Kanina pa ako naghihintay sa kambal, narito ako sa labas ng mansyon nakatambay. Nakaupo ako sa hagdan at napayakap sa aking sarili. Mag-aalas otso na kasi’y wala pa sila, hindi nga ako nakapaghapunan dahil gusto kong sabay kaming kumain ng kambal. Napapikit ako ng mariin dahil sa inis, gusto ko mang tawagan si Ivo ay hindi puwede. Kabilin-bilinan niyang hindi ko raw sila isturbuhin kapag naroon sila sa Mall.
“Hija, bakit nariyan ka pa? Pumasok ka na sa kwarto mo’t magpahinga. Bukas ay marami pa tayong gagawin,” saad ni Manang sa akin. Napatingala ako sa kaniya at umiwas ng tingin. Alam kaya niyang ako ang ina ng kambal?
“Hinihintay ko pa po ang kambal, mauna na po kayo matulog,” saad ko sa kaniya. Rinig ko ang paghinga niya ng malalim at tumabi sa akin.
“Alam kong ina ka ng mga anak ni Sir Ivo, sabagay kung ako rin naman ang nasa kalagayan mo’y gagawin ko rin ito.”
Napatingin ako sa kaniya at napakunot ng noo. Hindi ko alam kung bakit concern na concern siya dahil narito ako’t naghihintay sa aking kambal. Ano bang pakialam niya ‘di ba?
“Hm, kaya ka ba namasukan dito dahil sa kambal? Kung balak mong sirain ang pagsasama nila Sir at Ma’am ay huwag ka nang mag-aksaya pa ng panahon at lakas dahil hinding-hindi mo matitibag ang dalawa. Mahal nila ang isa’t-isa. Ilang taon ding tiniis ni Ma’am ang lahat para lang kay, Sir. Ilang taon din niyang hinintay na mahalin siya ni Sir, nakita ko kung gaano siya nasaktan at ang mga iyak nito gabi-gabi dahil hindi umuuwi si Sir dahil lang sa isang babaeng kinakabaliwan niyang hindi naman nagpapakita sa kaniya at alam kong ikaw iyon. Nagtataka nga ako kung bakit ang dali ka lang tanggapin dito ni Ma’am eh. Iniisip ko lang na masiyadong mabait si Ma’am Shania kaya tinanggap kayo ng kambal dito sa mansiyon,” mahabang litanya niya sa akin. Doon ko lang napansin na masama ang tingin sa akin ni Manang at hindi ako nito gusto. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko kaya agad akong nagsalita.
“Wala po akong balak na agawin si Ivo, kaya lang ako narito dahil gusto ng kambal na magkakasama kaming lahat. Hindi rin naman kasi ako papayag na magkahiwalay kami, walang ina ang gustong mapalayo sa kanilang anak. Alam mo po iyan dahil alam kong ina ka rin. Huwag po kayong mag-alala ang kambal lamang ang ipinunta ko rito,” saad ko sa kaniya na ikinatango niya. Tiningnan niya ako ng maigi at napahinga ng malalim.
“Pasensiya ka na hija, gusto ko lang kasing makasiguro na wala kang balak na sirain ang relasyon ni Ma’am at Sir. Sana’y maintindihan mo kung bakit ako nagkakaganito. Para ko na rin kasing mga anak iyong mga batang iyon kaya sinisiguro ko lang na wala kang balak na masama sa kanila lalo na’t sa relasyon nila,” saad nito sa akin. Naiintindihan ko naman si Manang kaya ngumiti na lang ako sa kaniya.
“Mauna na po kayo, susunod na lang po ako,” wika ko kaya ngumiti rin ito.
“Sige mauuna na ako, hija…”
Ilang minuto lang nawala si Manang nang makita ko ang kotseng paparating sa mansyon. Alam kong sina Ivo na iyon dahil kilala ko ang kotseng sinasakyan nila. Nang makapasok sila sa loob ay agad akong lumapit sa kanila. Bumaba agad si Shania at Ivo para alalayang bumaba ang kambal. Kung titingnan para silang masayang pamilya. Nagtatawanan pa ang mga ito, nakangiti akong lumapit sa kanila at kinuha agad ang mga dala-dalang paper bags kay Shania. Napatingin siya sa akin kaya nginitian ko siya ng matamis.
