
Isang hidwaan ang nabuo sa pagitan ng mga bampira at ng mga salamangkero dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari. Matagal na panahon na ang nakalipas mula nang mangyari ito, at matagal na ring inakala ng mga bampira na naubos na nila ang kanilang mga kalaban.
Ngunit isang tao ang makikilala ng karamihan dahil sa tunay niyang pagkatao. Isang taong pilit na itinago ng kaniyang angkan dahil sa banta ng mga bampira. Isang taong may kakayahan na baguhin ang kaniyang kapalaran.
Ngunit isang pangyagari sa kaniyang buhay ang magpapabago sa kaniyang pananaw. Isang pangyayaring hindi inaasahan at hindi sinasadya na siyang nagbigay panganib sa kaniyang buhay.
