Entering Lucid

1443 Words
Dalawang linggo ang mabilis na lumipas. Nailibing na din si Jacob ngunit araw araw ay napapanaginipan pa din siya ni Enzo. Walang palya siya nitong okupado ng kanyang panaginip. Isang panaginip kung saan iisa lang ang pangyayari at nasa iisang lugar lang siya nang paulit ulit. Nasa isang madilim na lugar daw siya, tapos nanghihingi siya ng tulong, gusto niyang makawala sa lugar na 'yon pero sa tuwing magtatangka si Enzo lapitan siya ay bigla na lang siyang naglalaho na parang bula. "Hey Enzo, nasa school ka naman pala." Lumapit sa kanya si Luigi at humahangos na tumayo sa kanyang harapan. Awtomatiko na napa arko ang kanyang kilay. "Bakit? nasa library lang ako kanina, may problema ba?" Nagsimula na siyang maglakad at patungo siya sa may lawn ng campus ng sumabay din maglakad sa kanya ang kaibigan. "Wala lang, tinatanong ka kasi ni Mrs. David eh, hindi ka kasi pumasok sa klase niya kanina." "Sinadya ko talaga na mag cut sa subject niya, may nireresearch kasi ako," wika niya. Naupo sila sa may ilalim ng punong mangga at sumalampak sila doon. "Ano namang nireresearch mo?" tanong ni Luigi. "Cause of death ni Jacob." Dagling napatingin sa kanya si Luigi na may agam agam sa mukha,kapagkuwan ay bumalanghit ito ng tawa. "Anong nakakatawa?" Iritable niya'ng tanong dito. "Eh ikaw kasi, nakakatawa ka, Hahahaha!" Pinakalma nito ang sarili at hininto muna ang pagtawa saka kaswal na humarap kay Enzo. "Kailan ka pa naging investigator aber? naku Bro, ikaw din, baka sa kaka research mo ma tegi ka Hahahaha!" "Do you know about Lucid dream?" walang anu ano ay natanong niya sa lalaki na patuloy pa din ang pagtawa. napahinto naman sa pagtawa si Luigi at may pagtataka na tumingin sa kanya. "Bakit? 'yon 'yung papasok ka sa isang panaginip na kontrolado mo ang lahat ng pangyayari at mga tao na gusto mo'ng makasalamuha tama ba?" "Yep, exactly." "Anong meron? don't tell me gagawin mo 'yon?" "Bakit hindi? papasok ako sa Lucid and then kokontrolin ko ang mind ko at hahanapin si Jacob. That would make it easy for me na malaman ang cause of death niya," Puno ng determinasyon na wika niya kay Luigi. Si Luigi naman ay kinabakasan ng takot at pag aalangan sa gustong gawin ng kaibigan. Napa-iling siya na 'yung mga mata niya ay namimilog. "B-baliw ka na ba? hindi ba sabi ng ate ni Jacob, maari mong ikamatay 'yan? kaya nga nawala si Jacob right?" Tinawanan lang niya ang lalaki na hanggang ngayon ay takot pa din. "And to think Enzo na gagawin mo 'yana para lang hanapin ang isang tao na patay na? WTF!" "Hey, huwag ka nga'ng OA, safe naman ang Lucid dreaming ano ka ba, just that you are aware that you're dreaming and you can control your emotions." Sigurado niya'ng sabi. "Bahala ka nga! Kaya nga ayoko maging matalino dahil kung ano ano na lang ang pumapasok sa utak eh," Dinampot niya ang kanyang bag at humarap kay Enzo. "Diyan ka na nga, maiwan na kita. Basta ako pinaalalahanan kita Bro, matigas din ang ulo mo, basta make sure na magigising ka pag napasok ka doon." Malalaki ang hakbang na naglakad si Luigi na papalayo sa kanyang kinaroroonan. Ramdam ni Enzo na ayaw ng kanyang kaibigan na si Luigi na ituloy niya ang kanyang ibinabalak, ngunit para sa ikatatahimik ng kaluluwa ni Jacob at matulungan na makawala ito ay susubukan niya, at sana sa pagsubok iyang iyon ay makagawa pa niyang makabalik sa reyalidad. Pagkadating sa bahay ni Enzo ay kaagad siyang naglinis ng kanyang katawan. Sinabihan din niya ang kanyang ina na mauna na siyang kakain ng hapunan dahil may tatapusin siyang project at huwag na siyang istorbohin kapag nakaakyat na siya sa kanyang kwarto. Lahat ng iyon ay pawang kasinungalingan lang niya dahil ngayon ang araw na tatangkain niyang mag Lucid dreaming para matapos na ang pagpapakita sa kanya ni Jacob sa panaginip. Minadali ni Enzo ang kanyang pagkain at mabilis na nagtungo sa kanyang silid. Hindi niya muna ikinandado ang pinto sapagkat kung sakali man na hindi niya magawang makagising ay may tao na papasok sa kanyang kwarto para gisingin siya. Nakasaad kasi sa isang impormasyon na kapag na stuck up ka sa lucid dreaming or hindi ka kaagad nagising sa exact time na dapat ay magising ka na ay walang risk to cause it from death or not to wake up basta aware ka