"Hoy, Enzo!! gising!! Enzooo!!!'
Isang malakas na sampal ang nagpabalik kay Enzo sa reyalidad. Pagbukas nang kanyang mga mata ay bumungad sa kanya ang kanyang Ina at Ama pati ang Ate Angie niya. Bakas sa mga mukha ng mga ito ang labis na takot at pag aalala para sa kanya. Napatayo siya bigla atsaka siya mahigpit na niyakap nang kanyang Mama na nag umpisa nang umiyak.
"Tinakot mo kami anak, buti at nagising ka."
"A-ate pahinging tubig, nauuhaw ako.." Kahit siya ay hindi makapaniwala na nagawa pa niyang magmulat nang kanyang mga mata, ang akala niya ay hindi na siya magigising at doon na lang mamamatay.
Pagkaabot sa kanya ng tubig at kaagad niya itong ininom, humingi pa siya nang dalawang baso at naubos niya lahat 'yon.
"H-hindi niyo po ba narinig na nag alarm 'yung cellphone ko?" kapagkuwan ay tanong niya.
"Kaya nga kami kami nagsitakbuhan dito eh, ang lakas nang alarm pero hindi na nagigising, tapos sumisigaw ka, takot na takot ka na sumisigaw," sabi ng Mama niya.
"Ano ba ang nangyari sayo anak? bakit ka ba binangungot?" Tanong sa kanya nang Papa kya na halatang takot pa din sa nangyari sa kanya.
"Oo nga bunso, ang lakas ng sigaw mo eh, may humahabol ba sayo?" Tanong din nang kanyang Ate.
"M-may halimaw, isang halimaw ang humahabol sa akin, nakakatakot ang itsura niyaa.." Natulala siya habang nagkukuwento sa kanyang pamilya ang naganap sa kanyang panaginip.
"Akala ko nga hindi na ako magigising eh, P-pero Ma, Pa, si Jacob... nandoon siya... ikinulong siya ng halimaw sa panaginip ko.."
"Ibig mong sabihin bunso na 'yung halimaw na 'yon na humahabol sa'yo eh nakasagupa din ni Jacob?" Halos hindi makapaniwala na tanong nang ate Angie niya.
Bahagya lang siyang tumango. Minabuti na muna niyang huwag sabihan ang lahat nang kanyanag napanaginipan upang hindi sila magkaroon nang pagtataka tungkol sa kanyang ginagawa na pagkontrol sa kanyang panaginip.
"Gusto mo ba na itimpla kita nang gatas anak para mahimasmasan ka?"
"Opo Ma, kung okay lang po."
Mabilis naman siya'ng napagtimpa nang gatas nang kanyang Ina. Pinipilit pa siya na magkuwento sa kanya pero pinili niyang hindi magsalita dahil alam naman niya na hindi siya maiintindihan sa sasabihin niya at wala silang alam tungkol dito.
Si Ate Mitch, sa kanya ko sasabihin ang lahat, sa kanya ako hihingi nang tulong para maailabas sa kadiliman si Jacob..
Bago siya matulog ay nagdasal muna siya upang hindi siya bangungutin ulit. Ipinangako din niya kay Jacob na babalikan niya ito at tutulungan siya na makalaya. Buo na din ang desisyon niya na puntahan si Ate Mitch niya para mag sangguni sa kanyang nagiung unang karanasan sa Lucid dream.
"Totoo ba 'yang sinasabi mo Enzo?" Hindi makapaniwala na tanong sa kanya nang Ate ni Jacob.
Pagkatapos nang kanyang klase ay tinungo niya ang Cafeteria na pag aari ng Ate Mitch at isinalaysay nito sa kanya ang lahat ng kanyang napanaginipan noong gabi.
"Opo Ate. Si Jacob, andoon din siya, kaso, hindi ko siya makita eh, parang nakakulong lang siya doon sa madilim na lugar na 'yon."
Bigla naman na nag alala si Mitch sa kinuwento ni Enzo at umupo ito sa harapan ng binata pagkatapos niya itong abutan nang cappucino at isang slice ng cake.
"Mabuti na lang at nagising ka pa Enzo, huwag mo nang uulitin 'yon maliwanag?"
"Hindi pwede Ate Mitch, kailangan ako ni Jacob. Kailangan ko siyang mailabas kung saan man siya ikinulong nang halimaw na 'yon."
Napuno nang pangamba ang mukha ni Mitch na siyang nakita ni Enzo, alam niya na hindi na talaga ito papayag at inaasahan na niya ang sagot mula rito pero desidido talaga siya na bumalik ulit.
"Ate, tulungan mo ako, ayokong araw araw na lang na nakikiusap sa akin si Jacob sa panaginip ko at humihingi ng tulong."
Ginagap niya ang kamay ni Ate Mitch at ikinulong iyon sa kanyang palad atsaka nakikiusap ang kanyang mga mata na tumitig sa kanya.
"Ate Mitch..."
"Pero lubhang delikado Enzo. baka sa pangalawang subok mo tuluyan ka nang hindi makalabas, ayokong matulad ka din kay Jacob."
"Kung pagtutulungan natin Ate, maaring magtagumpay tayo, kaya nga tulungan mo ako."
Binawi nito ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak niya.
"Imposible 'yang naiisip mo Enzo." Umiling ito ng magkakasunod.
"Hindi tayo pwedeng pumasok sa iisang panaginip lang, hindi ako pwedeng pumasok sa panaginip mo, ikaw lang ang maaring mag kontrol nang sayo pati ang emosyon mo."
"Kung gano'n Ate, paano natin matutulungan na makalabas sa kadiliman si Jacob para mathimik na ang kaluluwa niya?"
Matagal na hindi umimik si Mitch, tanging nakatunghay lang siya sa labas na tila malalim ang iniisip.
"May naisip na akong pwedeng paraan," Kapagkuwan ay sabi niya pagkatapos ng sandaling katahimikan.
Napabaling naman sa kanya si Enzo na may kuryosidad at nabuhayan ng pag-asa.
"Talaga? Ano 'yon Ate?"
"Hindi ko naman maaring pasukin kung nasaan si Jacob dahil hindi ko alam ang sinasabi mong lugar, pero maghahanap ako nang paraan para maalis natin siya doon."
"So paano 'yan? ako ulit ang papasok tapos hahanap ka ng way gano'n?"
"Ganito gawin natin, aralin muna natin lahat ng gagawin nating hakbang, kapag papasok ka sa lucid, babantayan kita, ako ang magmamando sayo kapag nakapasok ka na."
Nagkunot naman nang noo si Enzo na hindi niya maintindihan ang sinabi nito.
"Ha? Di ko gets Ate eh, Paano?"
"Haaayy! Akala ko matalino ka? simpleng paliwanag hindi mo makuha tsk,"
Umamsim ang kanyang mukha sa sinabi ni Ate Mitch."
"Eh ang bgulo mo kasing magpaliwanag, liwanagin mo."
"O s'ya tapusin mo muna yang kinakain mo, tapos magpaalm ka sa mga magulang mo na late ka makakauwi para mapag usapan natin. Ihahatid nalang kita mamaya sa bahay n'yo."
"Okay Ate, Salamat dito sa libre ha? Ang sarap." Nakangiti niyang sabi sabay subo nang cake.
Madalang lang siyang ngumiti kaya milagrong matatawag ang nangyari sa sandali na 'yon.
"Huwag mo akong bolahin Enzo, sa susunod may bayad na 'yan."
Kung kanina ay napangiti siya, napatawa naman siya sa tinuran ni Ate Mitch. Magaan kasi ang loob niya dito sa Ate ni Jacob compare sa tunay niyang Ate na si Angie. Maybe dahil marami silang things in common hindi tulad nang Ate Angie niya na puro paganda at K dramas lang ang alam.
"Marunong ka pa lang tumawa no? Napaaka seryoso mo kasi palagi."
"Ayt, Hindi naman ako robot para hindi marunong tumawa no Ate, talagang gano'n lang ako kapag wala sa mood hehe."
"Uhm, o sige, tapusin mo muna 'yan."