Simula noong encounter nila sa opisina ni Ivo ay iniiwasan na niya ang lalaki. Hindi niya maintindihan kung bakit ginawa ng lalaki iyon sa kaniya. Sobrang mali dahil alam niyang may asawa siya. Bigla siyang nakaramdam ng panlalamig dahil sa maaga siyang nagising. Alas singko na ng umaga’t narito siya sa kusina, nagluluto ng almusal para sa kaniyang anak. Hindi na rin siya pumuntang coffee shop at nagpaalam sa amo niyang mag-leave para maasikaso ang kaniyang mga anak. Ang alam din ni Ivo ay umalis na siya subalit hindi. Mabuti na lang at mabait ang kaniyang amo sa kaniya’t binigyan siya ng tatlong linggong off sa trabaho. Ngayon ay hatid sundo niya ang mga bata sa eskwelahan at nag-fo-focus siya sa pagaasikaso sa loob ng mansyon. Halos buong araw siyang naglilinis sa loob para lang mawa

