What is Lucid dream?

1110 Words
"Sasama ka ba mamaya?" Ang tinutukoy ni Maxx ay ang lamay ni Jacob. Pang third day na niyang wala ngayon at three days ko na din siyang napapanaginipan. "Anong oras ba?" kaswal niyang tanong. "Right after the dismissal, magtitipon tipon tayo du'n sa oval, tas kapag kumpleto na saka na tayo aalis." "Nag ambag ambagan na ba para sa abuloy niya?" "Nag iikot na sina Yngrid, baka mamaya lang okay na 'yon, ano sasama ka ba?" "Mauna na kayo, Pupunta naman din kami nina Mama mamayang gabi." Pagkatapos ng dismissal ay kaagad nang lumabas sa campus si Enzo. Nadaanan niya ang kanyang mga kaklase na nagkukumpulan sa may Oval, tinawag pa siya ng mga ito at tanging tango lang iginawad nito sa kanila. Pagdating niya sa bahay ay kaagad na siyang naligo, habang hinihintay niya ang ktawag ng kanyang Mama para pumunta sa lamay ni Jacob ay humarap muna siya sa kanyang laptop at gaya ng dati, nag research siya ulit tungkol sa dahilan ng pagkasawi ni Jacob. Mabilis niyang itinype sa search bar ang kanyang pakay at bumungad sa kanyang mga mata ang napaka dami'ng impormasyon. Kailangan maisa isa ko ang mga dapat at tamang gawin para hindi ako magkamali, kailangan ko'ng makasiguro kung ano ang nangyari kay Jacob at kung bakit siya hindi na nagising. Lucid dream - A lucid dream is a type of dream where the dreamer becomes aware that they are dreaming. During a lucid dream, the dreamer may gain some amount of control over the dream characters, narrative, or environment; however, this is not actually necessary for a dream to be described as lucid. Lucid dream has also the potential to help people with phobias. Kabilang sa mga phobias na ito ay mga fear of heights, takot sa paglipad at takot sa gagamba. Ano nga ba ang Lucid dream? Kung tayo ay matutulog , nakakapunta tayo sa ibang mundo, o lugar, o maaring maging ibang tao tayo or nasa ibang katauhan tayo. Ito ang tinatawag na panaginip. Sinasabi na mayroon tayong walong klase na panaginip. Nariyan ang tinatawag na day dream kung saan nagagawa natin ito habang gising tayo. Ito ang pangyayari na alam ng isang tao na nanaginip siya. Habang nagyayari ang ganitong panginip, maaring makontrol na tao ang sarili niyang panaginip.Ang Nightmares o ang bangungot,reccuring dreams o ang panaginip natin na paulit-ulit. Ang healing dreams o ang panaginip na patungkol sa kalusugan ng isang tao , Prophetic Dreams o ang panaginip maaring mangyari , signal dreams o isang babala , epic dream na kung saan hindi madaling kalimutan na panaginip at ang huli na Lucid Dreaming na kung saan alam natin na nanaginip tayo habang tayo ay nasa loob ng panaginip. Marami din ang naeengganyo na gawin ang Lucid dream dahil sa isipin na maraming maari kang makagawa ng mga kaakit akit na bagay na maari mong gawin sa imahinasyon mo na maari mong maisabuhay at maengganyong maranasan sa virtual reality. Ito ay isang uri ng malikhaing aktibidad kung saan pupunta ka sa isang pakikipagsapalaran o tuklasin ang iyong mga pangarap at nakikipag-ugnayan sa mga tao at bagay sa mga paraan na maaaring hindi magagawa sa totoong buhay. Tunay nga naman na interesante at kaakit akit na gawin. Ito siguro ang dahilan kaya sinubok ni Jacob ang pasukin ang ganitong bagay.. Lalong nagkaroon nang curiousity si Enzo sa kanyang nabasa kaya ipinangpatuloy niya ang kanyang pananaliksik at humanap pa ng ibang sites na maaring magpadagdag ng kanyang kaalaman. Napahinto sa pag surf sa internet si Enzo ng mapukaw ng atensiyon niya ang isang impormasyon. Risk and concerns of entering in Lucid dreaming is that you may get stuck or difficult to wake up which lead to nightmares if you are not aware that you are in a Lucid dream which may cause you from death. "Enzooo! Baba ka na diyan anak aalis na tayo," Naging interesante na sana lahat para kay Enzo ang ginagawa niyang pananaliksik na 'yon ngunit naudlot dahil sa sigaw ng kanyang Ina. "Sandali lang Ma, magliligpit lang po ako." Ini save ni Enzo sa bookmarks ng chrome ang tungkol sa lucid dreams bago itinuklip ang kanyang laptop. Magagawa din kita one of this days... Pagpasok nila sa kapilya kung saan nakalagak ang mga labi Jacob ay nandoon pa din ang kanyang mga kaklase. Bago siya nagtungo sa umpukan ng mga kaklase niya ay lumapit muna siya sa kabaong ni Jacob at sinilip ang katawan ng kanyang kaibigan. Banaag ni Enzo sa mukha ng kanyang kaibigan ang lungkot, tila iba din ang hulma ng mukha niya ngunit ang itsura nito ngayon ay siyang itsura niya noong nagpakita ito sa kanya noong isang araw na naglalakad siya sa pasilyo