lang sa nangyayari sa paligid mo as long na nakakaya mo pa din na macontrol ang emotions at nasa paligid mo at nasa focus ka pa din hanggang sa may gumising sayo. Nagdasal muna siya bilang paghahanda, taimtim siyang nagdasal at humingi ng gabay sa kanyang gagawin. pagkatapos niyang magdasal ay binasa niya ulit ang step by step at sinigurado niya na magiging tama ang lahat ng proseso. Dalawang linggo din niya'ng inaral muna ang lahat patungkol dito kaya confident siya na magagawa nang tama ang kanyang lucid dreaming. Tulad ng naka indika sa talaan, nag alarm muna siya ng 90 mins sa kanyang cellphone at ni high volume iyon. Ang alarm ang s'yang magiging indikasyon na kailangan na niyang magising at lumabas sa lucid dreaming para bumalik sa reyalidad. Pumwesto na siya at nahiga ng tuwid sa may kama. Nilagay niya sa kanyang mga gilid ang mga kamay at tuwid na tuwid ang kanyang pagkakahiga. Tapos ay ipinikit na niya ang kanyang mga mata at nagsimula na siyang mag concentrate. Habang nasa loob siya ng kanyang concentration ay iniisip niya na makakapunta siya sa isang lugar na madilim, 'yun ang lugar kung saan niya nakikita si Jacob na naupo lang at malungkot ang kanyang mukha. Narinig ni Enzo na nagsasalita ang kanyang Ina sa ibaba pro hindi niya iyon pinansin, basta ang inisip lang niya ay ang makapasok siya sa panaginip. Hanggang sa biglang nagmulat ng kanyang mga mata si Enzo. Pagmulat ng kanyang mga mata ay puro dilim ang kanyang nakikita. Pesteng 'yan, kung kailan may ginagawa ako doon pa nag brown out sa isip niya. Akma na siyang tatayo upang kumuha sana ng flashlight nang mapansin niya na hindi niya magalaw ang kanyang katawan, para siyang nasa ilalim ng sleep paralysis. SInubukan niyang gumalaw ulit, hindi talaga siya makagalaw, nang iginala niya ang kanyang paningin, naging malinaw sa kanya ang lahat. Nasa lucid dreams na s'ya, at ang lugar kung nasaan siya ngayon ay ang lugar kung saan niya nakikita si Jacob. Nagsimula na siyang magfocus sa kanyang panaginip. Sinimulan na niyang hanapin ang tao na kanyang pakay para pumasok sa Lucid. Madilim ang kanyang dinadaanan kaya nahihirapan siya sa kanyang paglalakad. Walang anumang liwanag ang kanyang nakikita, may panaka naka na mga salita ang kanyang naririnig na tila nanggaling sa kailaliman ng lupa pero hindi niya iyon alintana. Nararamdaman man niya ang takot pero inililihis niya iyon sapagkat alam niya na may kakayahan siya na kontrolin ang maaring maganap. Inisip niya na makakahanap siya ng Flashlight. Sa gitna ng paglalakad niya sa kadiliman ay bigla siyang natalisod, kasabay noon ay may nakapa siyang isang malaking bagay na matigas, nang hawakan niya ito ay isa itong flash light. Binuksan niya agad iyon at nagkaroon ng liwanag sa kanyang daraanan. Naging madali sa kanya na tahakin ang daan kahit na madilim dahil sa liwanag ng flashlight, walang humpay na paglakad. Bumungad sa kanyang mga mata sa kanyang dinaraanan ang mga nagkalat na bungo ng tao, napaka dami at umaalingasaw ang napaka baho na amoy. May nakikita din siya na mga tao na nag sisi iyakan. Iyon siguro ang mga tao na hindi din nakalabas sa lucid sabi ng isip niya. Napaisip siya na sa kabila ng layo ng kanyang nilalakad ay hindi siya nakakaramdam ng pagka hapo o pagka uhaw man lang. Hanggang sa kalagitnaan ng kadiliman ay may narinig siyang isang boses na tumatawag sa kanya. Isang boses na napaka pamilyar sa kanya. "Enzo!" tawag sa kanya ng lalaki, ang boses na iyon ay tila nanggaling sa pinaka ilalim nang lupa at napaka lamig. Lumingon lingon si Enzo sa kanyang paligid ngunit wala siyang makita. "Enzo andito ako!" sigaw ulit nito. "Jacob ikaw ba 'yan? Nasaan ka ba? magpakita ka!" "Andito ako Enzo, tulungan mo ako!" Sinundan niya kung saan nanggaling ang boses na iyon, ang tawag nang kanyang kaibigan ang nagsilibing kanyang gabay para matuntton ito, hanggang sa... "AAAHHHHHHH!!!!" Napasigaw ng malakas si Enzo nang bumungad sa kanya ang isang lalaki na napaka laki, mukha itong halimaw at nagliliyab ang kanyang mga mata. Nabalot nang takot ang kanyang dibdib ngunit alam niya sa sarili niya na panaginip lang niya iyon kaya hindi dapat siya padaig sa takot. "S-sino ka?! Umalis ka diyan sa harapan ko!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD