Sa kwarto nga ako nagtulog ng kambal dahil hindi nila ako tinigilan sa pangungulit. Napangiti ako nang marinig ang mga hilik nila sa aking tabi. Narito kami sa iisang kama magkatabi. Sobrang laki naman kasi ng kama ng mga bata kaya nagkasya kaming tatlo.
Nasa gitna nila ako’t parehong nakasandal sa akin kaya dahan-dahan kong inalis ang kanilang brasong nakasandal sa aking katawan. Sabay silang tumalikod kaya napahinga ako ng maluwag. Tiningnan ko ang orasan sa lamesa’t mag-a-alas singko pa lang pala. Kaagad akong nag-ayos ng aking sarili para bumaba at maghain almusal nila. Hindi pa kami nagkakausap ni Ivo tungkol sa trabaho kaya gusto ko sanang kausapin siya.
Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan, wala pang katao-tao ang bahay kaya nagtataka ako. Hindi ba dapat maagang nagigising ang kasambahay para maghain ng almusal? Bakit hindi pa sila nagigising?
Nang makapasok ako sa kusina ay agad akong naghanap ng lulutuin. Binuksan ko ang refrigerator at bumungad sa akin ang sandamakmak na mga pagkain sa loob. Namamangha ko itong tiningnan, halos punong-puno at kompleto ang nasa loob ng malaking refrigerator. Samantalang kami sa bahay ay minsan pa’y nauubusan ng stock sa ref. Iba rin talaga ang mayayaman halos nasa kanila na ang lahat.
“Ehem…”
Nagitla ako ng may marinig akong tumikhim, agad akong napalingon sa aking likuran at nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Ivo. Napalunok ako ng mariin dahil sa ayos niya ngayon. Naka-top less lamang ito at naka-shorts. Naalala ko na naman tuloy ang narinig ko kagabi. Halos hindi nga ako makatulog dahil sa pangyayaring iyon. Nag-iwas ako ng tingin at imbis na pagkain ang aking kinuha ay isang pitsel na may lamang tubig. Kumuha ako ng baso at mabilis itong sinalinan ng tubig. Agad na nilagok iyon at napahinga ng malalim.
“Calm down, Gianna! Nakakahiya ka!” bulong ko sa aking sarili.
“Mukhang maaga ka ngayon ah. Anong ginagawa mo rito sa loob ng mansiyon?” tanong niya sa akin. Agad akong napalingon sa kaniya at nagpaliwanag.
“Kinukulit kasi ako ng mga bata na sa kanila matulog. Hindi rin kasi sila sanay na walang katabi. Wala naman akong magawa baka kasi magtampo sila sa akin,” paliwanag ko. Nakayuko lamang ako sa kaniya at hindi siya tinitingnan. Ayaw kong tingnan ang kaniyang hubad na katawan dahil naalala ko lang ang narinig ko kagabi.
“At gusto mo naman?” tanong nito sa akin. Oo gusto ko, hindi rin ako sanay na wala sa tabi ko ang mga anak ko. Iniba ko agad ang topic at tiningnan siya.
“Magluluto pala ako ng almusal sa kambal, ikaw? Gusto mo ng kape?” tanong ko sa kaniya. Kaagad siyang umupo sa silya’t nakaharap sa akin. Tinitigan niya ako kaya nakaramdam ako ng pagkailang.
“Coffee, please,” malamig na saad nito at umiwas ng tingin. Tumango ako sa kaniya at gumawa ng kape. Hindi naman sa pagmamayabang, masarap akong gumawa ng kape, ilang taon din akong nagtra-trabaho sa isang coffee shop at naging manager na rin kaya natutunan ko rin ang secret formula ng paggawa ng iba’t-ibang inumin lalong lalo na ang kape. Base rin sa kaniyang personalidad at isa siyang negosyante, alam ko na kung ano ang mga tipo niyang kape.
Nang matapos akong magtimpla ay agad ko itong binigay sa kaniya. Ngumisi lamang siya sa akin nang mapatingin sa basong binigay ko.
“Paano mo nalamang ito ang gusto ko?” tanong niya sa akin.
Dark coffee kasi ang binigay ko sa kaniya.
“Iyan kasi ang palaging iniinom ng mga negosyante kong costumer kaya iyan ang naisipan kong timpalhin.”
“You really are observant,” saad niya at ininom ang aking tinimpla. Naghintay naman ako ng papuri ngunit blanko lamang ang kaniyang mukha. Hindi ko na siya pinansin at inayos na ang aking lulutuin. Minsan nga, nakakalimutan ko pa kung anong kukunin ko dahil sa sobrang pagkailang. Alam ko kasing pinapanuod niya ako.
“Kumusta ka naman, Gianna? Wala na ba kayo ng lalaking ipinagpalit mo sa akin?” tanong niya kaya agad akong napalingon sa kaniya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. Napanganga ako dahil sa sinabi niya.
What is he saying? Lalaki? Wala akong lalaki.
Napahinga ako ng malalim at umiling.
“Okay naman ako, kinakaya kahit mahirap magpalaki ng kambal. Sa awa ng Diyos ay nakakakain naman kami ng tatlo’t mahigit sa isang araw. AT WALA AKONG LALAKI, ano bang pinagsasabi mo riyan, Mr. Vontobel?” madiin kong tanong sa kaniya.
Mahina itong tumawa kaya napakunot ang aking noo. Hindi ba siya naniniwala sa akin?
“Ms. Falcon, may mga ebedensiya akong nakita noon kaya wala kang kawala. Oh, nevermind ano pa bang mapapala ko sa isang babaeng katulad mo?” tanong niya sa akin. Medyo nainis ako sa sinabi niya, eh sa wala nga akong lalaki eh. Nahihibang na ba siya? Ano naman ang pakialam niya? Siya nga’y may asawa na eh.
“Mr. Vontobel, kung may lalaki man ako ay wala ka nang pakialam doon. You have your wife beside you, siya na lang ang pagtuunan mo ng pansin, hindi iyong nangingialam ka ng ibang buhay ng tao.” Nakakainis na kasi siya, nang-i-insulto na naman.
“Oh, right! Kaya pala nakita kitang sumisilip sa labas ng kwarto namin ng asawa ko kagabi. Alam mo ba kung anong ginagawa namin, Ms. Falcon?” tanong niya sa akin. Nagulat ako’t natulos sa sinabi niya. Paano niya nalaman? Oh God! Nakakahiya! Baka sabihin niyang nag-e-eavesdrop ako sa kanilang mag-asawa.
“W-What? Paano mo nalaman iyon? H-Hindi ko naman s-sinasadyang m-marinig iyong kalahayan niyo. Bakit kasi ang lakas-lakas niyong s-sumigaw? B-Baka marinig iyon ng mga anak ko! Mag-ingat n-naman kayo!” saad ko sa kaniya. Utal-utal pa akong nagsalita kaya napakuyom ako ng kamao.
“Maraming C.C.T.V. dito sa bahay, Ms. Falcon at ako lang ang nakaka-access noon. Kaya watch your move, lahat ng ginagawa mo nakikita ko. Kung may balak kang masama sa loob ng bahay ay nakikita ko rin,” saad niya sa akin.
“Anong tingin mo sa akin? Kawatan? Wala akong gagawing masama rito sa bahay, huwag kang mag-alala. Pasensiya na’t narinig ko pa kayong ginagawa iyon! Naligaw kasi ako, sa laki ba naman ng mansiyon niyo. Hindi ko tuloy mahanap-hanap ang kwarto ng kambal,” paliwanag ko pa.
“Sabi mo eh,” ngisi niyang saad sa akin at hinigop ang kaniyang kape. Hindi na lang ako nagsalita at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Magluluto ako ng sinangag, tocino, hotdog at egg. Mas mabuting hindi ko siya papansinin, hindi ako matatapos dito kapag pinatulan ko pa siya.
“Ano bang niluluto mo?” tanong niya sa akin. Wala akong imik na naghiwa ng sibuyas at bawang. Bahala siya riyan. Rinig ko ang paghinga niya ng malalim.
“Mamaya ay may party rito sa bahay. Gusto kasing ma-meet nila Mom at Dad ang apo nila pati na rin ang ina nila.”
Napalingon ako sa kaniya. Hindi ko alam kung ano bang sasabihin ko sa kaniya. Natatakot akong baka magkagulo at magalit ang kaniyang mga magulang.
“Huwag kang mag-alala, mabait sina Mom at Dad. They’re excited to meet the twins especiall you,” saad nito at tumayo na.
“By the way, thanks for the coffee. I like it.”
Napatulala na lamang ako dahil sa sinabi niya. First time niyang puruhin ang aking ginawa kaya labis ang aking tuwa. Para bang nagbubunyi ang aking kalooban dahil sa sinabi niya. Napakagat ako ng labi para pigilang ngumiti. Napailing ako sa akin naiisip.
“Get a grip, Gianna. May asawa na siya,” saad ko sa aking sarili.