"Basta, next week sasama ka sa akin ha? May gusto akong kainan na restaurant na bagong tayo. Subukan natin kumain doon," madaldal na wika ng kaibigan kong si Hanna. Hindi ko naiwasan ang mapangiti na lang dahil sa kakulitan nito. Ilang buwan na rin ako rito sa United States at ito lang ang pinagkakatiwalaan kong kaibigan. Kung saan-saan rin ako nito dinadala para mamasyal kapag wala kaming pasok. At dahil wala naman akong ginagawa sa condo kaya naman sumasama na lang ako dito. Isang beses ngang isinama ako nito sa club na ikinagulat ko dahil hindi ako pumupunta sa lugar na magugulo at sobrang ingay. Wala rin kasi akong tiwala sa mga ganoong klase ng lugar. Hanggang sa magulat na lang ako dahil hindi pa nga kami nakaka 30 minutes sa lugar na iyon bigla na lang nagyaya na umalis na raw k