ng building papunta sa library. "Astig ka talaga Dude." Biglang bumagsak ang luha ni Enzo pagkakita sa kanyang kaibigan. "Dahil sa kahiligan mo sa adventures 'yan tuloy, hindi ka na nagising. Ang tigas talaga ng ulo mo," garalgal ang kanyang boses habang inuusal ang mga salita na 'yon. "Alam ko na may nais kang ipahiwatig sa akin kaya mo 'ko araw araw dinadalaw, 'yon din ang dahilan kaya ka nagpakita sa akin nung isang araw hindi ba?" Pinunasan niya ang kanyang luha na sumungaw sa kanyang mga mata at saka nagpakawala ng mahinang pagtawa. "Huwag kang mag alala, papasok din ako doon. Alam ko gusto mo din maranasan ko 'yon, hahanapin kita pag nakapasok ako Dude, pero sa ngayon, magpahinga ka na." Hinaplos muna niya ang salamin ng kabaong ng kaibigan bago napagpasyahan na umupo sa umpukan ng mga kaklase pero may kanya kanyang diskusyunan ang mga ito. Napansin niya na ando'n din ang ate ni Jacob sa umpukan nila at naupo siya sa tabi nito. "Our condolences Ate Mitch," Tumango lang si si Ate Mitch sa kanya atsaka niya napansin ang mga luha sa mata nito. "Sa katigasan ng ulo ng bestfriend mo, ayan, nakahiga siya tuloy diyan." Nagulat si Enzo sa tinuran ng Ate ni Jacob, hindi niya akalain na may alam ito sa ginawa ng kaibigan. "Ano bang nangyari Ate bakit bigla ang pagkawala niya?" "Based sa findings ng Doctor, Cardiact arrest ang dahilan ng pagkamatay niya, pero hindi ako kumbinsido doon." Gumawi ang kanyang mga mata sa lugar kung saan nakalagak ang kabaong ni Jacob, parang buhay na tao lang siya na pagmasdan ang kanyang kapatid na noon ay nahiga na sa loob ng puting kahon na napaliligiran ng mga bulaklak at mga ilaw. "Sabi ko sa kanya na huwag siyang pumasok sa Lucid dreaming nang hindi siya handa at wala siyang sapat na kaalaman." Ngayon, kumpirmado na niya, may alam nga ito tungkol sa laman ng utak niya ngayon. "A-ate Mitch? Alam mo ang tungkol doon?" Tumango ito sa kanya. "Ako ang unang gumawa no'n, pero nasa tamang proseso ang sa akin at pinaghandaan ko kaya nagising ulit ako, pero siya...." "Anong nangyari Ate?" Napalunok ng laway si Enzo at pinagpawisan ng marinig ang sinabi ni Mitch. Mas lalo siyang nagkaroon ng kuryosidad na gawin iyon lalo pa at naranasan na din pala ng babaeng kaharap ang mag lucid dreaming. "Hindi niya ako sinabihan na gagawin niya ang bagay na 'yan, sabi ko sa kanya huwag niyang gawin nang isang subok lang, mahirap lalo pa at wala kang konsentrasyon. Ang mahirap, hindi siya nag alarm, hindi niya nagawang makawala sa panaginip niya." "P-pano kung gusto ko din makapasok Ate? posible kaya?" Napatitig sa kanya si Ate Mitch. Matagal ang pagtitig niyang iyon at tila hindi sang ayon sa kanyang sinabi. "Gusto mong matulad kay Jacob? Huwag mo nang tangkain pa Enzo, baka magaya ka din sa kanya." "Pero Ate diba ikaw na ang nagsabi na kap---" "Huwag mong ipilit ang sa'yo, may naghihintay sa'yo na nakapahamakan once na sumubok ka. May proseso bago ka magtagumpay na makapasok dito, at kapag hindi ka aware maaaring ikasawi mo... katulad ng nangyari kay Jacob..." Sabay silang napatingin sa puting kabaong ng kanyang kaibigan, napayuko kapagkuwan si Ate Mitch. "Dapat hindi ko na sinabi sa kanya ang karanasan ko sa pagpasok sa Lucid, kasalanan ko eh, Ipinahamak ko si Jacob.." Isinubsob nito ang kanyang mukha sa kanyang palad atsaka buong hinagpis na umiyak. "Ako ang nagpamulat sa kanya dito kahit alam ko na gagawin ng kapatid ko ito, namatay siya dahil sa akin.." Hinagod niya ang likod ng dalaga atsaka sinibukan na payapain ang loob. "Matagal ng alam ni Jacob ang tungkol diyan Ate." Naangat ang mukha ni Mitch at tumingin sa kanya. "Taon na din nang gusto niya'ng sumubok na pumasok ngunit hindi siya nagtangka dahil sa posibilidad nga na ganitong mawawala siya at di na magising. Nataon lang siguro na nauna mong ginawa 'yan tapos ay nagtagumpay ka kaya nabuhay ulit ang kanyang kuryosidad." Pinunasan ni Mitch ang kanyang luha at tila na relief siya sa sinabi ni Enzo. "Totoo ba 'yan Enzo?" Paniniyak niya. "Opo Ate, kaya huwag mong sisihin ang sarili mo okay?" "Sana nga Enzo, dahil habang buhay kong dadalhin ito kung sakaling ako man ang dahilan." "Hindi 'yan Te, ako din nga susubok na pumasok sa Lucid, magbabaka sakali ako na mahahanap ko siya para malaman kung anong tunay na nangyari sa kanya." Biglang rumehistro ang pag aalala sa mukha ni Mitch at saka niya hinawakan nag kamay ni Enzo. "Mag iingat na Enzo kung gagawin mo 'yon, pero pakiusap, pag aralan mo muna'ng mabuti ang lahat bago mo subukan,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD