Chapter 1

2061 Words
Chapter 1: They are here "You can't force me to like your boyfriend, Criza," Iritado kong sambit habang naglalakad sa hallway. Nagtitinginan na ang mga estudyante sa amin ni Criza. Of course, this is the first time na magkalapit kami. Take note, hawak niya pa ang braso ko. "Sige na kasi. Ang damot mo naman, e!" She stamped her feet on the ground, not minding the students around us. "Suporta lang, e!" I rolled my eyes and just keep on walking. Kagabi pa namin 'to pinagtatalunan. I don't like her boyfriend for her. Masyadong arogante. She even showed me their convo. Napakatipid magchat. Paano na kaya sa personal? Aakalain mong pipi sa sobrang tahimik, e. "Matatanggap mo rin si Shaun, Angel." Nakasimangot ito. Napailing na lang ako. "Pumasok ka na. Ma-late ka pa." Hindi ko na hinintay ang sagot nito at pumasok na ng classroom ko. We're already on our first year collage. I'm taking civil engineering while she's taking tourism. Nasa kabilang building ang classroom niya at nag-effort pa talaga siyang ihatid ako dito para mapilit akong gustuhin si Shaun. Okay lang naman sa akin na magkaroon siya ng relasyon sa aroganteng 'yun. Basta 'wag lang siyang saktan. "You didn't told us na close pala kayo ng Queen." Napairap na naman ako. "Then?" "Anong then-then? Ang kapal ng mukha mong magpahatid sa building na'to." Hindi ko nalang pinakinggan ang susunod na sasabihin ni Vea. Vea and her friends; Flor and Rose. Mga pabida sa building na'to. Sarap hambalusin ng cartolina minsan. "Just shut your mouth up. Nakakaumay ang boses niyo." I opened my phone and browse on my social media accounts, well, ** account. Wala akong f******k nor twitter. Sapat na ang isa. "Lumalapit ka lang sa pinsan mo kasi boyfriend niya si Shaun, e." Tinaasan ako nito ng kilay.Inirapan ko ito. "Saksak niyo sa baga niyo 'yang Shaun na bukambibig niyo.""Aba't--" 'Attention to Ms. Eleazar from Engineering and Tourism building, Ms. Salvador from engineering, Ms. Laurente from BS Education and Ms. Alonzo from Tourism. Please proceed to the guidance office. Thank you.' 'Repeating. Attention to Ms. Eleazar from Engineering and Tourism building, Ms. Salvador from engineering, Ms. Laurente from BS Education and Ms. Alonzo from Tourism. Please proceed to the guidance office. Thank you.' Napabuga ako ng hangin at masamang tinignan ang mga babaeng nasa harap ko. "Tabi." Tumabi naman ito para makadaan ako. I heard them gossiping behind me but I'm too busy not to mind their business. Wala akong pake sakanila. "Bakit?" 'Yan ang bungad kong tanong nang makapasok ako sa loob ng guidance office. "Have a seat first, Ms. Eleazar." Pormal na wika ni Ate Sunshine. My cousin. Tumabi ako kay Criza at agad naman niyang pinulupot ang kanyang braso sa akin. "So everyone's here." Tumikhim muna si Ate Sunshine bago muling nagsalita. "Last month, we got an invitation from an all boys academy. They invited us to have an exchange student. And I know you already know what exchange student mean." "What about it po?" Ani ng babaeng kulay blonde ang buhok. Tinignan ko ito at nakilalang siya si Jillian Laurente, from BS Education building. Halata naman sa suot nitong dark blue pencil skirt at blazers na dark blue rin same with her necktie. "It took us weeks before accepting their offer." She leaned on her seat and look each one of us. "We observed each one of the students of our school; Star All Girls University." "And you choose us, am I right?" Pangunguna ni Criza. Halatang iritado na sa pagpaligoy-ligoy ni ate Sunshine. "Yes." She dropped the pen she was holding a moment ago on her desk and it creates a sound. "Kayo ang ipapadala dala ko sa all boys--" "Are you insane?!" Hindi ko mapigilang taasan ang aking boses. "That's an all boys. All boys. Tapos lima lang kami ang ipapadala niyo doon? Knowing we have separated courses?" "Calm down, Ms. Eleazar." Ngumiti si ate na tila ba alam niyang ganito ang irereact ko sa bagay na'to. "The academy already secured your safety in that school. They even made dorms and comfort rooms especially for you. Nakakahiya nang tumanggi