bc

The Mafia Lord's Obsession

book_age18+
6.7K
FOLLOW
19.0K
READ
sex
love after marriage
forced
evil
expert
childhood crush
affair
gorgeous
seductive
wild
like
intro-logo
Blurb

WARNING! SPG(R16)

____

No one dared to mess with him.

Shaun Amadeo. The mafia heir of Amadeo Empire.

Isang lalaking walang pakialam sa sasabihin at iisipin ng iba tungkol sa kanya.

Isang lalaking walang puso at agad nakukuha ang gusto sa isang iglap.

Then he meets this beautiful lady named Angel Eleazar.

Isang dalagitang controlado ng mga magulang. Pati pangarap sa buhay ay kinokontrola.

Lubos na iniisip kung ano ang sasabihin at iisipin ng iba sa kanya.

A girl who didn't live her life the way she wanted it to be.

Ano ang mangyayari kapag isang araw, bigla na lamang siyang magustuhan ng isang Amadeo?

Can this beautiful Angel loves a demonic persona of Shaun Amadeo?

_________

Book Cover credits to: rosehipstea

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue Napakamot ako sa batok habang pinapanood ang pinsan kong panay ang pahid ng lipstick sa kanyang labi. Dmn, ilang beses ba kailangan magpahid? "How do I look, Gel? Am I pretty?" She even blink her eyes several times. Inirapan ko lang ito at pinagpatuloy ang pagkain ng piattos. She's going to have a date with some guy from the other academy. All boys academy yata. Ewan ko ba sa pinsan kong 'yan. Ang bilis makabingwit. "Come on, Angel!" She shook my shoulders. "Sagutin mo naman ako!" "Nanligaw ka ba?" Tinaasan ko ito ng kilay. I suppressed my smile as I saw rolled her eyes upon me. "Umayos ka nga kasi!" Sumimangot ito at umupo sa kama ko. "My date is very handsome kaya. I don't want to look very lousy when I'm with him." Pinasadahan ko ng tingin ang katawan niya at napairap sa porma niya ngayon. "Sino ba 'yang date mo? Anak ng presidente ng Pinas?" "Duh!" Muli ako nitong inirapan. "Ilang beses ko ba uulit-ulitin ang pangalan ng date ko? My gosh, Angel! He's very famous in town. Not just in town, but also in the other country! And to answer your question, hindi siya anak ng presidente. Pero mas mayaman pa sa presidente ang pamilya nila." "Oh, tapos?" Muli akong ngumuya. "Mayaman din naman tayo, ah? Ba't ka pa mamimingwit ng mayaman? Sugar daddy?" "Shaun Amadeo is a hottie!" she exclaimed. "He can be labeled as daddy but not literally. Just endearment, 'ya know." Hindi ko nalang ito pinakinggan at sinagot ang tanong niya kanina. "You look hot on your outfit, Criza. Masyadong revealing. Kinulang ka sa tela?" "Palibhasa kasi, consevative ka." "I'm not conservative, tanga." Humiga ako sa kama. "Hindi lang talaga ako komportable sa ganyan. I hate attention and you know it, Criz." She slapped my legs making me glare at her. "Come on, Angel! You're pretty as me. Ganyang pormahan pa nga may nabibihag ka na, what more kung mag-ayos ka. Baka maagaw mo pa trono ko bilang Queen ng school, e." Criza Eleazar is a very talkative individual. She's my cousin, and also the famous Queen of the school. Ang daming ek-ek. Wala namang mapapala. "Umalis ka na nga, ang ingay ng bibig mo," taboy ko rito at sinipa pa ang legs niya. She's wearing a navy blue off-shoulder croptop and a faded blue shorts paired with a cycling and converse shoes. Naglagay din siya ng kalorete sa mukha na ikinairap ko. Seriously? Never could I imagine myself having so much effort to make myself pretty and presentable infront of a man. "Aalis na nga ako, e. Sunduin mo ako mamaya, ah. I'll text you the location." She walk towards the door and stopped midway. "And please, don't wear your lousy tshirts this time." Nang makalabas ito ng kwarto ay saka lamang ako napabuntong hininga. Finally, the room is filled now with pure silence. Tanging ugong nalang ng aircon ang naririnig and I like it. Kinuha ko ang cellphone ko sa gilid at nagbrowse sa instragram. I'm not into this kind of social apps but knowing Criza, hinding-hindi niya ako titigilan hanggang sa hindi ako gumawa ng social media account. Shaun Amadeo His name suddenly pops up inside my head. Sino ba 'yang bubwit na 'yan. Nakakaumay na kasing pakinggan ang pinsan ko habang kinukwento ang lalaking nilitrato ay hindi ko nikita. And when I say umay, talagang umay! Whenever