“A-Ako na po,” saad ko sa kaniya. Kinakabahan ma’y gusto ko ring mapalapit sa kaniya. I want him to know that wala akong masamang plano sa kanila ni Ivo kaya wala siyang ikakabahala. Narito lang ako sa mga bata at hindi sa kaniyang asawa.
“S-Salamat,” nahihiyang sambit niya sa akin.
“NANAY!” masiglang tawag ni Avery sa akin at yumakap sa aking hita.
“Oh, nag-enjoy ba kayo mga anak?” tanong ko sa kanila. Halatang-halata sa mga mukha nilang sobrang saya nila kaya siguro ay nagabihan ang mga ito.
“Opo, iyong mga hindi natin napuntahan noon ay napuntahan na namin ngayon, Nanay. Binilhan pa nga kami ng toys ni Tatay eh. Ito po iyong pinapabili ko sa inyo ‘di ba, noon?”
Pinakita niya sa akin ang manikang kasing laki niya. Iyan kasi ang gusto niyang ibili ko sa kaniya subalit hindi ko mabili dahil hindi ko naman afford iyon. Isang buwang sweldo ko na ang halaga nang manikang iyan kung tutuusin. Bigla akong nahiya kay Ivo at napatingin sa kaniya. Tinaasan naman niya ako ng kilay na para bang pinapamukha nitong mas matutugunan talaga niya ang pangangailangan ng mga bata kaysa sa akin na kakarampot lang ang sweldo sa Coffee shop.
“Nanay, bumili po kami ng slippers. Para po iyan sa iyo, luma na po kasi ang slippers mo kasi palagi mo kaming inuuna ni Avery kaya binilhan po kita,” nakangiting sambit ni Gavin sa akin. Napatingin naman ako sa aking tsinelas, lumang-luma na nga ito, hindi ko alam kung ilang taon ko na rin itong ginagamit pero kahit naman gano’n ay okay pa naman siya.
“S-Salamat, anak! Naalala mo pa talaga ang luma kong slippers,” natatawang sambit ko sa kaniya. Sumeryoso ang kaniyang tingin sa akin nilapitan ako.
“Napansin ko po kasing kami ni Avery, palagi niyo pong binibilhan ng bago samantalang kayo wala po. Salamat po, Nanay,” malungkot na saad ni Gavin at niyakap ako. Gusto kong maiyak subalit hindi ko magawa dahil nasa harapan ko sina Shania at Ivo.
“Oh siya sige na, pumasok na kayo sa loob at nang makatulog. May pasok pa kayo bukas, ‘di ba?” tanong ko sa kanila. Tumango naman ang mga bata sa akin at nananakbong pumasok sa mansiyon.
“Ah, Gianna, ililipat pala namin ang mga bata sa private school. Doon kasi ay matutukan ang kanilang pag-aaral at magagaling din ang mga guro roon. Alma mater namin iyon ni Ivo kaya don’t worry, right Babe?” saad ni Shania kaya napakunot ako.
“Wait, okay naman sila sa public school. Nasabi niyo na ba sa mga bata ito? Baka ayaw nilang lumipat?” tanong ko sa kanila. Ito na naman sila bakit ang hilig nilang magplano nang wala ako?
“Nasabihan na rin namin ang mga bata sabi nila’y tatanungin ka raw namin. Kung ako naman sa iyo, mas gugustuhin kong sa private school na lang sila. Kami naman ni Ivo ang magpapaaral eh kaya huwag kang mag-alala,” patuloy pa ni Shania. Bakit ba feeling ko kinukuha niya ang pagiging ina ko sa mga bata?
“Huwag mo sanang masamain ang sinasabi sa iyo ni Shania, Gianna. Para naman iyon sa ikagaganda ng future ng kambal,” saad ni Ivo sa akin. Napatingin ako sa kaniya, seryoso itong tumingin sa akin na para bang hinihigop ako na hindi ko maintindihan. Napahinga ako ng malalim at napatango.