sa offer. They also made and asked for your exact sizes. So expect that you also have your special uniforms there." Hindi nalang ako umiimik at hinayaan nalang silang magsalita. Makakatipid pa ako ng laway. "So ladies, prepare your things. Pack up now. That academy is unlike ours. Hindi kayo nakakalabas doon. You can only go out during Saturday and Sunday. Weekdays, no out." She checked her wristwatch. "And in addition, you'll be leaving this afternoon para bukas ay makapagsimula na kayong mag-aral. Enrolled na kayo doon. No need to worry." Tumango ang tatlong estudyante na makakasama namin sa pagiging isang exchange students. Ramdam ko namang kinurot ako ni Criza sa tagiliran kaya't sinamaan ko ito ng tingin.She just pouted. "Sige na," she mouther those words. Hindi ko nalang ito pinansin at muling bumaling kay Ate Sunshine. "Anong pangalan ng school?""Oh, buti naitanong mo." She smiled. "It's Amadeo University." What?! Rinig ko ang mahinang tilian nilang apat. Yes, kasama si Criza. Anong meron sa Unibersidad na 'yun? "Really, Ate Sunshine? My gosh! I need to pack now. Babye!" Tumayo si Criza at nagmamadaling umalis ng silid. Ate Sunshine chuckled. "Start packing your things now. Dismiss." Halos sabay na tumayo ang tatlo at nagpaalam kay ate na aalis na. Hindi ako nag-abalang gumalaw sa pwesto ko at hinintay munang makalabas ang tatlo."What can I do for you, Ms. Eleazar?" Humikab ako at sumandal sa aking kinauupuan. "Anong meron sa school na 'yun? Can you just look for somebody else? I'll stay in this school." "Darling, 3 months won't take much of your time. At isa pa, gusto kong ikaw mismo ang mag-obserba sa paaralan nila. I know how observant you are that's why I choose you. Also, to guard your cousin; Criza. Her boyfriend is there. Sabay kayong papasok at dapat kompleto kayong lahat bago matulog." "Do I look like a bodyguard?" Tinaasan ko ito ng kilay. Napatawa ito at mahinang umiling. "No. Pero alam kong ikaw lang ang hindi matatablan ng charms ng mga kalalakihan doon. Balita ko maraming pogi doon." "Wait.." Umayos ako ng tayo habang inaanalisa ang naunang sinabi niya. "Criza's boyfriend is there?" "Hmm-mm." "What's the name of the school again?" "Amadeo University." Amadeo what?! ______ "I thought you won't come." Nakangiting ani ni Criza. Inirapan ko lang ito at ipinasok ang aking bagahe sa back compartment ng van na magdadala sa amin papuntang Amadeo University. "I don't want to see you pregnant after 3 months of staying there." Kaswal na sawika bago pumasok ng van. She followed me inside. "Alam ko namang 'di mo ako matitiis, e." Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy sa panonood ng anime. I don't consider myself as an otaku. But I love watching anime. Tahimik lang ako buong biyahe habang nanonood ng anime, ngunit ang tenga ko ay nakikinig sa pinag-uusapan nila. "Okay na tayo doon, boyfriend naman ni Queen ang may-ari, e." Said by the other tourism student. "Oo nga. Ang swerte mo talaga, queen." Puri naman ni Laurente sa kanya.Sa kanilang tatlo, si Laurente lang kilala ko. Kilala naman na nila ako. Nakakatamad ding kilalanin sila. "Yeah. I never thought he would ask me for a date." Tila kinikilig na ani nito na ikinairap ko. Mahabang katahimikan ang namayani hanggang sa basagin ito ni Laurente. "Hi, Angel. Kanina ka pa tahimik." Naiilang na ani niya. Ramdam ko pa nga ang pagdadalawang isip niya kung kukunin ba niya ang atensyon ko o hindi. "Oo nga." The girl from tourism seconded the motion. "By the way, ako nga pala si Kirstin Alonzo. From tourism department or should I say building." Tinanguhan ko lang ito at tipid na nginitian ako. "I'm Stracy Salvador, engineering student. Magkatabi lang classrooms natin." She smiled showing her cute dimple at her cheeks. "Angel Eleazar. Engineering." Tipid ko silang nginitian at muling nanood sa aking cellphone."Ilang taon ka na?" Alonzo asked. Okay? Is this what they called 'knowing each other' portion? I turned off my phone and took off my earplugs. Useless. Hindi rin naman ako makakapagfocus sa panonood dahil sa mga walang katapusang tanong nila. "Just turned 18 last month." Sagot ko sa tanong nito at tumingin sa labas ng bintana. "Wow. Ang bata mo pa pala. 19 na kaming tatlo, e. Ikaw ba, queen?" Alonzo asks. Ang ingay rin ng bibig nito. "I'm also 19." I can feel her smiling the way her voice toned. "Si Angel pala youngest natin dito." Ani ni Laurente. "Yeah." Sagot ni Criza at humilig sa balikat ko. She's like this. Kapag magkatabi kami, kung hindi mangyayakap, matutulog naman sa balikat ko. Hindi na nasundan pa ang mga katanungan. Humilig rin ako sa headrest ng upuan at pinikit ang aking mga mata. Inaantok ako. Kinulang ako sa tulog kagabi dahil sa labis na pag-iisip sa weirdong boyfriend ng pinsan ko. He's cold. Intimidating. His presence is very suffocating. His aura.. is very dangerous.That's how I described him. Hindi ko masyadong kita ang buong mukha niya marahil sa suot na face mask at dahil sa buhok niyang tumatabon sa kanyang mga mata. But those stray hairs can't hide the beauty of his green eyes. "Andito na tayo," Rinig kong anunsiyo ng professor na nakaassigned maghatid sa amin sa paaralang ito. Naunang bumaba si Alonzo at Salvador, followed by Laurente. I prefer calling their surnames. Mas madaling alalahanin. Mahina kong tinapik ang pisngi ni Criza na nakaidlip sa balikat ko. "We're here."She slowly opened her eyes and yawned. "Tara na." She went out of the van and I also did. Nakalabas na ang mga maleta namin at bitbit na nila ang mga pag-aari nila. "Hello, ladies." Nabaling ang tingin ko sa isang may lalaki nasa sa tingin ko'y nasa kanyang mid 30's or 40's. "Welcome to--" "Mobile legend." I heard Alonzo whispered. "--Amadeo University." Ngiti-ngiti nitong bati sa amin. "Good morning, sir." Ani ni Prof. Angeles. "May I ask for the location of the principal's office?""Oh, sure." Tumango ito. "Follow my lead." And that's what we did. Tahimik lang kami habang binabaybay ang malawak na kalsada ng Amadeo University. Actually, wala pa kami sa loob ng Amadeo. Nasa labas pa kami. Masyadong malayo ang main entrance ng university sakanilang gate. "Ang layo naman ng entrance. Masyadong mainit. Ang bigat pa ng mga bagahe." I heard Criza murmured beside me. But no one noticed. Inis ko kinamot ang aking batok. Malapit na kami. "This is the main entrance of the university, ladies." Ani ng lalaki. We all nodded our head and followed him again. Mula dito, kita ko ang mga kalalakihang naglalaro sa napakalawak na oval. Meron ding nakatambay lang sa mga bench at naglalaro sa kanilang cellphone. Rinig ko rin ang mahinang tilian ng mga kasama ko.Girls, tsk. Walang imik ako habang naglalakad kasunod nila propesor Angeles. I saw how boys turned their heads as we passed by them. Rinig ko rin ang mga bulungan nila na ikinabuntong hininga ko. Seriously? Boys also gossip? "Don't mind the students, ladies. Akala lang nila na hindi totoong may mga babaeng makakapasok sa unibersidad na 'to." Ani ulit ng lalaki. I don't know his name. At wala akong pake. I heard a lots of cat calling and whistles. Nakakabwiset. Ang sarap manghambalos ng maleta. I moved my head a bit just to hear the cracking sound of my neck.Napahawak naman sa braso ko si Criza. "Shaun said na susunduin nila tayo. Pero bakit wala siya?" I rolled my eyes as I keep on walking. "Malay mo. Busy sa ibang babae--- I mean, bagay." Sumimangot ito sa sinabi ko. "You were never a fan of him." "Wala rin akong balak." Nang makarating kami sa isang malaking double door, doon ko lang nabasa na andito na kami sa harap ng principal's office. "Please, come inside." The man gestured the door. "Thank you." Mahinhing ani ng aming propesor. Mahinhin magsalita pero halimaw magpagawa ng calculus assignments. She opened the door and went inside followed by us. Bumungad sa ilong ko ang panlalaking pabango at isang boses na parang nagrereklamo. "No fvcking way, uncle. Cancel the agreement! You never told me about this sht." Nakakasindak ang paraan ng pananalita nito. "It's already late," I heard a man's voice just as when we fully entered the room. "Because they are here."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD