Napahinto ako sa paglalakad nang mapansin ang isang pasyente na nakatayo sa gilid ng nurse station dito sa E.R. Mabilis na nilapitan ko ito at mataman na pinagmasdan bago kausapin. “Excuse me, mister but you’re bleeding.” “Oh, I’m fine. I have an appointment today and I’m currently filling up the form,” sagot naman nito habang patuloy pa rin sa pag-fill up ng kung ano. “May I see your wound?” tanong ko pa dito saka bahagya na lumapit. “Sure. it’s over here,” mabilis na sagot naman nito saka nilihis ang collar ng shirt niya. Tinulungan ko naman ito na tuluyan na hubarin iyon hanggang sa makita ko ang sugat kung saan nanggagaling ang tumutulong dugo sa sahig. “That’s a gunshot wound?!” hindi makapaniwala na wika ko dito. “Y-yeah…” mahinang sagot naman nito saka alanga

