“You paged me?” Bungad na tanong ko kay Clyden nang makita ito sa private room ni Mr. Williams. Una akong nagpunta sa E.R pero wala raw siya doon kaya dito ako sunod na nagtungo. Naabutan ko silang masayang nagtatawan at mukhang wala namang emergency kaya bakit bigla ako nitong tinawagan? “I didn’t,” mabilis na sagot naman ni Clyden nang mapatingin sa akin. Nakangiti pa rin ito, still wearing his scrub underneath his white coat. Nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng white coat at gulo-gulo ang buhok. He’s not wearing his specs and his eyes look so dreamy. No, scratch that. His eyes are always looking so dreamy kaya nga nabaliw ako sa kanya noon. “You called me like multiple times,” sabi ko naman dito sabay pakita sa call history ng cellphone ko kung saan makikita ang

