Wala akong nagawa kung ‘di ay pumunta sa aking kwarto. Alam kong hinahanap ako ng kambal pero alam ko namang naroon si Ivo para bantayan sila. Agad akong sumalampak sa aking kama at napahinga ng malalim. Hindi ko alam kung kailan kami magiging ganito, mahirap talaga kalabanin ang ma-pera dahil sila lagi ang nasusunod at nananalo. Gusto ko nang umalis dito kasama ang kambal pero paano? Marami ang mga tauhang nakapalibot sa mansiyon at kung makakatakas man kami ng kambal ay mahahanap at mahahanap pa rin kami ni Ivo dahil maimpluwensiya siyang tao. Baka baliktarin pa nga niya ako’t ibalita sa medya na kinidnap ko ang mga anak niya. Alam kong alam na ng buong mundo na may anak si Ivo at hindi ako iyong inang pinakilala niya. There’s a pang in my heart when I see them looking good and happy. N

