"A-anong tingin 'yan?" naiilang na tanong ko sa binata. Kung makatitig kasi wagas. Kinikilig tuloy pati mga bituka ko sa tiyan. Char! Napatingin ako ng hawakan nito ng masuyo ang mga kamay ko. "Why, baby?" Napakunot-noo naman ako sa tanong nito. "Bakit umalis ka na lang bigla ng walang paalam?" Napayuko naman ako dahil sa tanong nito. Ini-angat naman nito ang mukha ko. Masuyo at mapungay ang mga mata nitong nakatitig sa akin. "Makikinig ako," mahinahong wika nito. "Anong gusto mong gawin ko? Pagkatapos mong makuha ang p********e ko, anong mukha ang maihaharap ko sa iyo. Samantalang 'di mo naman ako kasintahan," wika ko. "Baby, kahit kailan hindi kita itinuring na ex girlfriend. Ikaw at ikaw lang ang magiging kasintahan ko. Hindi mo alam kung gaano ako nabaliw kakahanap sa iyo ng mga

