sa logbook. “May nahuli raw na bampira ang mga pulis sa Mactan,” eksaheradong kuwento ni JM. Bulastog talaga ang isang ito. Kaya hindi pa nagkaka-girlfriend, eh, puro imposible ang lumalabas sa bibig nito. “Talaga?” sabi naman ng uto-u***g si Patricia.” “Oo, at mga babae raw ang kinukuha ng mga bampira,” dagdag pa ni JM. “Bakit babae lang?” tanong naman ni Margie. “Kukunin daw ang egg cells, dugo saka papatayin,” si JM. Awtomatikong tumikwas ang isang kilay niya. Nakisawsaw na siya. “Whe, ‘di nga?” sabad niya. “Tsk! Ayaw n’yong maniwala, bahala kayo,” napipikong sabi ni JM. Lumabas siya ng desk. Hinarap niya ang mga ito saka siya namaywang. “Huwag ka masyadong nagpapaniwala sa mga tsismis, JM, baka katagalan ay maging bampira ka na,” aniya. Natawa ang dalawang babae. Nagtataka siya bakit biglang tumigil sa pagtawa sina Margie at Patricia. Napatingin ang mga ito sa gawing likuran niya maging si JM. “Good evening, Doc!” sabay na bati ng tatlo niyang kasama. Kumislot siya. Natutop niya ang kanyang bibig nang may binating doktor ang mga kasama niya. Dahan-dahan siyang pumihit sa kanyang likuran upang alamin kung sino ang doktor na dumating. “G-good-” Hindi niya natuloy ang pagbati nang makita ang pamilyar na lalaki sa kanyang harapan. The tall, handsome, hunk guy wearing black-rimmed eyeglasses, he’s not wearing a white laboratory coat with a printed name on the left side. Taimtim niyang binasa ang printed name. Zyrus Clynes MD/Pathologist Para siyang natuka ng ahas. So, he’s not a nurse, he’s a doctor! A drop-dead handsome doctor! Kumurap-kurap siya baka ikaw niya’y nagmamalikmata lang siya. Pero hindi, eh, he’s real. Kumabog ang dibdib niya, at the same time ay nahihiya. “Uhm, what can we do for you, Doc?” nagpapa-cute na tanong ni Patricia, na mabilis nakalapit sa guwapong doktor. “I called here but the line is busy. No autopsy nurses on-duty at the autopsy theatre.” seyosong sabi ni Dr. Clynes. “Uhm, parating pa lang po ang autopsy nurse na magdu-duty mamaya sa autopsy teatre, Doc. Pero for meanwhile, ako muna ang mag-assist sa inyo, autopsy nurse rin po ako,” ani Patricia. Pasimpleng inirapan ito ni Ellie. Kating-kati na ang kamay niya para kurutin sa singit ang babae. May boyfriend na’y lumalandi pa. Hindi siya magpapakabog. So what kung doktor pala ang guwapong nilalang na ito? “Uhm, ako na lang po, Doc. Katatapos ko lang po ng training as autopsy nurse but currently, naka-assign ho ako sa emergency,” apela niya. Wala man lang siyang mabasang ekpresyon sa mukha ng lalaki. Para itong robot. Nagsisikuhan na sila ni Patricia. Ang malanding ‘to, makakanti talaga niya ito paglabas nila ng ospital. O kaya’y isusumbong niya ito sa boyfriend nitong pulis. “I want a guy nurse to assist me for autopsy operation,” mamaya ay sabi ni Dr. Clynes. Choosy pa. Pareho silang nanlumo ni Patricia. Kakayanin niyang mag-assist sa autopsy pero lalaki ang gusto ni Dr. Clynes. Napalingon sila kay JM, autopsy nurse rin ito pero out-going na dapat. Hinihintay lang nito ang kareleyibo. “Ako po ang kailangan n’yo, Doc.! Mag-a-out na ako pero since wala pa si Teo na kapaalit ko, puwede naman akong mag-extent,” nakataas ang isang kamay na sagot ni JM. “Thanks. Let’s go then,” anang doktor saka nagpatiunang lumakas. Tumalima naman si JM. Binelatan pa sila nito. “Sorry, Girls, away ni Doc sa malalandi,” anito saka lumisan. Ngali-ngali itong sapatusin ni Ellie. “Bakla! Sakalin ka sana ng bangkay!” sigaw niya. Tumawa pa ang mokong habang papalayo. “s**t! Ang guwapo talaga