she visits my house or ako ang bumibisita sa kanila, palagi niyang bukambibig nag pokemon na 'yun. Criza and I were a very close cousin. We shared the same room whenever we visit each other's home. Ngunit malaki ang pagkakaiba namin ni Criza pagdating sa ibang bagay. She likes to party while I'd rather stay at home and watch some movies like transformers or anime. She also love the spotlight, while I hate it. Why? Because you won't have privacy. Nakakainis. She's socialite with some famous people kaya sa school, halos ayaw ko siyang tignan. Ayokong malink sa kanya. Sapat na 'yung alam ng lahat na magpinsan kami, pero ang akala nila, hindi close. She's a very girly creature. From bags, dresses, blouses, shorts, sandals, perfumes, and many others. Napakagirly. While me? Nah. Can't even comb my hair after shower. Tinatamad ako, e. But still many guys wants to catch my attention. Poor them. Alam ko namang ang pinsan ko lang ang sadya nila kaya sa akin sila lalapit. Mga bobong nilalang. Ako pa lalapitan, e wala akong pakialam. Muli akong nagising sa reyalidad nang tumunog ang notification ng cellphone ko. A message from Clyde on **. My childhood bestfriend. Nakangiti kong binuksan ang mensahe niya habang nakasipsip sa iniinom kong chuckie. Food is life ika nga. Marami namang stock sa ref sila Tita Crizelda, e. Clyde: Hey, Gel. Wanna hang out? Napasimangot ako sa nabasa. His playboy side again. Minsan sarap din nitong hambalusin sa mukha. Angel: Nakakalabas ka pala sa bilanggo? Just a few second then he immediately replied. Clyde: Nakakalabas naman kaming taga AU during saturdays and sundays. So, yea. Clyde told me about his school. All boys school daw at bawal silang lumabas. Loyal sa alma-mater. Since highschool to college, nasa all boys school pa din. Ewan ko ba anong meaning ng AU. Basta alam ko, university ang dulo. I sipped my chuckie again and typed my reply. Angel: Good to know. Tinatamad akong gumalaw, e. Next time nalang. Muling umugong ang cellphone ko. Wow! Wala sigurong kalandian 'to ngayon. Clyde: Sige na kasi. Nasaan ka ba? Angel: Criza's. Clyde: Otw. Bilisan mong gumalaw. Wear something presentable. Bilis. Nasipa ko ang isang unan na nasa paanan ko at naiinis na tumili. Sana pala hindi na ako nagbukas ng social app. Alam ko si Clyde. Like Criza, hinding-hindi ako tatantanan kapag hindi ko ginawa ang mga pinapagawa nila. I lazily got up from my bed and look for an outfit inside my wardrobe. Kahit hindi ko 'to bahay, may sarili rin naman akong wardrobe. Ang yaman kaya nila Criza. I choose to wear the oversized Levi's white shirt and a black fitted jeans. Pinaresan ko rin ito ng vans shoes na bigay ni Clyde sa akin. I love collecting shoes. Airforce shoes and jordans were on my shoe rock on my house. Hindi na ako nag-abala pang magpabango o magpaganda. Lumabas agad ako ng kwarto dala lamang ang cellphone at pitaka. Rinig ko namang may bumusina sa labas ng gate kaya nagmamadali akong lumabas. I saw Clyde's montero parked outside. Agad akong pumasok sa passenger seat at akmang isusuot na sana ang seatbelt nang pigilan ako nito. "Did you comb your hair?" Okay. 'Yan parati ang bungad niyang tanong. I just shook my head. And like what he always do, pinatalikod niya ako at siya mismo ang nagsuklay sa buhok kong ang haba ay hanggang bewang. "It's been two months since I last did this," he murmured. "Nakakamiss pala." "Ako hindi mo miss?" I kid. "Of couse, I do." He chuckled. "Walang tomboy sa school. Puro lalaki. May mga bakla. Pero walang tomboy." Humarap ako dito at handa na sana siyang sapukin nang mabilis nitong sinalo ang kamao ko. "Hindi ako tomboy." I rolled my eyes. "Yea, yeah." He chuckled. "Kung hindi, patunayan mo. "Paano?" "Magpakilala ka sa amin ni Criza ng jowa." -- "Pot*ng ina?" Halos maibulong ko na ito nang muli na naman akong natalo sa billiard "I told you. You can only beat me on basketball, but not with this." Iminuwestra nito ang mesa na ang tanging natitirang bola ay ang puti. "Anduga mo talagang hayop ka." Itinapon ko dito ang cue stick at hinugot ang cellphone kong umugong sa aking bulsa. From Criza: Pick me up at 7/11. Napabuga ako ng sariling hininga sa nabasa. Ginagawa na naman akong driver ng