“Clyden’s leaving you dahil ayaw sayo ng mom niya. He chose to leave you kaysa tanggalan ka ng scholarship. Ever since Dr. Ramirez died ay ang mom niya na ang humawak ng foundation nila at iyon ang dahilan kung bakit walang magawa si Clyden.” “That’s not true,” mahinang wika ko matapos ang ilang sandali. “That’s what Theo told me. That’s the reason why Clyden keeps ignoring your phone calls and messages. Iyan din ang dahilan kung bakit hindi siya nagpapakita sa ‘yo” paliwanag pa ni Honey. Naupo ito sa kama ko at hinawakan ang kamay ko saka pilit na pinaupo sa tabi niya. Wala sa sarili na sinunod ko naman ito habang nakatingin pa rin sa kanya. “He’s leaving me because he’s cheating on me. He’s been cheating on me right after Lolo Stan died. I saw him having s*x with someone,”