“Kung saan magiging okay ang mga bata ay roon din ako. Iyan lang naman ang importante sa akin,” saad ko sa kanila.
“Yay! Salamat, Gianna!” masiglang sambit ni Shania sa akin.
“Sige pasok na kami sa loob,” saad nito kaya mabilis kong pinigilan sila.
“Puwede ba akong pumasok sa kwarto ng mga bata? Bibisihan ko kasi sila ng pantulog at mag-go-goodnight na rin,” saad ko sa kanila. Napakuyom ako ng kamao, hindi ko gusto ang set up na ito subalit kailangan kong gawin. Nakikitira lamang kami rito ng kambal ko at wala rin akong karapatan dito sa mansyon.
“Oh sige ba, okay lang naman iyon, Gianna.”
“S-Salamat…” Iyon lang ang aking nasabi kaya agad silang umalis sa harapan ko. Napatampal ako ng noo nang ma-realize kong hindi ko pala natanong kung nasaan ang kwarto ng kambal. s**t! Ang laki pa naman ng mansiyon na ito, nakakahiya namang pigilan ulit sila baka sabihing nagpapansin na ako.
Nang makapasok ako sa loob ay inilibot ko agad ang aking paningin. Kita mo agad ang isang malaking picture ni Ivo at Shania noong kinasal sila. Halata mo ang masayang mukha ni Shania at seryosong mukha ni Ivo sa larawan. Kailan ko kaya makikitang ngumiti ang isang Ivo Vontobel? Alam ko kasing minsan lang itong ngumiti kahit na sa kambal ko’y matipid ang binibigay niyang ngiti.
Napahinga ako ng malalim at iniwas ang aking tingin. Ilang minuto rin akong naglibot nang marinig ko ang ingay sa isang kwarto. Roon ay agad akong pumunta baka kasi ay kwarto na ng kambal iyon subalit laking gulat nang marinig ang isang halinghing na nagmumula sa loob ng kwartong pinuntahan.
“Ohhh! Ivo, f-faster! Oh God, you are so good, Babe!” ungol ni Shania. Bigla akong natulos sa aking kinatatayuan at hindi malaman kung anong gagawin.
“f**k! I’m c*****g!” rinig kong ungol din ni Ivo.
“S-Sa loob ko ipuputok,” patuloy niya kaya napasinghap ako.
“N-No, babe. S-Sa labas, please!” halinghing ng babae.
Kaagad akong umalis doon at tila ba wala sa aking ulirat akong naglakad. Hindi ko namalayang tinatawag na pala ako ng kambal.
“Nanay! Nanay!” sigaw ng kambal sa akin kaya napabalik ako sa akong huwisyo. Bigla akong namawis na hindi ko maintindihan. Ilang taon ko rin kasing hindi nagawa iyon tapos nakarinig pa akong ng ganoon. Napalunok ako ng madiin para bang bigla akong nauhaw.
“Nanay, bakit po kayo pinagpapawisan?” tanong ni Avery sa akin.
Kinuha naman ni Gavin ang mga paper bags sa aking kamay at pumasok sa kaniyang kwarto.
“Naligaw ka po ba, Nanay? Kami nga rin ni Gavin kanina naligaw rin eh, mabuti na lang at nakita kami ni Tatay. Sobrang laki ng bahay ni Tatay, Nanay ‘no? Saan po kayo Nanay matutulog? Puwede po bang dito na lang po kayo matulog sa amin? Malaki naman po ang kwarto namin ni Gavin eh, please Nanay,” pagmamakaawa ni Avery sa akin kaya napalingon ako sa kaniya. Tumango na lamang ako sa kaniya at napahinga ng malalim. Halos hindi ako makahinga nang marinig ko ang ungol na nagmumula roon sa loob ng kwarto.
“W-Wait lang anak, ah. Iinom lang ng tubig si Nanay. Hintayin n-niyo ako r-rito,” utal-utal kong sambit sa kaniya.