gagang ito, e. "What's with the face?" Nilapitan ako ni Clyde at inakbayan. "Seven eleven daw. Sunduin na natin. I'll drive you both home." "Sige." I nodded at hinayaan ang sarili kong guyurin ni Clyde palabas ng bilyaran at papasok ng kanyang sasakyan. Umikot ito bago pumasok sa driver's seat, sakto namang natapos kong maisuot ang aking seatbelt. "I'm craving for ice cream." I murmured as my eyes darted outside the car. "Then bibili tayo ng ice cream." Rinig kong sambit ni Clyde at pinausad ang sasakyan paalis sa lugar. Tahimik lang ang naging biyahe namin ni Clyde hanggang sa basagin ko ito. "Did you know a guy named Shaun Amadeo?" I keep glancing on my wristwatch. Malapit naman na kami sa sinabing pook ni Criza. Bumagal ang takbo ng sasakyan. "Why?" I shrugged. "'Yan ang pangalan ng kadate ni Criza. I don't know him yet." "Hmm," iniliko nito ang sasakyan sa isang eskinita. "He's dangerous. Don't ever think of associating with a guy like him." "What!?" Napaayos ako ng upo at balak pa sanang sundan ang sinabi ko nang magsalita ito. "Andito na tayo." He parked the car outside of the said convenience store. Napasimangot ako nang nauna itong lumabas ng sasakyan. Halatang iniiwasan ang mga kasunod kong mga tanong. I heaved a deep breath as the door beside me opened. Walang imik akong bumaba at tinext si Criza na nakarating na ako. Just as when I clicked the send button, I saw her walking out of the store. May sinusundan itong lalaki na nakawhite tshirt at khaki shorts. He's holding a piece of cigarette between his middle and pointing finger. Wala itong sindi, sa tingin ko ay sisindihan niya pa lang ito. "Criza," I called my cousin's name. Tiningnan ako nito at ngumiti ng malapad. "Hey, couz." Naunang lumapit sa amin si Criza na sinundan naman ng lalaki. I can feel my throat starts to dry the way the man stare. Ramdam ko ang bigat sa bawat titig ng kanyang berdeng mata sa'kin. "Clyde? Nakakalabas kayo?" Nagtataka ring sambit ni Criza at bumeso sa akin at Clyde. "Why are you together?" Umirap ako dito. "Don't give me that looks, Criz. Alipin ko 'yan." "What the!?" Nginitian ko ito ng mata bago ako tumingin sa lalaking kanina pa nunuri ang tingin sa akin. "Hi." "Uhm," tumikhim si Criza at humawak sa braso ng lalaki. "Guys, this is Shaun Amadeo. My boyfriend." Nangunot ang noo ko sa narinig. First date palang nila 'to, ah? Speed naman. "Bro," napatingin ako kay Clyde nang tinanguhan nito si Shaun, and the guy named Shaun do the same. "Magkakilala kayo?" Criza pointed the two of them. Tumango si Clyde at hindi man lang nag-abalang sumagot si Shaun. Pipi ba 'to? "I'm studying in his school. Hindi imposibleng hindi ko siya makilala." Napaangat ang kilay ko sa narinig. So he owns AU? "Does AU means Amadeo University?" Kumpirma muli ni Criza. Tahimik lang ako. I don't know. Nasusuffocate ako sa uri ng paninitig ni Shaun. Tagos hanggang buto. And his presence is kinda intimidating. "Hoy, Angel. Magpakilala ka. Kilala na naman pala ni Clyde at Shaun ang isa't-isa, e." Tumikhim naman ako bago nilahad ang aking kamay. "I'm Angel Eleazar." Tinitigan lang nito ang kamay ko bago nagsalita. "I don't do shake hands." So arrogant! Kiming ngiti na iginawad ko sakanya bago ito binaba. Naramdaman ko naman ang pagyapos ng braso ni Clyde sa bewang ko. I know he felt my emotions starting to run along with my blood towards my brain. Mabilis uminit ang ulo ko. "Uhm, guys? Are we okay?" Naiilang na rin si Criza. "Yes." Me and Shaun said in unison. Tinitigan ko ito at nagkasukatan kami ng tingin. Kung ibang tao siguro, manginginig ako sa takot sa paraan ng kanyang pagtitig. Pero ibahin niya ako. Sanay na ako sa mga ganyang tingin dahil sa kapatid ko. "Bibili lang kami ni Angel ng ice cream sa loob." Tikhim ni Clyde at handa na sanang igiya ako sa loob nang magsalita si Criza. "Samahan ko na kayo." She volunteered. Napairap ako nang mapagtantong sasama rin si Shaun sa loob. I heaved a deep breath before speaking. "Kayo nalang. I'll stay in the car. Hintayin ko nalang kayo." Ewan ko ba. Basta mainit ang dugo ko sa Shaun na boyfriend ng pinsan ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
73.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook