Lucid Nightmare

1178 Words
"Hindi ako natatakot sa'yo!!! Umalis ka sa dadaaanan ko!!!!" Buong tapang na sigaw ni Enzo sa harapan nang nakakatakot na itsura ng nilalang na nakaharang sa kanya. Mistula itong isang demonyo, Mahaba ang kanyang mga sungay, kulay pula na naka luwa ang kanyang mga mata na tila nagliliyab, 'yung katawan niya, sobrang laki nang katawan na may mga laman-laman na pumutok tapos puno nang dugo ang kanyang katawan at parang inuuod na puno ng balahibo ang kanyang katawan. Nakakadiri na nakakakilabot ang kanyang itsura. "K-kung akala mo m-madadaig mo ako, hindi ka magtatagumpay!! Hindi ako takot sayo!!!" "HINDI KA NA MAKAKALABAS DITOO!!" Anang isang malaking tinig na nang galing sa kung saan. Mas lalong nangilabot si Enzo nang marinig ang boses nito, napaka lamig no'n na parang nanggaling sa ilalim ng lupa ang nag sasalita at umaalingangaw sa kanyang pandinig. "MAGIGING TULAD KA DIN NILA!! DITO KA NA MAMAMAT*YYYYY!!" Walang anu ano ay may inilabas ang lalaking nakakatakot nang isang napaka laking kalawit nang katulad nang kay Kamat*yan, buong lakas niyang inihampas iyon kay Enzo pero naka ilag ang binata. "Enzo!! tumakbo ka na Bilisss!!!" Sigaw nang kanyang kaibigan na si Jacob na tila nasa paligid lang at nanonood sa kanilang dalawa. Pinakinggan naman ni Enzo ang kanyang kaibigan. Buong bilis siyang tumakbo kasabay noon ay paghabol sa kanya ng halimaw. "Jacob nasaan ka ba? pupuntahan kita, tutulungan kitang makawala sa kadiliman..." "Huwag mo muna akong alalahanin Enzo, basta iligtas mo muna ang sarili mo, tumakbo ka pa.. huwag kang magpapahuli sa kanya.." "SIGEEE!!! TUMAKBO KA PA HAHAHAHAHA!!! HINDI KA MAKAKAWALA HAHAHA!!!" "Saan mo dinala ang kaibigan ko?! ikaw ang dahilan kaya siya namatay?! pakawalan mo ang kaibigan ko!! pakawalan mo si Jacobb!!!" sigaw pa din niya habang tumatakbo at ang halimaw ay naka sunod pa din sa kanya na hinahampas ang kalawit na hawak upang mapatay siya. "IKAW ANG ISUSUNOD KO BATAAA!! MAGSASAMA NA KAYONG DALAWAAAA!!!" "Hindi mo ako mapapatay!! Ililigtas ko ang kaibigan ko!! Ikaw ang mamamatay demonyo ka!!!" "Magfocus ka sa emosyon mo Enzo, huwag kang padaig sa kanya, huwag mong hayaan na magaya ka sa akin.." Wika ni Jacob. "HUWAG KA NANG MAGTANGKA BATA!! LAHAT NANG NAKAKAPUNTA SA LUGAR KO AY WALANG NAKALABAS NG BUHAY!! MAGIGING ISA KA SA KANILAAA!!!" Wala siyang kapaguran na tumakbo sa gitna ng kadiliman upang makawala sa nakakatakot na nilalang na hiumahabol sa kanya. Lakad takbo ang kanyang ginawa at kahit nagka paltos paltos na ang kanyang mga paa ay hindi siya tumitigil sa pagtakbo. Sa gitna ng pagtakbo ni Enzo ay may natapakan siya na isang matigas na bagay sa kanyang dinaanan, Isa itong kapirasong buto ng tuhod ng isang tao na naging dahilan iyon nang kanyang pagtalisod, natumba siya at na sprain ang kanyang paa kaya hindi niya nagawang makatayo. "AHHHH!!! ANG SAKKIIITTT!!!" malakas na hiyaw ni Enzo atsaka hinawakan ang kanyang paa na nasaktan at nang mahawakan niya iyon ay nakita niya ang dugo na umaagos dito. "Tumayo ka Enzo, huwag mong hayaan na abutan ka niya, tumakas ka na bilisss!!" "Pero Jacob.. ang sakiiit, may sprain ang paa ko.. may sugat, ang lalim nang sugattt, Ahhhh!!" Napangiwi siya nang tinangka niyang igalaw ang kanyang binti at pinilit tumayo. "Bakit ba niya ginagawa ito Jacob? Ano ba'ng dahilan?" Nag umpisa na siyang lukuban ng takot sapagkat nakikita na niya ang halimaw na papalapit sa kinaroroonan niya, naka lutang lang ito sa hangin habang papalapit sa kanya. "Dahil gusto niya ang buhay na walang hanggan at kapangyarihan, Gusto niya na siya ang maghari at mabuhay siya ng walang hanggan." "Paano matatapos ito? alam mo ba kung paano?" "HIndi ko alam Enzo, basta ang gawin mo sa ngayon ay ang tumakas sa kanya, huwag mo muna akong tulungan, kaya ko pa, basta isipin mo muna ang sarili mo." "Pero paano? andiyan na siya, malapit na niya akong makuha." Napapikit na si Enzo sa sobrang takot, inihanda na niya ang kanyang sarili na sa anumang oras ay maaari na siyang mapatay nang halimaw na ito. "Kontrolin mo ang isipan mo, isipin mo na mawawala 'yang sugat mo, bilisan mo bago pa mahuli ang lahattt!!! " Pumikit si Enzo, pinakinggan niya si Jacob, inalis niya sa kanyang isipan ang halimaw na humahabol sa kanya at inisip na mawawala ang kanyang sugat. Unti unti ay naramdaman niya na nawawala ang kirot ng kanyang paa, at nang kapain niya ito ay nawala ang kanyang sugat na parang bula, nagawa na din niyang magalaw ang kanyang paa. "J-jacob, totoo nga! nawala na ang sugat ko, magaling na ang paa ko!!!" natutuwa niyang sabi sa kaibigan. "Bilisan mo na Enzo malapit na siya, tumakbo ka na sa abot ng makakaya mo!! bilis na!!! huwag mong hayaan na mahuli ka niya!! Bilisan mo!!!" Akma nang tatayo si Enzo para sana tumakbo pero huli na ang lahat, dahil nasa harapan na niya ang halimaw. "AT SAAN MO BALAK PUMUNTA BATA??? HAHAHAHAHA!! MAMAMAT*Y KA NAA!!!" Napaurong si Enzo sa kanyang kinatatayuan, biglang nanginig ang kanyang buong katawan, mas lalo siyang natakot at tila masusuka nang mapagmasdan niya ng malapitan ang halimaw. "H-hindi!! Hindi mo ako mapapatay!!!" Pilit at matapang niyang sabi upang itago ang takot niya. "Kontrolin mo ang isip mo Enzo, tulungan mo ang sarili mo! panaginip mo ito, magagawa mong makatakas sa kanya!" Bakas din ang takot sa boses ni Jacob habang sinasabi niya iyon sa kaibigan, tila ito ang magsisilbi niyang gabay sa panaginip niyang iyon. "T-tatakas ako dito!!! makakalabas ako dito!!!" Mabilis na tumalikod si Enzo at saka na ulit siya tumakbo, ngunit hindi pa siya nakakalayo nang.. "AHHHHHHH!!!! ARRRAAAYYYYYY!!!!" "Enzo!!!!" Isang matalim na bagay ang naramdaman niyang dumampi sa kanyang balikat kasabay noon ay ang pagkirot nang kanyang katawan at ang pagdaloy ng kanyang dugo at ang mabilis na pagpatak nito sa lupa, Nang makapa niya ito ay may malaki siyang hiwa sa kanyang balikat. "WAHAHAHAHAHAHA!!! AKO PA DIN ANG MAGTATAGUMPAYYY!!!" sabi nang nakakatakot na nilalang. nakakakilabot na umaalingawngaw ang mga halakhak niyang iyon. "H-hindi!! Hindi maariii!!" Unti unti siyang pinanghinaan nang tuhod hanggang sa napaupo siya sa lupa habang hawak niya ang kanyang kumikirot na sugat sa balikat na walang humpay sa pagdaloy ng dugo. "Anong kailangan mo sa akin? b-bakit mo ako gustong patayin??" matatag na sigaw ni Enzo sa halimaw. "DAHIL KAILANGAN KO ANG BUHAY MO!! AKIN LANG ANG BUHAY MOOO," "Enzo, magfocus ka sa panaginip mo kaibigan, magagawa mong makatakas sa kanya, kontrolin mo ang isipan mo!! bilisan mo bago ka pa niya makuha at mapat*y!" "P-pero paano Jacob?" nararamdaman na niya ang panghihina at anumang oraas ay maaari na siyang malagutan ng hininga. "Ang emosyon mo, pigilan mo ang takot, alisin mo a isip mo na nandiyan siya sa panaginip mo," Nagsimula nang gawin ni Enzo ang sinabi ng kanyang kaibigan, nang biglang sumigaw ang halimaw. "TAPOS KA NA BATA!!! HANGGANG DITO KA NA LANGGG!!!" Nakita ni Enzo kung paano inangat nang halimaw ang kalawit na hawak nito, kumislap pa ito sa ere at saka buong lakas na ihahataw ito sa kanya. "HINDDEEEEEEE!!!!" malakas na sigaw ni Enzo at balak na isalag ang kanyang kamay. "HINDEEEEEE!!!!! HUWWWAAAAAGGGGGGGGGG!!!!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD