Alas singko na ng hapon nang makauwi si Gianna. Hinanap niya agad ang kaniyang mga anak. Nagtataka siya kung bakit panay tingin ng tingin ang mga kasambahay sa kaniya kung lilingunin naman niya ay iiwas ito ng tingin. It feels so weird. Iyan ang nasa isip niya. Pumasok siya sa kwarto ng kaniyang anak, napahinga siya ng maluwag dahil busy ito sa pagsasagot ng kani-kanilang worksheets. Napakunot siya ng noo dahil nakabihis na agad ito ng pampatulog. Naka-pajama na ang dalawa. Gulat nga siya dahil never na siyang pinapasok ng kambal kapag pumunta silang C.R. para paliguan. Sabi nila ay matanda na sila para tulungan pa niya. Roon niya na-realize na lumalaki na ang kambal niya't siguro nahihiya na itong paliguan niya sila. "Ang sisipag naman ng mga anak oh. Bakit pala nakasuot na kayo ng p