niya!” kinikilig na sabi ni Patricia. Para itong bulateng binuburan ng asin, nangingisay eh. Inirapan niya ito. “Malanding ‘to. Isusumbong kita kay PO2!” aniya. Bumusangot si Patricia. “Ito naman, sumbong kaagad? Wala na ba akong karapatang kiligin?” “May karapatan kang kiligin pero hindi maglandi!” “Tse! Of course, I know namang suntok sa buwan na maaakit sa akin si Dr. Clynes,” pag-amin nito. “Mabuti alam mo. Sa akin, posible pa, ako pa ba?” mayabang na sabi niya. “Tumigil na nga kayong dalawa! Magsitrabaho na kayo!” saway naman sa kanila ni Margie. Hindi ito makasabay kay may asawa na ito. Bumalik na lamang sila sa trabaho. KAHIT busy ay hindi mawaglit sa isip ni Ellie si Dr. Clynes. Na-amaze talaga siya. Pero may pagtataka rin. Napakabata naman kasi ni Dr. Clynes base sa hitsura nito, para maging isang doctor at bigatin paa ang specialty. O baka talagang genius kaya maagang nakatapos ng pag-aaral. Tapos na ang duty niya pero parang ayaw pa niyang umupo. Inaabangan niya sa nurses’ station baka dadaan doon si Dr. Clynes. Nauna nang umuwi ang mga kasama niya. Nakalabas na rin ng laboratory si JM, meaning tapos na ang autopsy. Inayos niya ang kanyang sarili. Nakapag-freshen up na siya. May paliyad-liyad pa siya ng dibdib. Karamihan kasi sa mga doktor ay dumadaan muna sa nurses’ station or sa information desk bago lumabas. Nasa main station siya kaya posibleng dadaan doon ang doktor. Malayo pa lang nang mamataan niya ito ay todo liyad na siya. But sadly, hindi dumaan sa station nila ang doktor. Deretso lang itong naglakad sa pasilyo patungong exit. Dagli naman niya itong sinundan hanggang sa labas. Nakita niya ito sa parking lot, lumapit sa gray Lamborghini. Napako ang mga paa niya sa sahig nang ma-realize na nagmumukha na siyang desperada. Mali, hindi dapat. Hindi siya ganoon, na siya ang nagpapapansin sa lalaki. Hindi pa siya nakapagdesisyon para sa baliw niyang plano. Hindi niya namalayan na naroon pala siya sa drive way. Kumislot siya nang may bumusinang sasakyan. Nasa harapan na niya ang kotse ni Dr. Clynes. Hindi niya makita sa loob. Tumabi na lamang siya upang paraanin ito. Deretso naman ang takbo ng sasakyan. Nagkasya lamang siyang panoorin ang papalayong kotse. Bigong sumandal siya sa likod ng kotse. Lutang pa ang diwa niya. “Ay palaka!” bulalas niya nang biglang umandar ang kotseng sinasandalan niya. Nagulat siya nang mapansing pareho ang kotse sa kakaalis na sasakyan. Nalilito siya. Katabi iyon ng inalisan ng isang kotse. Nahimasmasan siya nang matanto na hindi si Dr. Clynes ang lulan ng kakaalis na Lamborghini. Kumabog ang dibdib niya nang tumalilis mula sa kotse ang guwapong doktor. Parang hindi siya nakita nang lumapit ito sa kanya upang buksan nito ang likuran ng kotse. Tumabi naman siya. May ipinasok na bag sa compartment ang lalaki. Pagkatapos ay inilabas nito ang kahon ng garlic bread mula sa backseat. Nagulat siya nang lapitan siya nito at iniabot sa kanya ang kahong ng garlic bread. “Do you eat garlic?” seryosong tanong nito. Napalunok siya. “Uh… y-yes,” nautal niyang sagot. “Take this. I didn’t eat that,” sabi nito. Kinuha naman niya ang pagkain. Hindi na siya nakapagpasalamat nang talikuran siya ng lalaki. Pumasok na ito sa kotse. Gumilid naman siya nang magmaniobra ito. Ngali-ngali niyang sampalin ang kanyang sarili. It’s really strange, to feel like an old-fashioned woman. “s**t! What’s happening to you, Ellie? Are you possesses of weak spirit?” kastigo niya sa sarili. “Ugh!”    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD